Chapter 2 - I'm sticking

23 1 0
                                    

Chapter 2

I'm sticking

While the boys are preparing the dining table, nagpaalam naman akong aakyat muna sa kwarto ko upang ayusin ang sarili. Baka nangangamoy kitchen na ako, e.

I took a quick shower and wore a white tank top and a black maong shorts. Ito na lang ang isinuot ko since I am in a hurry. Hindi ko na rin inabala ang sariling buhok na i-blow dry at hinayaan na lang itong basa but I combed it properly para maayos tingnan.

When I was satisfied, napagdesisyunan ko na ring bumaba dala ang latest iPhone ko. I can hear them in the dining room, mukhang excited nang kumain. Napailing na lang ako. They must be hungry.

Natahimik sila nang pumasok ako at umupo sa kabisera ng hapag kainan with Gav on my right side and Gio on my left. Ronin sat beside Gio followed by Dave and Raizen. However  Raj sat next to Gav, followed by Kyle.

Tumikhim ako, "I just hope you will like the food."

"Of course, ate Gee! Ilang beses na akong nakakain ng mga luto mo at wala pa ring nakakatalo no'n. Mas masarap ka pa nga magluto kesa sa cook namin sa bahay, e." nagagalak na wika ni Ronin. Oh, this boy. I can't help but to giggle.

"Dude, that's my ate. Bakit parang ikaw ang kapatid niya sa ating dalawa?" may inis na ani Gio. Napatawa naman kami.

"Seloso pala 'tong kapatid mo, George." natatawang saad ni Dave. I can't help but to laugh with them, too.

"Shut it, boys. Kumain na lang kayo."

"Yes! kanina pa ako nagc-crave, e." ani Kyle na parang batang hinihimas ang tiyan niya.

"Yuck, Dude! Ang panget mo." pang asar naman sa kanya ni Raizen. However, Gav and Raj remained silent at nag uumpisa nang kumain.

"Wow, George! Ang sarap."

"He's right. I never thought our Ms. President here can actually cook."

"well, she is. Since she was young." pagyayabang pa ni Gav sa sinabi nina Raizen and Kyle na ngayon ay sarap na sarap sa kinakain. Napangiti na lang ako. Even Dave agreed.

"Ang sarap talaga. Ate, pwede ka na mag asawa." halos mabulunan ako sa sinabi ni Ronin. Natahimik bigla dito sa loob ng dining. Agad naman akong inabutan ng tubig ni Gav na siyang pinakamalapit sakin.

Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagtiim bagang ni Raj. Madilim din ang mukha nito, siguro hindi nagustuhan ang luto ko. Napabuntong hininga ako ng mahimasmasan.

"You okay, ate?" Nag aalalang wika ni Gio. I just nod and smiled at them.

Ronin looked at me apologetically, "I'm sorry, ate. Didn't mean to." halos matawa naman ako sa itsura niya na parang maiiyak na.

"It's fine, Ronin. Saka wala pa sa isip ko 'yan. Ni wala nga akong boyfriend, e."

"And she's still not allowed to have a boyfriend." gatong ni Gav. Here he is again, his protective side.

"I'm just wondering ate, wala bang nanliligaw sa'yo? I mean who wouldn't be mesmerized by your beauty, intelligence, and kindness? You're perfect." anang Gio na sinang ayunan naman ng iba.

Natawa ako sa sinabi ni Gio. Grabe, I can't believe na ganito tingin niya sa'kin. Masyado akong ina-idolize.

"She got lots of suitor. Pero hindi naman niya pinaunlakan kahit isa sa mga 'yon," sagot ni Gav. "but I remember one, he stayed still at George's side even though she had rejected him."

"And when was that?" all eyes turned to Raj when he asked. Bakit parang interesado naman ata siya ngayon? Nagseselos ba siya?

'you wish, George. Hindi ka nga gusto, e.'

RAJ ALFARO: Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon