Isla 06

11 0 0
                                    

Ang trahedya sa pista

Naalimpungatan si Nathaniel ng buhusan siya nang malamig na tubig. "Gising na munting prinsipe." Nakarinig naman siya ng malalakas na tawa. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mata. Napansin niya na nakatali siya sa kawayan habang nakatayo. Gula-gulanit na rin ang kanyang damit at nangangamoy ang dugo na natuyo sa damit nito. May lumapit sa kaniyang babae at marihing pinunasan ang mukha niya ngunit iniwas niya ang mukha niya.

"Bastos!" Sigaw ng isa sa kanila sabay tadyak sakanya. Napaubo ulit ito ng dugo. May lumapit naman sa lalaki at sinampal ang tumadyak kay Nathaniel.

"Gusto mo bang maunang mamatay? Sabi ko ako lang ang may karapatang manakit kay Nathaniel. Utusan ko lang kayo. Naiintindihan mo?" Sinampal nya ulit ito at tsaka lumapit kay Nathaniel.

"Kamusta? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Mabigat ang paghinga ni Nathaniel at tinignan niya lang ito ng masama.

"Anong ginagawa nyo dito?" Paos na ang boses ni Nathaniel dahil simula kagabi ay hindi pa siya nakakainom ng tubig at dahil na rin sa kakaubo niya. "Utos ni Gobernador-Heneral." Nag-igting naman ang panga nito ng banggitin ng lalaki ang salitang Gobernador-Heneral.

"Tuloy parin ang plano, kahit tumaliwas ka na. Mamayang gabi, sa gitna ng kasiyahan, doon kami aatake." Gulat namang napatingin si Nathaniel sa kanya. Hindi maari. Hindi pwede.

"Hindi pwede!" Galit na galit nitong sigaw.

"Wala ka ng magagawa Nathaniel, hindi kami babalik ng Ilocos hanggang hindi namin dala ang ulo ng Don." Mahinahon nitong sagot. Naisip ni Nathaniel na kailangan niyang makatakas sa kanila. Hindi pwede matuloy ang plano dahil bukod sa pista ay kaarawan din ni Don Jacinto at Mistica.

"Bakit? Natatakot ka ba? Na masaktan si Mistica?" Hindi naman mawari ni Nathaniel kung bakit kilala nito si Mistica. Tumawa naman ang lalaki ng malakas na sinundan ng iba. Lumapit naman ang babaeng inutusan nito at iniabot ang tubig. Hindi sumagot si Nathaniel at nakatitig lang dito. Tinignan niya naman ang babae. Hindi niya maintindihan, parang nakita na niya ito.

"Ah, oo nga pala, kung hindi ka sasanib sa'min ulit, baka hindi mo na makita ulit si Mistica. Susunugin namin ang bawat kabahayan dito, papasabugin namin ang sentro kung saan ipagdiriwang ang pista at kaarawan ng magaling nilang Don, papatayin namin lahat ng kalalakihan at dadakpin ang mga kababaihan at isasama namin sila sa Ilocos upang gawing babaeng-bayaran." Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Nathaniel. Paano na sisikmura ng kaniyang ama ang lahat ng kasakiman na pinapagawa niya sa mga tauhan nito.

"Pero, maari mo pang maligtas ang lahat kung sasanib ka sa'min, ang Don lang ang masasaktan, kung mag mamatigas ka pa rin, alam mo na ang mang-yayari." Tinalikuran na niya si Nathaniel at nilagok ang tubig na dapat ipapainom niya sa binata.

Umalis na ang lahat bukod doon sa babae. "Maliligtas mo pa sila Nathaniel, bilisan mo mag-desisyon--" hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin ng mag salita si Nathaniel.

"Maliligtas sila kung ititigil nyo 'yung plano. Hanggang kailan ba kayo magiging sunod-sunuran ni ama? Bakit? Dahil ba binigyan niya kayo ng pera? Lupa? Mataas na posisyon? Ano?! Sabihin mo sa'kin!" Nangagalaiti nitong sagot. Parang galit na galit na leon na nag-aapoy si Nathaniel.

"Natatakot lang ang iyong ama.." Nanginginig na ang babae kahit na alam niyang hindi siya masasaktan ni Nathaniel dahil ito ay nakagapos.

"Hindi mo kilala ang gobernador-heneral, ang aking ama. Hindi mo alam kung ga'no kasukal ang pagkatao niya. Kaya niyang patayin, kahit mismo niyang anak." May diin sa huling sinabi niya. Hindi niya masikmura na dumadaloy sa kanya ang dugo ng kaniyang ama.

Isla (POSTPONED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon