Chapter O4 :

1.5K 78 28
                                    

≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦

     Yazuakie 💙💜 :
    Hi, sa mga READERS (Silent/Active),
    medyo mabagal ako mag-update ng
    Chapter nito kasi, unti-unti ko nang
    pina-published 'yung ilan sa Complete
    kong stories. Para mabasa ninyo rin,
    if ever na hindi ninyo pa nabasa.

    Thank you, Nicole, Winona and Riee,
    sa pagpapahiram ng pangalan ninyo
    para sa ibang characters ko rito. 😊

     Salamat sa mga comments and votes
     sobrang naa-appreciate ko. At masaya
     ako na napapangiti ko kayo.

    
      Special THANKS to @heroooooo___
      sa Instagram. Para sa mga fanart na
      ginagawa niya. 😘

     Keep safe! xoxo.

≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦≧▽≦

This chapter is dedicated to : @Mhenqxzkie
one of my silent reader. ♥

*Euphemia's point of view*


HINDI ko pinansin si Aldrich hanggang sa matapos kaming kumain. Ayaw ko sanang galawin 'yung gravy dahil sa pagpapa-cute niya sa kahera. Pero alam kong gusto niyang maging masaya ako kaya papalagpasin ko muna 'yung gravy. Sa susunod na gagawin pa niya iyon. Makakatikim siya ng bagay na never niya pang nalasap. Ang galit ng isang Stadtfeld----a Gang Leader.

Geez, naiinis ako. Ngayon ko lang naramdaman 'yung ganitong inis na parang gusto ko bumasag ng mukha ngayon!

"My wife, pansinin mo naman ako."   halos paos na sabi ni Aldrich habang seryoso itong nagmamaneho. Sinusulyap-sulyapan niya lang ako.

Simula nang umalis kami sa Jollibee ay panay ang tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at hindi rin ako kumibo. Lagi ko lang siyang binibigyan ng malamig na tingin.

Napahalukipkip ako at napa-crossed legs. Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin matapos niya akong sulyapan.

Hindi naman talaga ako ganito kanina pero nung paalis na kami at mapadaan sa counter. Nahuli ng mata ko ang isang babae na nakatingin kay Aldrich na nasa harapan ko lang. Kung may dala lang akong katana ay baka lumipad na iyon papunta sa puwesto ng babae.

Alam kong walang alam si Aldrich na tinitingnan siya ng babae. Pero hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainis. Lalo na't nagpa-cute siya sa harap ng babaeng 'yon para lang sa gravy! Sh*t!

"My wife!"   sigaw ni Aldrich kasabay ng bigla nitong pagpreno matapos na igilid ang kotse sa tabi ng kalsada.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang kanang gilid ko. Basag ang salamin ng bintana ng kotse dahil sa biglaan kong paghampas gamit ang kanan kong kamao. May ilang bubog na nasa upuan ko pero alam kong karamihan non ay kumalat na sa kalsada.

Napatingin ako sa kanang kamay ko na may munting hiwa gawa ng mga bubog na mula sa binasag kong salamin ng kotse. Hindi makapaniwalang umiling ako at natawa ng sandali.

"F*ck!"   mura ko ng napakalutong.

Ito ang unang pagkakataon na nawala ako sa sarili ko ng dahil lang sa nangyari kanina. Para bang nagliyab ako at biglang kumulo ang dugo ko.

Ito ba ang kayang gawin ng selos? Nawawala ka sa sarili mo? Kaya ba maraming babae ang nabaliw at iniwan ng lalaki ng dahil sa pagseselos nito? Sheez!

"My wife, okay ka lang ba?"   puno ng pag-aalalang hinaplos ni Aldrich ang kanang kamay ko. Tila maiiyak pa siya ng makita ang mga munting sugat na natamo ko.    "Kailangan nating dumaan sa ospital para magamot ito."   malungkot na sabi niya na may halong pagkataranta.

