2

15 1 0
                                    


"Congratulations Ms. Hayes. The scholarship you applied for has been accepted."

Tuwang tuwa ako. Pakiramdam ko ako ang pinaka maswerte ngayon. Sigurado akong matutuwa si Papa. 100% scholarship. Global Arts International University, College of Fine Arts and Design.

Bata pa lang ako, pangarap ko na lahat ng 'to. Naniniwala ako sa kakayahan ko. Naniniwala ako na hindi totoo ang sinasabi nila na walang kwenta at future sa course na 'to. I still cannot believe this is real. I just got accepted in my Dream school.

"Thank you po, sobra. Thank you po, Mam. Sobrang salamat po." Mangiyak ngiyak kong sabi sa Vice Dean.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Gusto kong umiyak sa saya, Tumalon sa sobrang galak. Gusto kong tumawa na parang nasisiraan ng bait sa sobrang kasiyahan.

"You deserve it, Ms Hayes. I wish you all the best and See you soon." Nakangiting sabi ng Vice Dean.

Probably the best day of my life.

Damang dama ko ang init na dumapo sa balat ko. Pati na rin ang buhok ko na humahampas sa muka ko gawa ng hangin. Ibang iba ang simoy ng hangin dito kumpara sa Manila. Hindi maingay, tama lang. Hindi mausok. Amoy dagat, amoy maalat pero sariwa at presko. Ibang iba sa nakasanayan ko.

Nandito ako sa labas habang nagiisip isip, ang pait ng pakiramdan ko dahil sa mga naaalala ko. Pakiramdam ko napakalaking pag kakamali ng ginawa ko. Isang napakalaking panghihinayang na alam kong dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko.

"Azalea, sa tingin mo ba may maayos na College School dito? Maayos ba yong papasukan natin na sinasabi nila Mama? Grabe, probinsyang probinsya? I mean, how could we stay here knowing that we won't have our usual night life back in Manila?" nakabusangot na sabi ng pinsan ko.

Agad naman akong napatingin kay Tulip na kakarating lang at nagreklamo na agad sakin.

"Tulip, Night life mo. Dahil sumasama lang naman ako para may tagahatid ka pauwi pag lasing ka na." patawa kong sabi.

"Yeah yeah, whatever you say Az. Pero diba? How? I just can't imagine how will I freaking survive in this place?! Ang hina ng signal, Az! Bantay sarado tayo sa parents natin. Which is hindi naman tayo sanay?! Don't get me wrong okay, I love that we're all together again, pero alam mo yun? Our actions will be limited. Plus, walang magandang gimikan dito. Walang bus na may aircon. Wala ring coffee shop na malapit, all we could see here is the sea, mga halaman at hayop. Sobrang tahimik, Az! Kaya ba natin 'to. Kaya ko ba 'to?" Padabog na sabi ni Tulip.

"We'll get used to it, T. Wag ka nang magmaktol diyan, there's a lot to discover here at sa tingin ko naman makakagisnan natin tong lugar na 'to. It may be a lot different compared to Manila pero wala pa naman tayong isang buwan dito, Tul. Wala pa ngang one week."

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay, nagpapahangin at tinitignan ang tanawin. Ang bahay namin dito sa Dilasag ay malapit sa dagat. Malapit din sa resort namin, tanaw na agad dito dahil nasa taas na bahagi ang bahay namin.

Maga-apat na araw pa lang kami ni Tulip dito sa Aurora pero parang hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.

Ang totoong plano ay sa Manila kami magcocollege ni Tulip habang parehas kaming nakatira sa apartment na binili ng mga magulang namin mula noong Grade 10 kami kasama si Yaya Nelly na bata pa lang kami ay kasama na namin ni Tulip. Sa Manila kami lumaki, pero nang mag Grade 10 kami, nagkaproblema sa negosyo kaya kinailangan lumuwas ng mga magulang namin sa Aurora para dito tumira at tulungan si Tita Mayette sa resort. Ang bahay rin namin noon ay nabenta kaya napagdesisyunan ng mga magulang namin na bilhan nalang kami ng apartment nang tumungtong kami ng Senior High.

Fathomless (Aurora Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon