Sinko

0 0 0
                                    

--------

Nanatili ako sa classroom nang mag lunch break, nagbaon naman ako kaya walang problema,  iilan lang ang mga estudyante ko na kumakain at nanatili sa classroom,  ang iba umuwi.

Nasa kalagitnaan ako ng pag nguya nang nagring ang phone ko,  may tawag.

Agad kong kinuha ito sa loob ng bag,  unknown number,  sino naman kaya to?

Sinagot ko ang tawag,  baka kasi galing sa bahay. 

Kumunot ang noo ko ng marinig ang di pamilyar na boses, boses ng isang lalaki.

"Hello ..sino to? " tanong ko sa kabilang linya. 

"Is this Maria Mitche Rivera? " tanong pabalik ng nasa kabilang linya. 

"Yes,  how may I help you? "

"This is Rico Lopez" sagot niya,  Lopez?  familiar...

"Gusto ko lang sanang sabihin sayo na.. wala na ang Mama mo.. " humina ang boses niya ,habang ako naestatwa sa kinauupuan ko,  sandali kong sinulyapan ang iba kong estudyante at nabunutan ng tinik nang makitang may mga sariling mundo sila.

Tinakpan ko ang pinagkainan ko at lumabas ng classroom.  I need a private place right now,  dumiretso ako sa garden ng mga horticulture students,  alam kong tahimik doon at siguradong walang makakaisturbo sakin. 

"Hey are you still there? " narinig kong tanong ni Rico Lopez.

"Y--yes" mahina kong sabi.

"Uulitin ko,  wala na ang Mama mo,  kung gusto mo siyang puntahan, ite-text ko sayo ang address ng bahay namin,  by the way I'm his husband, alam kong nagkita na tayo noon" sabi niya.

Wala akong balita mula nang iwan niya kami ni Papa,  at ngayon malalaman kong---

Hindi parin ako makapaniwala,  wala na si M--Mama.. wait.. Am I crying?

"Si--sige" pinatay ko kaagad ang tawag,  dahan dahan kong hinawakan ang aking pisngi at naramdaman ko agad ang mainit na likido na dumaloy sa magkabila kong pisngi.

Why am I crying? natanong ko sa sarili ko.  Mama.. why are you doing this to me?  Kailan ngaba ako huling umiyak?  hindi ko na matandaan, napakatagal na panahon na.  Ma, why are you like this? You always leave me. Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha,  good thing lumabas agad ako ng classroom,  I just don't like the fact that my students will saw me at times like this.

I thought I'm not gonna feel this pain anymore. I thought that I've already moved on,  maybe..just maybe the walls that I build for the past years are not enough to guard my broken heart. 

Naisip ko bigla si Papa, alam kong masasaktan siya,  at yan ang ayokong mangyari. Papa might be on trouble if I tell this to him,  he might not take it,  I won't let that happen,  if lying will save my Papa from the brink of dying, then I'm willing to give him lies.

Agad kong pinunasan ang luha ko,  hindi dapat tumagal ang pag iyak ko,  may klase pa akong tuturuan,  huminga ako ng malalim at binasa muna ang dumating na text, nakasaad sa text ang address, dire-diretso akong lumakad upang bumalik sa classroom. 

Sandaling sinulyapan ko ang pambisig na relo,  12:48  may labindalawang minuto pa ako bago magsimula ang klase.

Pagpasok ko sa classroom ganun parin ang ayos ng mga estudyante ko,  unti-unti na din silang dumadami,  may mga kanya kanyang mundo ang bawat isa. 

Huminga ako ng malalim, at inayos ang aking sarili,  mamayang hapon na ako pupunta sa address ni Mama.

Agad akong dumiretso sa sunod kong klase.

ONLY EXCEPTION Where stories live. Discover now