Dos

0 0 0
                                    


Pumasok ako sa loob ng bahay, sinalubong ako ng tumatakbong nurse.

"Maria you're Papa is freaking-out " natatarantang sabi ni Nurse Sha,  ang personal nurse ni Papa.

Agad akong napatakbo sa taas, hallway palang ng bahay naririnig ko na ang sigaw ni Papa. 

Malakas kong tinulak ang pinto ng kwarto niya,  at agad siyang niyakap naramdaman ko ang pagkalma niya.

"Maria... " mahinang bulong niya. 

"I'm here Pa,  don't worry " hinagod hagod ko ang kanyang likod upang pakalmahin siya. 

"Your Mama.. is she here? " tanong niya sa akin at bumitaw sa yakap. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.  Nasasaktan ako para sa kanya.  Nasasaktan akong nakikita siyang palaging hinahanap si Mama.  Ganito ba magmahal?  Ganito ba ang pagmamahal?  Maraming beses ko na itong tinanong sa sarili ko,  at alam ko ang sagot noon pa,  magmula ng iwan niya kami,  love is war and there's no soldier for you, you only have yourself.

"Pa,  you have to rest" tanging nasabi ko sa kanya. 

"But.. --I need to see your Mama, Maria" pagpupumilit niya. 

"Pa,  you know that Mama will never come back for us, she's happy with what she have right now,  we should be happy too with our life now,  you should be." tinuro ko ang kanyang sarili. 

I saw a glint of sadness in his eyes,  I spent all my life taking care of Papa,  wala akong ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na hindi ko siya iiwan, na sa kanya ko lang ipaparamdam ang pagmamahal na ako lang ang makakapagbigay at wala ng iba. 

Isa na akong Guro ngayon,  at Oo matagal na panahon na mula noong iniwan kami ni Mama,  at sa mga nagdaang taon,  ni minsan hindi ako sumubok sa kahit na anong relasyon dahil alam ko sa sarili ko ang magiging kahahantungan nito. 

"Pa.. I'm here I'm not gonna leave you,  like Mama did to us" ngumiti ako ng tipid sa kanya. 

"Anakk.. " sinenyasan ko si Doctor Lanie,  agad niyang tinurukan ng pampatulog si Papa. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makatulog si Papa. 

"Maria.." pagtawag sakin ni Doc Lanie.

"I'm okay Doc,  don't mind me" nginitian ko siya ng tipid at sinagot niya ako ng tango.

Tumayo ako at nagpaalam na lalabas na at magpapahinga. 

Si Doc.  Lanie ang personal na doctor ni Papa, siya ay isang psychiatrist.

Habang si Nurse Sha naman ay ang personal na nurse ni Papa,  dito nakatira si Nurse Sha sa bahay, siya ang nag aasikaso kay Papa,  at kung may hindi magandang nangyayari ay agad niyang tinatawagan si Doc.  Lanie. 

Dumiretso ako sa kwarto ko at agad naglinis ng katawan. 

Wala akong ganang kumain kaya pinadalhan ko nalang ng mensahe si Nurse Sha na hindi ako kakain.

Humiga ako sa kama at napatitig sa kawalan.

Magmula ng iwan kami ni Mama,  naglalasing na si Papa,  wala na ang Papa na malambing,  wala na ang Papa na palaging naghahanap ng kiss mula sa akin.  Kaya naisip ko din na, Love changes one's personality, lalo na pag nasaktan katulad ni Papa. 

Mahirap mawalan ng Mama,  hindi mo alam kung saan magsisimula,  kung may dapat bang simulan. 

Nakita ko ang lungkot at pangungulila sa mga mata ng aking Ama,  at sa tuwing nakikita ko ito,  wala akong ibang maramdaman kundi ang pagkamuhi sa pakikipagrelasyon, dahil sa huli alam kong maiiwan at maiiwang lang din ako,  katulad ng nangyari kay Papa,  iniwan siya ni Mama.

Isa akong Guro sa isang Public High School. At sa totoo lang dinaig pa ako ng mga estudyante ko. 

Sa tuwing nato-topic ang pagjojowa nagiging attentive ang mga estudyante ko,  malayong-malayo sa tuwing seryoso ang lecture. 

Bilang isang guro, pinapangaralan ko sila tungkol sa pag rerelasyon ,' na yung mga pinaglalaban niyo ngayon,  iiwan din kayo'.

"Bitter ka Ma'am " yan ang kadalasang sinasabi sakin sa tuwing pinagsasabihan ko sila about sa pagmamahal,  na walang ibang dulot ito kundi sakit,  at ditraksiyon. 

"I'm not bitter,  based on observation and experience " tanging nasasagot ko sa kanila. 

"Bakit Ma'am?  Nagkajowa ka na ba? " tanong nila. 

"Hindi pa" tapat kong sagot sa kanila. 

"Yun naman pala eh, try mo na Ma'am, mauunahan kana namin" alam kong binibiro lang nila ako,  kilala ko na sila. 

"Masarap magkajowa Ma'am,  sobrang saya" sabi ng isa kong estudyante, nakita ko pang kuminang ang kanyang mga mata. 

"Tsk.  Panandaliang saya lang yan" napapa iling na sabi ko habang ngumingiti,  napa boom naman ang iba kong estudyante, mostly yung mga single na katulad ko. 

"Bitter ka talaga Ma'am " tumawa nalang ako sa sinabi ng isa ko pang estudyante. 

Gustuhin ko mang ipagdamot sa kanila ang pakikipag relasyon,  wala akong magagawa, kung meron man..iyon ay bantayan at gabayan sila. 

As of now,  I'm single but not ready to mingle, I'm contented with what I have right now, kuntento na ako sa sarili ko. 

ONLY EXCEPTION Where stories live. Discover now