Kwatro

1 0 0
                                    

Natapos ang announcements at agad kaming bumalik sa sariling mga silid,  bago ko sinimulan ang klase, inulit ko muna ang sinabi ng principal na may bagong English teacher at yon ay si Edryan. 

Napa 'ahh' at 'ohhh' naman ang mga late,  tsk kahit kailan talaga. 

Isa akong araling Panlipunan na Guro,  o mas kilalang Social Science,  kung tatanungin mo kung bakit ito ang kinuha ko,  well gusto ko lang. 

Grade 10 adviser ako,  kaya ang pinaka focus namin ay Kontemporaryong Isyu,  mga Isyung kinakaharap sa kasalukuyan. 

Nagsimula ang klase at sa awa ng Diyos lahat naman seryoso. Pinagpatuloy ko ang pagkaklase hanggang sa nag bell,  hudyat na second period na,  English subject ang susunod sa klase ko,  habang ako mananatili dito sa classroom dahil vacant ko naman. 

Pumasok si Edryan sa Classroom na may ngiti sa mga labi,  umupo naman ako sa teachers table sa likod,  habang siya dire-diretso ang lakad papunta sa harap. 

"Good Morning Class 4-A" nakangiting sabi niya,  I rolled my eyes heavenwards,  nakakairita yung ngiti niya. 

Kinuha ko ang Laptop sa bag,  hindi ako makapag focus dahil sa kanya. 

Naririnig ko kasi ang tawanan ng mga estudyante ko,  hindi siya nag lelecture,  nag ke-kwentuhan lang sila,  yung totoo?  Guro siya o ano?

"Single ka pa ba Sir? " narinig kong sigaw ni Janica,  kahit kailan talaga..

Sandali ko siyang sinulyapan,  nakangiti ang gago,  napairap na naman ako. 

"Well,  pag may chicks single ako,  pag wala,  may asawa HAHAHAHA" naririndi ako sa tawa niya. 

Nagtawanan naman ang mga estudyante ko. 

"Single din si Ma'am, Sir.  Baka naman,  hehe baka lang naman" natuon ang atensyon ko sa nagsalita, walang iba kundi si Janica na naman, nag peace sign naman siya at itinaas ang kanyang dalawang kamay,  parang sumusuko sa pulis,  nagtawanan naman ang iba.

"Oo Sir, single si Ma'am , single din naman ako,  ang kaibahan lang, sobrang bitter niya dinaig pa ampalaya haha" tumatawang sabi ni Sheena,  isa sa mga estudyante ko. 

Teka?  Ba't ako nasali sa usapan nila? 

"Huwag niyo kong isali sa walang kwentang usapan ninyo" seryoso konh sabi at ibinalik ang atensyon sa Laptop.

"Well,  single ka ,single ako baka naman.." namayani ang mga 'ayiieee' ng mga estudyante ko,  kahit kailan talaga napaka active kapag usapang pag-ibig,  kapag tinanong about sa lessons, ayun nganga. 

"Ano naman kung single ka? Wala akong pake! " napuno ng sigawan ang apat na sulok ng classroom. 

Naiinis talaga ako sa kanya,  binibigyan niya ako ng rason para madagdagan naman ang mga ebidensya na wala talaga akong mapapala sa pakikipagrelasyon. 

"Quit students,  hinaan lang ang sigawan,  pigilan ang kilig ,alam ko sa loob-loob mo, Ma'am Mitche nag uumapaw na ang kilig" inirapan ko siya at agad na tumayo. 

"Kilig?  Ano yun?  " tanong ko. 

"Di mo alam yun?  Haha Ang kilig ay ang nararamdaman mong saya sa piling ng iyong pinakamamahal" nakangiting sabi niya. 

"You mean panandaliang saya,  hindi mo ako madadala sa mga galawang ulol na yan,  dahil yang mga galawang mong yan SIR pang one week lang" naglakad ako papunta sa pinto,  pero bago paman ako makalabas, nilingon ko muna siya sabay sabing..

"At isa pa,  HUWAG AKO" lumabas agad ako ng pinto,  narinig ko ang sigawan ng mga estudynate ko, bahala siya, problema niya na yan. 

Ang hangin ng Guro na iyon,  akala niya madadala niya ako sa mga ganun?  Neknek niya!  Ang dami nang mga lalaking nagpakilala sa akin,  umamin ng mga feelings,  nagpakitang gilas pero at the end of the day,  nganga! Bokya!  Wala! 

Pakikipagrelasyon?  Permanenting saya?  Kalokohan,  temporaryong tao para sa temporaryong saya.

Dumiretso ako sa Canteen,  umupo ako sa pinaka gilid,  ako lang naman ang tao dito na nakaupo, class hours pa kasi. 

Napatulala ako sa kawalan,  masyado na ba akong mapait?  Yan kasi ang kadalasang naririnig ko sa mga tao tungkol sakin,  required bang mag boyfriend?  Hindi naman siguro,  at tsaka di nila ako masisi kung ganito ako,  minumulat ko lang ang sarili ko sa katotohanan.

May nagtanong pa nga kung anong feeling ng maging single hanggang ngayon,  28 years old na ako,  sabi ng iba pwedi nang mag-asawa,  pero hanggang ngayon mag isa pa rin sa buhay,  kuntento na ako sa pagiging mag isa,  sa lungkot,  sa pangungulila,  sa kakulangan, kuntento na ako sa lahat,  wala akong pake kung tatanda akong dalaga.

Minsan narinig kong pinag uusapan ng mga estudyante ko ang tinatawag nilang "true love" , napakalaking salita.

Sa murang edad,  alam kong naranasan na rin nilang masaktan,  lalong lalo na sa mga tinatawag nilang jowa,  minsan din natanong ko sa sarili ko,  bakit ba big deal ngayon ang pakikipagrelasyon?  Kahit sa mga bata,  ginagawa na nilang "oxygen" ang paghahanap ng boyfriend o girlfriend, sabi pa nga nila "I can't live without him/her".

Tsk.  "I can't live without myself" dapat. 

Napailing iling nalang ako,  binuksan ko ang dala kong laptop at pinagpatuloy ang aking trabaho,  trabahong naudlot dahil sa kanya. 

ONLY EXCEPTION Where stories live. Discover now