7

10 1 0
                                    

Maaga ang dismissal namin ngayong araw dahil mayroong daw meeting ang prof namin. Habang naglalakad ako sa hallway ng campus ay hindi mawala sa isip ko ang napagusapan namin ni Raine noong nakaraang araw. Iniisip kong pwede naman akong magback out, pero naisip ko rin na nakakahiya naman iyon dahil naka-oo na ako. At anong sapat na dahilan ko para umatras sa usapan naming dalawa? Wala. Dahil maski ako ay hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang ayaw kong gawin ang task na binigay sakin.

Abala ako sa pagiisip sa parehas na dahilan pa rin nang biglang may pumitik sa pisnge ko.

"Hoy babae! Tinetext kita. Magkaiba lang tayo ng building, hindi ng mundo ha? Uso naman magreply. Baka mamaya masira yang cellphone mo dahil hindi mo na madalas gamitin."

Inis naman akong lumingon dahil alam na alam kong wala nanaman itong magawa. "Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah, diba may klase ka?" Tinignan ko ang relo ko agad at tama nga ako dahil 2:36 pa lang ng tanghali at alam kong alas kwatro pa ang tapos ng klase nitong si Tulip.

"Free cut." Simple niyang sagot saakin. "Wala ka nang klase diba? Tara, punta tayo sa caf bago umuwi. Hindi pa ako nakain simula kanina. I'm starving to death."

Wala rin naman akong magagawa dahil agad agad akong hinila ni Tulip papunta sa cafeteria. Walang gaanong tao rito sa cafeteria dahil alas dos pa lang ng tanghali at ongoing ang mga klase. Nilibot ko ang paningin ko sa cafeteria nang mahagip ng mga mata ko ang isang groupong nakaupo sa bandang kanan ng cafeteria. Agad rin namang nagtama ang mata namin ni Raine at nginitan ako kaya nagpalingon ang iba niyang kasama. Agad kong nakita ang mga miyembro ng bandang Vaporized. Sinenyasan naman ako agad ni Raine na lumapit sa pwesto nila.

"Ikaw ba ang tinatawag niyan? Or namamalikmata lang ako?"

Hindi ko nilingon si Tulip dahil alam kong ako ang kinakawayan ni Raine. Sinenyasan niya ako na lumapit. Hindi ako makagalaw, napako ang mga paa ko sa lugar kung saan ako nakatayo.

"Az! Earth to Az? Tawag ka. Sinesenyasan ka na lumapit! Nakakahiya. Lumapit ka na." Agad naman akong tinulak ni Tulip palapit. "Go ahead Az, I'll just buy some food."

Napansin ko rin na nakatingin na pala halos lahat saakin ng tao sa cafeteria. Siguro ay nagtataka sila. Alam kong sikat ang Vaporized dahil halos lahat ng tao ay nagpapapicture sakanila at sinisigaw ang mga pangalan nila noong welcoming event program para saamin. Tingin sila ng tingin. Siguro iniisip nila kung sino ba ako na baguhan para makalapit sa Vaporized. Nakatingin lang ako kay Raine habang naglalakad at napansin kong katabi niya si Xavier at siya lang ang nagiisang babae doon.

"Az! You're really good at great timings! You're just right in time." Nakangiti niyang sabi at tinignan ang mga miyembero ng banda. "She's the one I've been talking about. Siya yung bagong sketcher sa Guhit Ginto."

"Ah, So she's the one you've been talking about non-stop for the past two days?" Natatawang sabi ng chinitong maputi sakanila at kung hindi ako nagkakamali, si Clive ito.

"We finally got the chance to meet the golden sketcher that Raine has been talking about." Nakangiti akong nilingon ng drummer nila.

"So, Az this is Daniel, the drummer of the band." Agad namang naglahad ng kamay ito at agad ko ring tinanggap.

"Azalea Hayes." Nakangiti kong saad.

"Next one is the lead guitarist, this is Clive." Naglahad din agad ng kamay ito habang kumakain ng hotdog at agad ko ring tinanggap. "Next one, this is Axton, the bass guitarist." Tumango lamang ito. Napahigit naman ako ng hininga nang lumipat ang tingin ko dahil alam kong siya na ang susunod na ipapakilala. "And last but not the least, my baby boy, this is Xavier, the vocalist."

Fathomless (Aurora Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon