Tres

0 0 0
                                    


Maaga akong pumasok sa paaralan,  dahil hindi ko naiwan ang susi sa guard house.

May mga estudyante narin,  at may mga nakikita na akong mga guro. 

Habang naglalakad sa hallway,  nakasalubong ko si Jared,  isa sa mga guro dito specifically Math teacher.

"Good morning Ma'am Maria" nakangiting sabi niya. 

"Good Morning Sir" nginitian ko din siya. 

"Sabay tayong mag lunch mamaya" nahihiyang sabi niya. 

Amimado akong may something kay Jared,  alam kong gusto niya ako. Pano ko nasabi?  Pinapadalhan niya ako ng chocolate sa bahay,  may iba sa ngiti niya,  palagi niya akong inaayang mag lunch na palagi ko namang tinatanggihan,  ayokong magbigay ng kahit na anong motibo sa kanya,  ika nga prevention is better that cure,  sa lalong madaling panahon,  iiwas na ako,  baka san pa mapunta to. 

"Thanks but no thanks" sabi ko sakanya. 

"Busy ako eh" dagdag ko pa,  yan ang palagi kong sinasabi sa kanya. 

"Ahh.. Okay,  next time nalang" ngumiti muna siya bago nag paalam,  tinanguan ko nalanh siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tapat ng classroom ko,  wala pang estudyante mula sa klase ko,  masyado pa talagang maaga.  Binuksan ko ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob at agad inilapag ang mga gamit. 
Tinungo ko ang comfort room ng classroom at agad humarap sa salamin,  napabuga ako ng marahas.  Inayos ko ang aking itsura,  sinuklay ang buhok at nag apply ng kaunting lipstick. 

Bumalik ako sa mesa at kinuha ang aking lesson plan,  hindi ako nakapagsulat kagabi.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng may pumasok na isang estranghero sa classroom, isang lalaki. 

"Ahm.. Ma'am, magtatanong lang po ako" nahihiya niyang sabi,  pinasadahan ko siya ng tingin,  naka uniform siya ng pang Guro,  naka ID siya katulad ng lace ng Id ko. Matangkad siya pero payat.  Bigla naman akong napasimangot kapag matangkad ka payat ka,  kapag mataba ka naman kinulang sa height, wala talagang hustisya. 

Nabalik ako sa reyalidad ng maalala ang kanyang pakay.

"Ano? " walang emosyon kong sabi.

"Nasaan ang Class 4 -B? " tanong niya. 

Class 4-A tong classroom ko,  at katabi nito ang 4-B.

"Sa likod" tanging sabi ko. 

Tumango naman siya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa. 

Inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan at nagpapakilala.

"I'm Edryan Lopez,  bagong kapit-classroom mo" ginawaran niya ako ng ngiti. 

Wala akong planong tanggapin ang kanyang nakalahad na kamay, pero may nag uudyok sakin na tanggapin,  kailan pa naging kontrabida ang isip ko? 

Tinitigan ko ang kanyang nakalahad na kamay , at sinulyapan ang kanyang mukha hindi parin nawawala ang kanyang ngiti. 

Sa di malamang dahilan, dahan dahan kong inangat ang aking kamay, at sa sandaling naglapat ang aming mga palad, nakaramdam ako ng kuryente kaya agad kong sinabi ang aking pangalan at agad bumitaw. 

"I'm Maria "

"Nice to meet you Ma'am " nakangiti niyang sabi,  tinanguan ko lang siya, agad siyang nagpaalam sa akin, habang ako naiwang nakatulala sa pinto na kanyang nilabasan. 

Mahina kong tinapik ang aking pisngi,  nahihibang na ako. 

Napailing-iling ako at pinagpatuloy nalang ang aking pagsusulat.

Unti-unti na ding nagsidatingan ang mga estudyante ko. 

"Good Morning Ma'am " nakangiting sabi ni Janica,  isa sa mga estudyante kong maasahan, at isa sa mga ka team ko, team single. 

"Anong maganda sa morning Janic? " biro kong sabi sa kanya. 

"Well, nabigyan tayo ng panibagong pag-asa hehe, at isa din to sa palatandaan na magkakajowa na tayo Ma'am " natatawang sabi niya. 

"Ikaw talaga,  ang dami mong alam" napapailing na sabi ko. 

Pinatawag ang lahat ng mga estudyante, dahil magsisumula na ang Flag ceremony.

Agad dumiretso ang lahat sa ground.  Isang linya ang lahat ng babae , at isang linya din lahat ng mga lalaki sa bawat section.  May mga late parin sa klase ko,  hindi talaga nawawalan ng late,  at kapag pinapangaralan mo sa pagiging late nila,  "Better late than Never" ang pamatay na linya nila, kaya wala ka talagang lusot sa mga estudyante.  Pero kahit ganon,  nag eenjoy naman ako. 

Napasulyap ako sa katabing linya ng  mga estudyante ko at nakita ko si Edryan, inaasikaso ang kanyang mga estudyante, makikita mo sa kanyang mukha na sobrang dedicated niya,  hindi nakikinig ang kanyang mga studyante, pero siya nanatiling kalma,  o ganyan lang talaga siya kase bago pa? 

Nagulat ako ng biglang dumako ang kanyang tingin sa akin at kinindatan ako.  Inirapan ko siya,  akala ko pa naman normal siya,  sus gumagalawang ulol din pala. 

Kinurot ako sa tagiliran ni Janica,  "Ikaw Ma'am ah! Nakita ko yun,  is this the sign na mag reresign kana sa team natin? " birong sabi niya. 

Kinurot ko din ang kanyang tagiliran.

"Tumigil ka diyan,  humarap kana doon" sabi ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. 

Nagsimula ang Flag Ceremony,  hanggang sa natapos,  umakyat ang principal para sa announcements,  at isa sa announcements ay ang bagong Guro na si EDryan,  doon ko nalaman na isa pala siyang Eglish Teacher,  at kung mamalasin ka nga naman siya ang pala ang pumalit kay Ma'am Sierra, ang dating adviser ng Class 4-B,  na English teacher ng klase ko,  kaya ngayon ang English teacher ng klase ko ay walang iba kundi si Edryan. 

At wala akong pake.

ONLY EXCEPTION Where stories live. Discover now