Mabilis kong binawi ang kanang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Gulat na gulat niya akong tiningnan sa mga mata  dahil sa ginawa ko.

"Baka nakakalimutan mong doktor ako. Magmaneho ka na uli, gusto ko ng umuwi."      walang emosyon na sabi ko.

Napabuka lang siya ng bibig pero walang lumabas na kahit anong salita. Naramdaman niya sigurong sarado ang isip at tainga ko para pakinggan siya.

Binuhay na niyang muli ang makina ng sasakyan at muling nagmaneho. Habang ako ay nakatingin lang sa labas mula sa wala ng salamin na bintana.

Pagparada niya ng kotse sa garahe ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay.

May biglang yumakap mula sa likuran ko. Mahigpit ang yakap na iyon na tila ba takot na takot itong mawala ako. Bigla akong nakaramdam ng kaunting kirot mula sa puso ko. Para bang nasaktan ako dahil alam kong kahit na hindi ko sadya ay  nasaktan ko siya. Nasaktan ko 'yung lalaking mahal ko ng dahil lang sa pagseselos na naramdaman ko.

"Sorry na, My wife."   paos na bulong niya kasabay nang paghalik niya sa buhok ko.   "Hindi ko na uulitin. Huwag ka na magalit, please."   pakiusap pa niya.

Napapikit ako. Kinalma ko ang sarili ko. Masuyo kong hinawakan ang mga bisig na nakayakap sa akin.

"I do not share. I do not want to share you with anyone else. Kasi ang sa akin ay sa akin lang. Walang puwedeng umangkin. Walang puwedeng makihati. At higit sa lahat, walang puwedeng mangarap."    bawat katagang sinabi ko ay binigyan ko ng diin. Para maramdaman niya kung gaano ako kadamot na tao pagdating sa kanya.

"Ang saya ko."   masiglang sabi niya. Pinakawalan niya na ako mula sa pagkakayap at pinaharap sa kanya.

Nanliit ang mga mata ko ng makita ang pagkinang ng mga mata niya. Ang abot langit na yata niyang ngiti. Para bang bata na nakaharap sa mga pagkaing gusto nito.

Ang saya ng mga mata ni Aldrich na bakas ang kasiyahan na nararamdaman.

"Ganito pala magselos ang isang gangster."   ngiting sabi niya kasabay nang pagpisil ng ilong ko gamit ang kanan niyang kamay.

"Hindi."   pagkontra ko sa kanya.

"Anong hindi?"   nagtatakang tiningnan niya ako.

Hinawakan ko ang kanang wrist niya.  "Ganito magselos ang isang gangster."   sabi ko na lumapit sa kanya at umikot para talikuran siya. Puwersahan ko siyang hinatak pababa kasabay ng paggamit ng likod ko para magkaroon ng panimbang. Hanggang sa magawa kong mapabagsak siya sa sahig na para bang tumambling muna sa ere.

"My wife!"   gulat na sigaw niya.   "Papatayin mo ba ako?"   tanong niya na nakatingin sa akin habang nakahiga siya sa sahig.

"Hindi,"   mabilis na sagot ko.  "Mas gusto kong maging patay na patay ka sa akin. Para hindi mo magawang magpaguwapo pa sa ibang babae."   pagpapatuloy ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Tinalikuran ko na siya.  "Hindi mo ba gagamutin itong sugat ko? Para suyuin at lambingin ako?"   pahabol na tanong ko na naglakad na papunta sa hagdan paakyat  ng kuwarto na nasa ikalawang palapag.

"Wait!"   sigaw niya.

Ngumiti nalang ako habang nararamdaman ko ang pagsunod niya sa akin.


"F*CK!"   mura ni Aldrich nung bigla itong magpreno.

'Yung sasakyan na nasa harapan namin ay bigla nalang gumewang-gewang hanggang sa bumangga ito sa hulihang bahagi ng ten wheeler truck.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan para puntahan ang kotseng iyon. Malayo palang ay kitang-kita ko na agad kung gaano ka grabe ang pinsala ng kotse. Papalapit palang ako ay may nakita na agad akong dugo mula sa pinto ng sasakyan. Buong lakas kong binuksan ang pinto ng kotse.

"Naririnig mo ba ako?"   tanong ko sa lalaking duguan. May malay pa ito at napapangiwi sa sakit.  "Huwag kang malikot at gumalaw baka mas lumalala pa ang injury mo."   pagsaway ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at pilit na inaangat ang kamay palapit sa mukha ko.

"Help me."   he mouthed hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Napatingin ako sa damit niya na may maraming dugo. Inangat ko ang printed t-shirt niya gamit ang kanang kamay ko  para tingnan ang sugat na natamo ng lalaki.

"Bala?"   kumunot ang noo ko.

Tiningnan ko ang sugat at sinuri itong mabuti. Ang sugat ng lalaki ay mula sa bala ng baril.

Iniangat ko ang kaliwa kong kamay para hawakan ang tiyan ng lalaki. Para na rin  malaman kung may iba pa ba siyang tama. Nang malapit ko nang hawakan ang tiyan ng lalaki ay may isang kamay na pumigil sa akin. Hinatak ako nito palayo sa lalaki.

"No!"   matigas na sabi ni Aldrich na nakahawak sa kaliwang kamay ko.

"Anong no?"   nagtatakang tanong ko sa kanya habang nagsasalubong ang dalawang kilay ko.

Anong no ba ang sinasabi niya?

"Huwag!"  sabi pa niya.

"Ha?"   kumunot na ang noo ko.

Kanina no, tapos ngayon naman ay huwag?

"Huwag mo siyang hawakan."   may pag-utos pa na sabi niya.

"Doktor ako, kaya kailangan ko siyang tingnan."   sagot ko na pilit binabawi ang kamay ko.

"May ambulance na, sila na ang bahala sa kanya."   sabi niya na itinuro pa ang ambulance na kakarating lang.

"Pero,"   biglang naputol ang sasabihin ko.

"Kung gusto mong humawak ng tiyan. Always welcome kang hawakan ang tiyan ko. Hindi hamak na mas maganda at malaman ang abs ko."   sabi niya na inilagay ang kamay ko sa tiyan niya. Ipinasok niya talaga ang kamay ko sa loob ng damit niya at ipinuwesto pa niya ito sa abs niyang malaman.

Aldrich had a very sexy body. Ang malaman at mala-adonis nitong katawan. Parang inukit ang abs nito sa tiyan na talagang perpekto. Kanin nalang ang kulang ika nga nila kapag nakita mo siyang naka-topless.

Halos natawa ako sa isipan ko dahil nagselos agad si Aldrich. Wala naman sa akin kung may abs yung lalaki dahil wala naman itong malisya sa akin. Doktor ako kaya natural na ang makakita ng ganoon.

"Aldrich!"   pagsaway ko sa kanya matapos tawagin ang pangalan niya.  "Doktor ako.  Kaya natural lang 'yung ganoon at walang malisya. Trabaho at profession lang. Nagseselos ka ba?"   umangat ang isa kong kilay.

"Oo na, doktor ka pero asawa kita. Kaya huwag kang hahawak ng katawan ng ibang lalaki sa harapan ko dahil nagseselos ako."   seryosong sabi niya.    "At ganito ako magselos."   dagdag pa niya sabay lapit sa akin.

Sa gitna ng kalsada. Sa harap ng mga taong nasa paligid. Hinagkan niya ang mga labi ko na para bang wala siyang pakialam sa paligid naming dalawa.

Ganito magselos ang isang Aldrich Montecillo? Claiming his territory infront of many people? Kahit pa nasa gitna ng kalsada at nasa tabi lang ng naaksidenteng sasakyan? Wala talaga siyang pinipiling lugar. Para ipakita ang pagseselos niyang ito.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon