Isla 01

48 5 2
                                    

Ang Kaarawan

Naglalakad lakad sa tabing dagat si Rosamia. Habang tinitignan nya ang dagat ay nakakaramdam sya nang kapayapaan at lungkot. Dahil ngayon ang kamatayan ng kanilang magulang.

Papunta sana sila sa kabilang isla para kumuha nang mga prutas at para narin mangisda, dahil sa islang iyon ay nandoon ang mga malulusog na isda na pwede nilang kainin para sa kaarawan ng anak na si Rosamia. Ngunit, sa kalagitnaan ng kanilang byahe ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para lumakas ang hangin at umalon ng malakas. Sa kasamaang palad, tumaob ang kanilang sinasakyan na bangka. Dahil maliit palamang si Rosamia ay hindi nito kayang lumangoy, nalayo ito sa kanyang magulang at ate kaya naman sinagip sya nang kanyang ama ngunit bigla itong inatake sa puso at di kalaunan ay bumigay narin ang kanyang katawan at tuluyan na syang lumubog at kinain ng dagat. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi makagalaw ang kanyang ina. Nang nahimasmasan na sya ay sinabihan nya ang kanyang dalawang anak na huwag aalis sa tabi ng bangka at kumapit lang sila don dahil sasagipin nya ang kanilang ama, na kanyang asawa.

Pilit pinigilan ng nakakatandang kapatid ni Rosamia na si Mistica ang kanilang Ina, ngunit hindi ito nagpatinag at tinuloy nya parin ang pagsisid sa malalim at madilim na dagat. Ilang oras na ang lumipas at hindi na muling bumalik ang kanilang ina.

Hindi namalayan ni Rosamia na may pumapatak na luha sa kanyang mga mata. Kahit ba pitong taon na ang nakalipas ay hanggang ngayon ay sariwa parin sakanila ng kanyang ate Mistica ang trahedya na sinapit nang kanilang pamilya.

"Rosa! Halika na at tayo'y kakain na!" Sigaw nang kanyang Ate Mistica mula sa kanilang maliit na tahanan na gawa sa kahoy. Pinunasan muna ni Rosamia ang kanyang luha bago umuwi sa kanila. Pagkadating nya ay samu't-sari ang mga pagkaing nakahanda sa kanilang lamesa, na matinding ipinagtaka naman nya.

"Ate.. Bakit parang nasa isang pistahan ako at napakarami naman nating pagkain?" Naguguluhang tanong nya sa nakakatandang kapatid. Tumawa naman ng marihin si Mistica dahil mukhang nakalimutan ng kanyang kapatid na ngayon ay kanyang kaarawan na araw din ng kamatayan ng kanilang magulang.

"Maupo ka na at may kukunin lang ako." Bakas parin sa mukha ni Rosamia ang pagtataka. Iniisip nya na hindi dapat sila magsaya dahil kamatayan ng kanilang magulang. Tinignan nya isa-isa ang mga pagkain na nakalagay ngayon sa mesa nila. Mayroon mangga, saging, patatas, pancit, mainit na tinapay at samu't-saring putahe. Napatigil sya sa pagtitig sa pancit ng biglang sumigaw ang kanyang ate.

Dali-dali naman syang nagtungo sa kanilang kuwarto at nagulat sya nang biglang may papel na maliliit (confetti) na hinagis ang kanyang ate sabay sigaw ng,

"Maligayang kaarawan sa aking magandang kapatid!!" Niyakap ni Mistica ang kanyang kapatid. Napatulala na lang si Rosamia dahil sarili nya mismong kaarawan ay nakalimutan nya. Unti-unting namuo ang luha sa mata nito dahil nasasaktan sya na sa kaarawan nya pa namatay ang kanilang magulang. Bahid ang lungkot sa puso ni Mistica dahil hanggang ngayon ay sariwa parin ang sakit nanaiwan sakanila, batid nya na mas nasasaktan ang kapatid nya ngayon na tinatago lang lahat sa ngiti, kaya ginagawa nya ang lahat mapasaya lang ito sa kanyang kaarawan.

"Ano ka ba! Huwag ka ng umiyak dahil nasisira ang iyong kagandahan, kamukha mo pamandin ang ating ina." Pinunasan nya ang luha ng kapatid at binigyan ito nang isang matamis na ngiti.

"Ate kasi.. Nakalimutan ko nanaman na kaarawan ko at nalulungkot din ako dahil naalala ko ang nangyari sa atin pitong taon na ang nakakaraan." Patuloy pa nito habang pinupunasan ang sariling luha. Hinawakan naman sya ni Mistica sa kamay.

"Huwag mo nang isipin ang masasakit na nangyari saatin, ang isipin mo ay ang ngayon, sulitin mo ang bawat sandali, namnamin mo ang buhay. Minsan lang tayo mabuhay, Rosa, kaya sulitin mo na, na parang ito na ang huli. Gawin mo ang nagpapasaya sa puso mo, huwag kang matakot gawin ang bagay na gustong gusto mong gawin dahil natatakot ka sa sasabihin nang iba." Saad ni Mistica na nagpagaan ng loob ng dalaga. Ngumiti ito sakanya at tumango bilang sang-ayon. Pagtapos ng kanilang pag-uusap ay dumiretso na sila sa hapag-kainan para sa kanilang umagahan.

Isla (POSTPONED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon