5

11 1 0
                                    

"Azalea! Azalea!" I heard someone called me.

Boses pa lang ay alam kong pinsan ko na agad yun. Nandito ako sa open area graden sa school namin. Hindi ko siya pinansin dahil alam na alam kong wala nanamang katuturan ang sasabihin ng isang to. Sa totoo lang ay nagtataka ako dahil hindi ko alam kung paano niya ako nahanap.

"Azalea! Grabe talaga to! Pansinin mo naman ako, may mahalaga akong sasabihin!"

"Ano ba kasi yun, Tulip? Just say it." Sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sakanya at nagpatuloy sa pag gawa ng assignment ko.

"Manood tayo mamaya! Opening ceremony daw para sating mga freshman at may mga tutugtog daw na banda sa School na to, may mga sasayaw at marami pang magpeperform."

Napaangat ako ng tingin sakanya dahil sa inis na natatawa sakanya. Nakita kong seryoso at determinado siyang pumunta.  Knowing Tulip, hinding hindi siya susuko na pilitin ako dahil mahilig siya sa mga ganyang event.

"Oo na sige na. Pero tatapusin ko na muna tong assignment ko sa Math namin."

Pumayag ako agad dahil alam kong kapag tinanggihan ko siya ay hindi niya pa rin ako tatantanan sa pangungulit hanggat sa bumigay ako at pumayag.

"Assignment agad? Second day pa lang naman ah! Grabe naman yan."

"Oo, assignment, Tul. So just leave me alone before I change my mind."

Agad namang napangiti ang pinsan ko na akala mo nanalo siya sa lotto.

"Oo na po! Aalis na nga oh. Basta sabi mo yan bawal na mag back out, okay? lagot ka hahanapin talaga kita mamaya! Mauuna na ko, may klase pa ko. See you later Az!" Sabay flying kiss pa niya.

Pag alis ni Tulip ay hindi na ako muling makapag isip ng maayos. Kainis talaga. Napagdesisyunan kong tumayo na lang at mamaya na lamang ituloy ang assignment ko dahil bukas pa naman ang Math kong subject. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may Math Subject sa course na kinuha ko samantalang BS Psychology naman ang kinukuha ko. 

Dumaan muna ako sa cafeteria dahil uhaw na uhaw na ako at nagugutom na rin. Sa loob ng isang linggo mahigit ko dito sa Aurora ay marami na agad akong natutunan. Mababait ang mga tao, magagalang at sanay na sanay sa lugar na ito. Halos magkakakilala ang mga tao at kapag bago ka, alam agad nila 'yon.

Habang nakapila ako para magbayad may kumalabit sa akin na ikinagulat ko at agad ko naman itong nilingon.

"Miss, pwede bang pabayaran muna nito? Naiwanan ko kasi yung wallet ko sa room namin. Promise, babayaran kita. Sobrang uhaw na uhaw na kasi ako." Sabi ng isang babae.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat ko at namangha sa gandang meron siya. Matangos ang ilong, maputi at maikli ang buhok.

"Miss? Ano okay lang ba? I swear, I'll pay you." Sabi ulit nito.

Doon na ako nagising sa katotohanan. Natulala pala ako sakanya.

"O-Oo sige walang problema, miss." Sabi ko naman agad.

"Okay, Great! Thanks ha." Agad naman siyang humarap sa cashier at kinuha ang tubig niya at kinuha ang id ko "Azalea Hayes.." Agad siyang napatigil pag banggit sa pangalan ko at napatingin saakin ng matagal pero agad ring ngumiti. "Bs Psychology ka pala. Okay noted! Thanks again ha!"

Agad namang nawala ang babae sa paningin ko kaya sinawalang bahala ko na lamang ang nangyari dahil umalis din naman siya agad. Bakit niya pa ako babayaran sa halagang twenty pesos na tubig?

Tinanggal ko na lamang sa isip ko at naglakad na papunta sa Business building. Wala na akong klase at naisipan kong hintayin nalang si Tulip sa labas ng building nila dahil 2:45 naman na rin at 3:00 ang tapos ng klase niya. Business Management ang kinuha ni Tulip dahil ayun rin ang course na gusto ni Tita Jola para sakanya.

Fathomless (Aurora Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon