Isla 02

22 0 0
                                    

Misteryosong Lalaki

"Ama, Ina, Ito po ang liham na isinulat namin para sainyo. Sana mabasa nyo po ito." Wika ni Mistica. Kasalukuyan silang nasa puntod ng kanilang magulang. Naisipan nilang magkapatid na pagkatapos nila mag-simba ay dumeretso na sila sa libingan. Nakaugalian na nilang magkapatid na magsulat nang liham para sa kanilang magulang, dahil sa paniniwala nila na nababasa nila ito sa langit.

"Alam nyo po ba na binigyan kami ni Don Jacinto nang magaganda na baro't-saya. Napakasaya ko po. Binigyan din po nya kami nang pagkain para may handa po ako ngayon." Masayang saad ni Rosamia. Inilagay nya naman ang puting rosas na paborito ng kanyang ina at ang laging ibinibigay nang ama nila tuwing nalulungkot ang kanilang ina.

"Alam mo ate, sana maranasan ko rin yung pagmamahalan nila ina at ama. Sana makahanap rin ako ng katulad ni ama." Napatingin pa sa langit si Rosamia habang iniisip kung anong pakiramdam ng mag-mahal at mahalin.

"Alam ko na pipili sina ama at ina na tamang tao para saatin. Hindi nila tayo hahayaan na mapunta sa isang ginoo na hindi tayo binibigyan nang importansya." Nakangiting sabi ni Mistica. Nakuha nya ang mga ngiti ng kanyang ina. Nahawa naman si Rosamia sa ngiti nya. 

"Pero ngayon, ang isipin mo muna ay ang pag-aaral. Hindi tayo mayaman, ang edukasyon lang ang maipagyayabang natin." Saad ni Mistica sabay tawa. Simple lang ang buhay nila noong nabubuhay pa ang kanilang magulang, lagi sila nitong sinasabihan na mag-aral na mabuti dahil ito lang ang maipapamana nila sa kanilang anak.

Makalipas ang isang oras ay naisipan nila na umuwi. Magalang na nagpaalam ang magkapatid at tuluyan nang umalis.

:).


Kinagabihan, habang malakas ang ulan at  mahimbing na natutulog ang mag kapatid, nagising si Rosamia sa lakas ng kalampog sa pintuan nila. Bakas ang takot sa mukha ng dalaga. Madaming sumagi sa isipan nya at baka sa oras na buksan nya ang pintuan ay mapahamak silang magkapatid. Ngunit, nawala lahat ng nasa isipan nya ng biglang sumigaw ang kumakatok sa labas.

"Tulong! Tulungan nyo ko! Tulong!" Patuloy na sigaw ng lalaki sa labas. Sobrang lakas ng kabog nang dibdib ni Rosamia dahil may nasa panganib sa mga oras na ito. Hindi nya alam ang kanyang gagawin. Maya-maya biglang natahimik ang paligid at ang tanging naririnig lamang ay ang pagbuhos ng ulan. Babalik na sana sya sa kuwarto nila ng ate nya ngunit nanaig parin ang pag-aalala nya sa lalaking humihingi nang tulong.

"Rosa, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mistica sabay kusot sa mata na parang bata. Hindi naman mapakali si Rosamia at pabalik-balik ang paglalakad. Nang hindi sya sinagot ng kapatid, nilapitan nya ito at kinapitan sa balikat.

"Huminahon ka, Rosamia!" Pagpapakalma ni Mistica sa kapatid.

"A-ate, m-may.. s-sa labas." Putol-putol na sabi ni Rosamia. Dali-dali naman nyang binuksan ang pinto at tumambad sakanya ang nakahandusay na binatang lalaki sa harapan ng bahay nila. Walang pag-dadalawang isip na binuhat ni Mistica ang misteryosong lalaki. "Tulungan mo ko buhatin sya!" Sigaw ni Mistica. Natauhan naman si Rosamia at inilagay ang kaliwang braso ng lalaki sa balikat nya, habang si Mistica naman sa kabila.

Kahit na mas mabigat ito sa kanila, pinili parin nilang buhatin ang lalaki. Dahan dahan nila itong inihiga sa salas at sinarado ang pinto. Halos lumabas na ang puso ng magkapatid dahil hindi nila alam ang gagawin sa lalaki. "Ate buhay pa ba s'ya?" Nag-aalalang tanong ni Rosamia. Lumapit si Mistica at inilagay ang kanyang hintuturo sa ilong ng lalaki. Nang malaman nyang humihinga pa ito ay napahinga s'ya ng malalim at tumango sa kapatid.

Isla (POSTPONED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon