Prologue

8 1 0
                                    

"Azalea, alam kong biglaan ang lahat pero maski ang Papa mo hindi ito ginusto. Lahat kami ayaw namin ito mangyari dahil kung tutuusin, mas maganda ang opportunity rito sa Manila. But, we have no other choice. This is the best choice we have. If you want to continue studying, you and Tulip must consider staying in Aurora."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Tita Jola. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makapag salita, pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko.

"Ma? Bakit nandito kayo?"

Agad akong napalingon sa pinsan kong mukang kakagising lang at halatang litong lito pa kung bakit nandito ang mama niya. Agad din na napatingin sakin si Tulip at bumalik ang tingin niya kay Tita Jola na para bang nagtatanong.

"Tul, uuwi kayo ni Az sa Aurora."

Agad namang kinusot ni Tulip ang mata niya at lumapit saamin na mukang nalilito.

"Ha? Bakit Mama? Mag aasikaso kami ni Az dito. Wala kaming panahon para magbakasyon sa Aurora, Ma. Hindi pa kami nakakapag college entrance exam sa ibang universities, baka magahol kami."

Agad nanaman akong napalingon kay Tita Jola na bigong nakatingin kay Tulip na hanggang ngayon ay litong lito pa rin sa mga nangyayari.

"No, Tul. What I mean is, You'll be living with us again. You're going to continue your studies.. In Aurora."

I looked at Tulip, she looked shooked and confused more than I am.

Fathomless (Aurora Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon