8

11 1 0
                                    

Abala lamang ako sa pag tingin ng mga sketch ko kay Clive kahapon habang nasa library. Maaga nagdismiss ang prof namin kaya nandito ako sa library kasama si Claire at Rosy. Tinititigan ko ng maayos ang sketch ko kay Clive. Hindi pa ito tapos at marami pang details na kulang sa sketch ko.

"Ang ganda ganda, Az!" Nakangiting sabi ni Rosy habang nakasilip rin sa sketch ko. "Ang galing mo pala talaga! Idol na kita, Az!"

"Binobola mo lang ata ako, Rosy. Palibhasa ay si Clive ang model kaya tuwang tuwa ka at pinupuri mo ako."

"Hindi, Az! Totoo nga. Ang galing mo! Isang oras lang ang meron ka pero ang ganda na agad ng sketch mo."

"Akala mo lang yun. Marami pa akong kailangan baguhin diyan. Marami pang kulang diyan."

Tinignan ko naman si Claire na nakatingin sa cellphone niya habang naka earphones. Wala rin gaanong tao ngayon sa library dahil maaga pa at may klase pa halos lahat ngayon. Swerte lang namin dahil ay maaga kaming na dismiss ng prof.

Hindi rin nagtagal ay nagaya si Claire na lumabas sa lib para kumain sa underground caf. Ang undergound caf ay isa sa mga canteen dito sa eskwela. Sa gitna ito ng Science at Business building. Ngayon lang kami kakain doon dahil masyadong maraming tao doon madalas dahil bukod sa mura na ay masarap pa.

Napagdesisyunan naming dito kumain dahil wala pang gaanong tao dahil halos lahat ay may mga klase pa. Nabanggit din ni Claire na masarap talaga dito kaya nais niyang kumain. Kumpara sa caf sa mga building ay mas maliwanag at cozy tignan ito. Hindi ko ine-expect dahil madalas ay nadadaanan lamang namin ito. Napakaraming choices ng pagkain at maraming lutong ulam dito. Mura din talaga ang pagkain.

"Crush ka daw nung soccer player na kaklase natin, Az?" Ani ni Rosy habang nakain kami.

Agad namang napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Claire. Soccer player?

"Saan mo naman nahagilap yan? At sinong soccer player?" Nakakunot noo kong tanong.

"Si Kyle! Yung gwapo na sikat din. Usap usapan na yan sa klase natin. Palibhasa ay busy ka tuwing klase. Masyado kang seryoso at hindi napapansin ang paligid mo." Natatawang sabi ni Rosy saakin.

Sinawalang bahala ko na lamang ang sinasabi nilang dalawa at nagpatuloy sa pag kain ko. Sa ngayon ay wala akong sapat na panahon para sa mga ganyang bagay. Hindi rin ako interesado pang malaman kung sino man yung Kyle na yon.

Habang kumakain ay napansin ko naman ang bagong pasok na mga lalaki na agad na nagpangiti sakin. Kumaway agad ako kay Timothy kaya agad rin tong lumapit saakin.

"Az! Ngayon lang ata tayo nagkita sa campus! Na-miss kita!" Saad ni Timothy saakin habang ginugulo ang buhok ko.

Agad ko ring napansin ang kasama ni Timothy. Mayroon siya apat na lalaking kasama na kung hindi ako nagkakamali ay si Bryle at Jason ang dalawa sa mga ito.

"Hi, Azalea! Nice seeing you again."

Agad naman akong ngumiti kay Bryle dahil sa sinabi niya at kinawayan ko rin si Jason.

"Ah, Si Stanley at Ryle nga pala." Pakilala saakin ni Timothy sa dalawa niya pang kasamang ngayon ko lang nakita. "Si Azalea, Pinsan ko."

Agad ko namang nginitian ang dalawa. "Uhm, Si Rosy at Claire. Mga kaibigan ko." Agad silang nagngitian sa isa't isa.

"Bakit nandito ka, Az? Madalas ako kumain dito at ngayon lang kita nakita ah."

"Ah, maaga nagdismiss ang prof namin kanina. First time ko dito. Ikaw ba? Vacant mo?"

"Hindi. Mamaya pa klase ko. 2:00. By the way, game pa ba kayo bukas? Swimming? Bryle and Jason have been asking about it."

"Uhm, I'll ask Tulip about it. Pero, sa tingin ko naman ay tuloy. I'll just message you."

Fathomless (Aurora Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon