Isla 05

21 1 0
                                    

Kamusta Nathaniel

Kumakain sa hapag si Nathaniel kasama si Don Jacinto. Tila wala sa sarili itong kumakain at nakatulala lang sa kanyang baso. Nabahala naman ang Don kaya naisipan nyang kausapin ito.

"Hijo, may bumabagabag ba sa'yo?" Hindi ito sumagot at patuloy parin sa pagtingin sa kanyang baso. "Hijo? Nathaniel?" Naalimpungatan naman ito at humingi ng paumanhin sa Don.

"Don Jacinto, naniniwala po ba kayo sa kasabihang 'pag-ibig sa unang tingin'?" Natigil naman sa pag-kain ang Don. "Anong klaseng kasabihan 'yan?"

"Narinig ko lang po sa iba." Tugon nito at nagpatuloy nang kumain. Silang dalawa lang ang kumakain ngayon dahil nauna na ang ibang trabahador ng Don. Gusto rin kasi ni Don Jacinto na makausap si Nathaniel at mas makilala pa ito. "Hindi ako naniniwala." Nakuha naman ni Don Jacinto ang atensyon ni Nathaniel.

"Bakit naman po?" Nagtataka nitong tanong. Halos ang mga kakilala nya ay naniniwala sa kasabihan na iyon.

"Ibig sabihin lang non ay, nagustuhan mo ang isang tao dahil sa panlabas nitong anyo. Akala mo pag-ibig iyon? Nagkakamali ka. Pag-ibig iyon sa kanyang itsura, hindi sakanyang kalooban." Natauhan naman si Nathaniel sa sinabi ng Don. Tama siya. Nagpatuloy na lang sila sa pag-kain.

"Kamusta pala ang lagay ni Leya? Pinuntahan mo na ba siya?" Tatlong araw na ang nakalipas nang dalhin nila sa pagamutan si Leya. At nang sabihin iyon sakanya ni Mistica. "Ayos naman na po siya, maari na daw siyang umuwi mamaya. Pero ginagamot parin ang kanyang mga pasa." Tumango-tango naman ang Don. Nasa balkonahe na sila habang umiinom ng kape.

"Alam mo, noong malaman ko ang tungkol kay Leya ay nagulat ako at nalungkot dahil wala man lang akong magawa para sa bata. Gusto ko man parusahan ang kanilang magulang, hindi ko magagawa." Napatingin naman sakanya ang binata.

"Ano po ang inyong ibig sabihin? Paanong hindi nyo po kayang parusahan ang kanyang magulang?" Napabuntong hininga naman ang Don at uminom muna ng kape bago siya sinagot. "Galing sa makapangyarihang pamilya ang mga magulang ni Leya." Nagulat naman si Nathaniel sa narinig nya. "Hawak nang pamilya nila ang pamilya ko. Sa oras na parusahan ko sila, papatayin nila ang mag-iina ko." Nablanko naman ang isipan ni Nathaniel. Hindi parin siya makapaniwala sa mga naririnig niya.

"Nagbulag-bulagan kayo sa mga nangyayari?" Seryosong tugon nito sa Don.

"Kailangan kong magsakripisyo para sa pamilya ko--" natigilan ito sa pagsasalita nang magsalita ulit si Nathaniel.

"At isasakripisyo nyo ang inosenteng bata? Na hangad lang ay mahalin siya ng magulang nya at mabuhay ng payapa? Iyon ba ang tinatawag nyong pagsasakripisyo?!" Galit nitong sambit. Nagulat ang Don sa pagtataas ng boses ni Nathaniel sakanya. Imbes na magalit sa binata, inintindi nya na lamang ito.

"Sa tingin mo ba balewala lang sakin si Leya? Tinuring ko na rin siya bilang anak! Nasasaktan din ako, anong saysay ng pangako kong poprotektahan ko ang bawat mamamayan sa islang ito kung si Leya hindi ko maprotektahan." Napahilamos na lang ng mukha ang Don. Hindi nya na masikmura ang pagbubulag-bulagan nya.

"Hindi nyo naman kailangan isakripisyo si Leya, pwede nyo namang iligtas pareho!" Tumingin ito sa binata sabay tayo.

"Alam ko.. Gumagawa na akong paraan." Mahinahon nitong sagot. Patuloy parin sa pagtitig ang binata sakanya. "Anong paraan?" Lumapit ito kay Nathaniel at bumulong. "Pupunta akong Ilocos Sur pagkatapos ng pista, itatakas ko ang pamilya ko." Natahimik naman si Nathaniel. Lumayo na ang Don sakanya at akmang aalis na ng mapansin nya na hindi pa nababawasan ang kape na inihanda sakanila ng katulong ni Don Jacinto.

"Inumin mo na 'yan, baka lumamig pa--"

"Susunduin ko si Leya mamaya. Pero hindi ko siya iuuwi dito. Hayaan nyong ako ang magtupad ng pangako nyong protektahan ang mamamayan ng islang ito. Hayaan nyo akong protektahan si Leya." Napabuntong hininga naman ang Don at napailing. Mukhang mahihirapan siya kay Nathaniel.

Isla (POSTPONED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon