Chapter O7 :

1.2K 45 15
                                    

*Euphemia's point of view*

NAPATINGIN ako sa cellphone ko para tingnan kung anong oras na. It's 11:10 AM, nasisiguro kong nakaalis na si Aldrich. May business trip siya sa Singapore na magtatagal ng dalawang linggo. Nung una ay ayaw niya pang umalis at gustong isama ako. Buti nalang nadaan sa maayos na usapan kaya natuloy din ang alis. Kasama niya sa business trip ang kanyang amang si Johnny.

Good timing na may business trip siya ngayon. Para makakilos ako ng maayos.

Hindi alam ni Aldrich na muli kong bubuohin ang gang. Dahil may mga kailangan pa akong ayusin. Tsaka ko na sasabihin pagbalik niya.

Nakarinig ako ng ingay mula sa labas kaya napatayo na ako sa sofa na kinauupuan ko sa salas. Mabilis akong lumabas ng bahay at napatingin sa itaas.

"Sky!" masayang sabi ko ng makita ang private helicopter ko.

Bihira ko ng magamit si sky ngayon. Tuwing bibisitahin ko lang ang Stadtfeld Resort at Stadtfeld Academy. Na miss ko tuloy siya ng sobra.

"Kamahalan!" kumakaway na tawag sa akin ni Hiroki. Nakangiti ito ng malapad na para bang ang tagal naming hindi nagkita kahit kahapon ay nagkita kami sa hospital.

Si Hiroki muna ang makakasama ko habang nasa palasyo si Butler Ashford kasama ang tatlo kong anak.

"Ibaba mo na!" sigaw ko sa kanya dahil kung 'di ako sisigaw ay 'di niya ako maririnig. Dahil sa ingay na nagmumula kay sky.

"Roger!" tugon niya na nag-salute pa.

Nung makita ko na hinagis na niya ang tali ay tumalon na ako para hawakan ang handle sa may dulo ng tali. Pagkahawak ko doon ay mabilis na hinila ni Hiroki ang tali hanggang sa makapasok ako sa loob ni sky.

Umupo ako at humarap sa laptop na nasa upuan.

"Anong balita?" tanong ko ng umupo si Hiroki sa katabing upuan ko.

"Ang linis!" sagot niya na inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo niya at preskong nakaupo.

Napailing ako.

May ugali si Hiroki na ganito. 'Yung medyo maangas at bad boy ang dating. Siguro kapag nagka-girlfriend ito magiging good boy look na ito.

Tiningnan ko ang laptop. Halos mapakunot ako ng noo sa CCTV footage na pinapanood ko. Naka-all black attire ang isang hindi matukoy na tao na pumasok sa loob ng opisina nila Bubbles at Buttercup. At walang pakundangan niya itong pinatay. Parang namamasyal lang ng lumabas ito ng pinto at hanggang makalabas ng hospital.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil balot ito. At para bang alam niya ang pasikot-sikot sa hospital kaya alam niya kung saan wala masyadong tao.

"Hindi kaya nagtatrabaho rin ito sa Hospital ko? Kaya alam niya ang pasikot-sikot at lugar na wala masyadong tao?" bigla ay tanong ko.

"Ni check ko lahat ng emplayado mo, ni isa sa kanila ay walang nawala sa kanilang duty ng oras na 'yon. Weird." sagot niya sa akin.

Sino? Sino siya?

Kahit anong check ko ay hindi ko malaman kung lalaki ba ito o babae. Dahil matangkad ito at may magandang pangangatawan. Mahirap ng manghula ng kasarian ng killer. Baka magkamali pa kami ng maging lead kung manghuhula lang kami.

"MASTER, okay na po." sabi ni Ram na kakapasok lang sa pinto ng opisina ko dito sa Stadtfeld Resort.

"Okay." sagot ko na medyo excited at kinakabahan.

Makikita ko na uli sila.

Nakasunod lang sa likuran ko si Ram habang naglalakad kami papuntang conference room.

She's The GANGSTER I Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon