Isla 03

14 0 0
                                    

Malupit na Tadhana para sa isang bata

"Sa tingin mo kaya mo?! Hindi mo kakayanin mag-isa. Napakasakim ng mundo, napakahirap, huhusgahan ka ng mga tao hanggang sa hindi mo na kakayanin at hindi mo namamalayan na ikaw mismo ang papatay sa sarili mo!"

Hingal na hingal na napabangon si Nathaniel sa kanyang higaan. Kasalukuyan s'yang nasa tahanan ni Don Jacinto, tulad ng pinangako nito. Binuksan nya ang lampara na nakapatong sa maliit na mesa, katabi ng kanyang kama. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya, kasabay ng pag-agos ng luha sa mala bituin nitong mata.

Kaya ko. Kaya ko. Kaya ko. Kakayanin ko.

Paulit-ulit nitong sambit sa sarili. Tumayo ito para kumuha ng tubig.

"Ayos ka lang po ba, Ginoo?" Halos malaglag ang puso nito ng marinig ang maliit na boses na nangagaling sa ilalim ng kanyang kama. Hindi s'ya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Tila ba nagyelo ang kanyang mga paa.

"S-sino k-ka?!" Alas-dos na ng umaga, napaka dilim sa labas, tanging lampara na nasa maliit na lamesa ang nagbibigy liwanag sa madilim nyang kwarto. Dumagdag pa ang sobrang katahimikan.

"Paumanhin kung natakot kita.." Lumabas ang batang babae sa ilalim ng kama. Mas lalong nanginig si Nathaniel ng makita ang duguang paa ng bata. Iniisip nya na baka panaginip lamang ito, pero masyado namang makatotohanan ang kanyang pakiramdam at ang paligid.

"... Ako nga po pala si Leya. 'Wag po kayong matakot sa'kin. Mali po kayo ng iniisip tungkol sa'kin." Ngumiti naman ito sakanya. Para bang nawala ang takot na nararamdaman nya. Napaupo s'ya sa kama at nagbuntong-hininga.

"Ano ang ginagawa mo dito? Alam mo ba na bawal pumasok sa kwarto ng kahit na sino ng walang pahintulot? Lalo na at kwarto ito ng lalaki, at nandito ako sa loob." Tumango naman ang bata, pinapakita na naiintindihan nya ang sinasabi nito.

"Pasensya na kayo ginoo, bukas kasi ang pintuan. Lagi po akong nagtatago dito, wala na po kasing natutulog dito. Hindi ko naman po alam na may bisita pala si Don Jacinto." Yumuko ang bata dahil nakaramdam ito ng hiya sa binata.

"Kung ganoon, pinapatawad na kita." Itinaas ng bata ang kanyang tingin kay Nathaniel at sabay ngumiti. Ngayon lang napansin ni Nathaniel na gula-gulanit ang damit ng bata. Kumuha s'ya ng pantaas nyang damit na ibinigay sakanya ni Don Jacinto.

"Isuot mo ito." Iniabot nya dito ang damit. Nagpasalamat naman ang bata sakanya. Lumabas muna saglit si Nathaniel upang makapag bihis ang batang babae. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas ang bata upang sabihin sakanya na tapos na s'ya magbihis.

"Salamat po ginoo." Pag-uulit nito.

"Walang anuman. O' s'ya sige, bumalik ka na sa iyong kwarto. Malalim pa ang gabi." Sumeryoso naman ang mukha ng bata.

"Pwede po ba akong makitulog sainyo kahit ngayon lang po. Parang-awa nyo na." Pagsusumamo nito kay Nathaniel. Hindi maintindihan ni Nathaniel ang ibig nitong sabihin pero punong-puno ng kaba ang kanyang dibdib. Kinapitan ng bata ang kamay ni Nathaniel at patuloy na nagmamakaawang patulugin s'ya sa kwarto nito.

"Leya!" Halos pabulong na ang pagtawag ng matandang babae kay Leya. Lalo pang pinilit ni Leya si Nathaniel.

"Leya... Alam ko kung nasaan ka." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Leya at Nathaniel. Kaya mabilis at walang ingay na hinila ni Nathaniel si Leya sa loob ng kwarto sabay kandado dito.

Sobra ang panginginig ng bata. Halatang-halata ang takot sa kanyang mga mata. Dahil tahimik sa buong bahay ni Don Jacinto, rinig na rinig ng dalawa ang pagtawag ng matanda kay Leya. Napapikit si Leya sabay ng pagpatak ng kanyang luha. Parang dinudurog naman ang puso ni Nathaniel kaya lumapit s'ya dito at niyakap. Yakap na magpaparamdam sa batang babae na ligtas s'ya sa yakap ni Nathaniel, na walang sino man ang makakasakit dito, at nandito lang si Nathaniel para sakanya.

Isla (POSTPONED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon