Sais

0 0 0
                                    

4:30

Agad kong niligpit ang mga gamit ko,  nagsiuwian na din naman ang mga estudyante ko. 

Dinukot ko ang aking cellphone sa bulsa at binasa muli ang address,  nagdadalawang isip akong pumunta. 

Kung pupunta ako,  mararamdaman ko na naman ang mapait na sakit,  at kung hindi naman, masasayang ang opurtunidad na makita ko si Mama sa huling pagkakataon. 

Huminga ako ng malalim at dire-deritsong lumakad hanggang sa makasakay sa taxi. 

Ibinigay ko naman agad ang address sa driver.

Bago ako lumabas ng taxi,  huminga muna ako ng malalim. 

Nasa harap ako ng isang magandang bahay,  kumpara sa bahay namin,  mas maganda ito,  may kalakihan. 

Sa mga rehas ng gate,  matatanaw mula sa labas ang mga tao, maraming tao. 

"Hi" nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. 

Napatingin ako sa kanya,  isang bata at sa sandaling nagtama ang aming mga mata,  nakaramdam ako ng sakit.

Napabitaw ako sa kamay ng batang babae,  at agad napahawak sa ulo ko,  ba't nararamdam ko to?  Anong nangyayari.

May bumusinang kotse, sabay kaming napalingon ng batang babae,  unti-unting humuhupa ang sakit sa aking ulo. 

Lumabas ang isang lalaking hindi ko inasahang makikita ko dito, at ang mas nakakagulat pa ay ang tawag sa kanya ng bata

"Tatay" masiglang bati ng bata.

Wa---wait?  Anak to ni Edryan? 

Nagpabaling baling ang aking tingin sa kanilang dalawa.

"What are you doing here Mitche?  " naguguluhang sabi niya.  Napairap naman ako sa aking isip,  bakit ba Mitche ang tawag niya sakin?

"Nandito ako para sa Mama ko" walang emosyon kong sabi,

"Ikaw?  Anong ginagawa mo dito? Anak mo to? " tanong ko sa kanya habang tinuturo ang batang babae. 

"Bahay namin yan" nanlamig ako sa kanyang sinabi.

"Seryoso ka? " paninigurado kong tanong.

"Yes,  Tita it's our house" bilib ako sa batang ito,  sa murang edad hindi bulol.

"Kilala mo ba ang namatay diyan? " tanong ko ulit. 

"Oo,  si Mama" malungkot niyang sabi. 

Para akong binuhusan ng napakainit na tubig,  it couldn't be.. napaka imposible!

"You're impossible " mahinang sambit ko. 

"Ikaw yung bata... ikaw yun" dagdag ko habang nanginginig na tinuro siya. 

Ngumiti siya ng tipid,  nakita ko ang paglakbay ng lungkot sa kanyang mga mata. 

"Oo,  ako nga yun Mitche,  naalala mo pa pala" walang bahid na emosyong sabi niya. 

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. 

Nakita ko ang pagtawid ng batang babae sa pagitan naming dalawa, 

"Tatay said that if I saw a woman cry,  I must hug her,  let me hug you teacher" mas lalong napaiyak ako sa sinabi ng bata. 

Niyakap niya ako ng mahigpit,  amd her hugs feels comfortable,  it's like I'm hugging the missing piece in me. 

"It's okay to cry po teacher,  crying is good for the health" mahinang bulong niya. 

Napangiti ako sa sinabi niya,  napakalambing na bata. 

Nabalik ang tingin ko kay Edryan.

"It means that we're siblings? " tanong ko. 

"No.. that's not gonna happen" wala paring emosyong sabi niya.  

Inaya niya akong pumasok sa loob, binuksan niya ang gate,  medyo nagugulat ako sa bata,  basta basta nalang kasi itong hahawak sa kamay ko,  kaya ang kalabasan hawak niya ang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay,  habang ang isa naman ay nakahawak  kay Edryan. 

Pumasok kami sa loob,  at agad kong natanaw ang nakahimlay na katawan ng aking ina. 

"Go on.. " bulong ni Edryan. 

Naramdaman kong humigpit ang hawak ng bata, kaya napalingon ako sa kanya,  binitawan niya ang kamay ni Edryan,  at nag thumbs up,  ngumiti naman ako ng tipid habang dahan-dahan lumakad papalapit sa kabaong ni Mama. 

As I stood infront of her coffin,  I couldn't stop myself from crying. It's so painful to see her lifeless.  Kahit naman masakit ang pag iwan niya sa akin,  sa amin ni Papa hindi ko parin maikakaila na naging mabuti siyang ina,  though she left us because as what she said,  she's not happy anymore with us. 

I slowly lifted my hand and gently touch the white coffin,  she's still the same,  kung may nagbago man sa kanya yun ay ang medyo kulubot niyang balat.

Napatingala ako sandali,  at agad ding ibinalik ang tingin sa aking ina na wala ng buhay. 

"Ma.. " mahina kong sabi.

"Thank you and I'm sorry" tanging nasabi ko,  at agad bumuhos ang mga luhang ilang taon kong ininda,  naging mapait ako sa tanang buhay ko dahil sa kanya,  I've learned my lessons, pero kahit ganun,  kahit iniwan niya kami,  ina ko parin siya.

Naramdaman kong may lumapit sa akin,  paglingon ko, ito na siguro si Rico Lopez ang bagong asawa ng aking ina. 

"I'm sorry Maria,  for being selfish to you and to your Dad" narinig kong bulong niya,  sapat na para marinig ko siya.

"Ayoko lang maranasan ng aking anak,  na mawalan ng isang ina.  " pagpapatuloy niya. 

"I will tell you the truth Maria,  I'm hoping that it's not too late,  and if it is,  well I hope you understand " mahinang sabi niya. 

Bahagya akong tumango,  iginaya niya ako sa upuan kaharap ang kabaong ng aking ina. 


-----



ONLY EXCEPTION Where stories live. Discover now