Handa
"Paano kung... Ano?"
"Paano kung ampunin natin s'ya?" Nag-aalangang suhestyon ni Nathaniel.
"ANO?!" Nabigla naman si Mistica sa sinabi nito. Napakamot naman sa ulo si Nathaniel dahil sa hiya.
"Ginoo... Pag-isipan mo iyang mabuti. Huwag tayong magpadalos-dalos." Seryosong tugon nito sa binata. "Ngunit, ito lang ang paraan na naiisip ko." Desperado nitong sagot. Umiling-iling si Mistica. Oo, gusto nyang iligtas si Leya, ang pag-ampon? Ayos pa sakanya, pero kaakibat nito ang pagpapakasal na hindi pa siya lubusang handa. Napaka bata nya pa! At tsaka, kakakilala pa lamang nya kay Nathaniel. Iniisip nya rin ang sasabihin ng iba.
"Mistica.. Handa kitang pakasalan. Papanindigan kita." Natigilan si Mistica dahil sa isang linyang iyon. Alam nya na sinasabi lang iyon ni Nathaniel para mailigtas nila si Leya ngunit parang bulkang sasabog ang puso ni Mistica dahil dito. Pulang-pula na siya. Hindi nya alam pano ito tutugunan.
Napansin naman ni Nathaniel ang biglang pagkahiya at pamumula ng dalaga. Kaya naisipan nitong tuksuhin si Mistica.
"Bakit ka namumula, binibini?" Agad namang nag-iwas ng tingin si Mistica sabay tayo. Mas lalo pa itong kinatuwa ng binata, mas lalo nya pang gustong tuksuhin ito
. "A-ang init kasi! Bakit mo kasi sinara ang mga bintana!" Pagpapalusot nito sabay bukas sa mga bintana. Naisip naman ni Mistica na nahihibang na ba siya dahil sa nararamdaman nya.
Inaamin nya na tumatalon ang puso nya dahil sa sinabi ni Nathaniel.
"Mistica... Handa kitang pakasalan. Papanindigan kita."
Pag-uulit nya sa sinabi ni Nathaniel, sa kanyang isipan. Palihim siyang napangiti dahil dito. Sinampal nya naman ng mahina ang kanyang sarili na mapagtanto na natutuwa sita. Naisipan naman ng dalaga na bawian ang panunukso ni Nathaniel.
"Naiintindihan ko na..." Napatigil naman sa pagtawa si Nathaniel.
"Ha?"
"Alam ko na wag ka ng mahiya." Mas lalo pang naguluhan si Nathaniel. Bumalik si Mistica sa tabi ni Nathaniel. Pinipigil naman ng dalaga ang kanyang tawa.
"Ano ang iyong ibig sabihin?" Nakakunot parin ang noo nito.
"May gusto ka sa'kin at ibig mo ako maging asawa upang hindi ka maunahan ng mga ginoo nagkakandarapa sa'kin." Taas noo nitong sambit. Pero imbes na dapat makabawi si Mistica sa pang-aasar ni Nathaniel, mas lalo pa siyang kinabahan dahil sa ginawa nito.
Lumapit ito sakanya. Sobrang lapit. Halos pigil ang hininga ni Mistica. Kitang-kita nya ang maamo nitong mukha. Kapansin-pansin din ang katangkaran ng binata.
"Paano kung ibig nga kitang mapasakin? Paano kung ayaw kitang makita sa ibang ginoo? Anong gagawin mo?" Ngumiti pa ito ng nakakaloko kay Mistica. Nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo. Nang mahimasmasan si Mistica ay itinulak nya si Nathaniel.
"I-isa 'yang kapusukan!" Umalis ito at kumuha ng tubig upang mapakalma ang puso nyang walang awat sa pagwawala. Wala namang tigil sa kakatawa si Nathaniel. Pulang-pula ang mukha ng dalaga dahil sa mga sinabi nya. Parang kamatis ito na sasabog anumang oras.
Sobrang bilis. Napaka bilis ng tibok ng puso ni Mistica. Hindi pwede! Hindi siya pwedeng magkagusto sa isang estranghero. Mahinang sambit nito sa sarili. Hindi nya naman maiwasang maakit dahil pilipinong-pilipino ang itsura nito, maganda ang hubog ng pangangatawan, maayos ang pagkakaayos ng buhok, matangkad, matipuno at maawain.
Pinagmasdan nya lang ang hindi paring natatapos na pagtawa nito. Sa hindi malaman na dahilan ay parang kinurot ang kanyang puso ng makita ang masayang-masaya at walang bahid na kapekean sa tawa nito. Parang may parte sakanya na gustong protektahan ang tawa at ngiti ng binata.
Ginoo, sana ay makayanan mo pang tumawa ng ganyan sa paglipas ng panahon. Sana ay hindi mawala ang ngiti sa'yong labi. Sino ka ba talaga?

BINABASA MO ANG
Isla (POSTPONED)
Roman pour Adolescents"Saksi ang dagat, ang langit, buhangin at lalong-lalo na ang Isla na ito sa ating pagmamahalan." Madaming sikreto ang matagal ng nakabaon, ngunit muling natuklasan. Mga mata na nakakakita ng kasakiman, karahasan at kasamaan ngunit mas piniling ipik...