"Okay class, that will be all for today."
tumayo na kami at nagpaalam kay Ma'am. Inayos ko muna ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Buti nalang last subject na ito. And know what ? IT'S LUNCHBREAK TIME! Makakapahinga na rin ako. Pupunta na ako sa fave place ko ngayon. Yung tahimik na lugar. Walang abala, walang maingay, at WALANG MGA LALAKI. Nakakayamot kaya. Psh! Panigurado marami na namang mag-aabang na manliligaw ko sa labas. Yes, tama kayo ng nabasa.
Paglabas ko nandun na nga sila. I think pito ata sila. Pero nilagpasan ko lang sila. Hindi sa pakipot ako. Ayoko lang umasa sila noh.
"CJ, kailan mo ba balak sagutin ako ?" NEVER. Tss..
"CJ, ako ? Paano ako ?" Yuuckk, ang panget na gangster.
"CJ, sagutin mo na ako pleaseee.."
huminto ako sa paglalakad ko at nilingon sila.
"Hindi po ako nagpapaligaw. PERIOD." Tss.. Sino bang may sabing manligaw sa'kin ? Sabagay, sinong hindi ? Eh, ako daw yung Campus Crush kuno eh :3 HAHA!
Kahit ilang beses ko silang nireject, di pa rin nila ako tinatantanan.
----------------------------------
Nakarating na ako dun sa fave place ko. 'Ang ganda talaga dito," tapos umupo ako sa pwesto ko at kinuha yung lunch box ko at nagsimulang kumain. Simula nung lumipat ako dito last year. Eto na ang naging 'Offical Tambayan' ko every after class.Ako nga pala si Cleoffe Jane Monteverde, 16 years old. Fourth year student sa isang Public school, sa Avis Nat'l Highs School. Galing ako dati sa isang private school. Itong school ko ngayon ay may pagka Semi Private. Hindi naman sa mahirap ako. Wala lang trip ko lang. HAHA! Actually, independent na ako ngayun. Yung Mommy ko ? Nasa states, nagtatrabaho bilang Gradeschool teacher. Kuya ko ? Yes may kuya ako. Kahit hate ko yung boys, iba naman ‘tong kuya ko noh. He’s the most supportive, loving, caring, at ang superhero namin ni Mommy. He’s older than me of 2 years. Siya ang tumatayong Daddy ko. Si Daddy, ewan ko sa’n na napadpad yun. Sabi ni Mommy, iniwan niya daw kami para sa ibang babae. 6 years of no communication, I was ten when he left. Kaya sinabi kong Independent Girl ako, kasi yung kuya ko nasa korea nag-aaral. Aish! Daming conyo :3
Bumukod ako or should I say hindi na ako nakatira sa dating bahay namin. I’m now renting an appartment kasya for me. With my OWN money. Ayokong umasa kay Mommy eh.
Maraming nanliligaw sa akin pero puro busted. AYOKO NGA, DIBA ? Ewan ko ba sa mga dun, sinusungitan na nga hindi pa rin tumitigil. Pa’nong hindi titigil ? eh, sa ganda kong to noh. Kaya nga tinaguriang, “ Campus Crush” dibah ? Conceited much. Nah, I’m just telling the truth. Yan din ang sabi nila eh, magandang cute, singkit na brown eyes, heart-shaped reddish pinkish lips, sexy and maganda din buhok ko. Mas lalo daw akong gumaganda pag ngumingiti. Yung boses ko daw ang ganda, parang anghel na hinihili ka, ayun ? yan ang ilan sa mga nababasa kong ilang ‘love letters’ sa locker ko.
------------------------------
Pagkatapos kong maglunch ay isinet ko yung alarm sa Cellphone ko in 1 hour. Matutulog muna ako. Ganito palagi ang ginagawa ko dito, 11:45 kasi ang end ng klase namin sa umaga eh, kaya may 2 hours kaming break. Yung iba nga nagdi-ditch ng class at maglalaro ng Online at Offline games, mostly boys. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinadama ang hanging humahaplos sa mukha ko.
Wala pang isang oras ay nagising na ako. Mejo umaambon kasi eh. Kaya naglakad na ako pabalik sa Classroom. Habang naglalakad ako sa hallway, may bumabati sa akin. Mga freshies. Nginitian ko lang sila at kinaway-kawayan. Friendly din kasi ako noh.
“Bakit ba lahat ng attention ng boys nasa kanya ?” habang naglalakad ako, yan ang mga naririnig kong bulung-bulungan ng mga babae. Napahinto naman ako sa paglalakad ko nang harangan ako ni Ella, ang dakilang teacher’s pet. Ang kakapal ng make ups nila ‘kala mo clown eh. Sana dun nalang sila sa Private pumasok. Ang dami-rami rin alipores eh, oh ?
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
JugendliteraturShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?