August 4 na ngayon, 2 weeks na rin nung lumipat ang tatlong ugok dito. Ugh! Kainis, walang araw na hindi kami nagbabangayan. Palagi nalang niyang sinisira ang araw ko. Sino pa ba, edi yung Pesteng Dustin na yun >.<
======================================================
"Hoy panget. Ayusin mo nga yang mukha mo. Nakakasuka eh." tapos inirapan siya.
"Tumahimik ka tae, ikaw kaya yung mas nakakasuka. Yuck!"
"Wag mo akong matawag-tawag na tae. Kung tae ako panghe ka! Umaalingasaw oh!" kung bakit ba kasi kami magkatabi eh.
"Tae! Tae! Tae!"
"Panget! Panget! Panget!"
"Mukhang to, panget ?"
"Eh panget ka naman talaga ahh! Di mo lang matanggap."
"Ms.Monteverde and Mr. Tomada,"
"Kung iflush kaya kita ?"
"Panghe ka---"
"ENOUGH!" Napalingon kami sa namumulang Sir namin.
"Ano ba kayao, kanina ko pa kayo tinatawag. You're not even listening. Please focus on this activity kung ayaw niyong ipapalinis sa inyo ang buong restroom."
"S-sorry sir." nilingon ko si Dustin at sinamaan lang niya ako ng tingin. Binelatan ko lang siya.
Science time nga pala namin ngayon, hindi ko man lang alam na may experiment kami. Bwesiit kasi tong Dustin na 'to eh.
"Class, I will group you into 5" tinuro namn ni Sir yung harapan para sa unang bilang. Panigurado akong hindi kami magkagrupo ng lalakeng katabi ko.
Siya group 3 ako naman 4. Yeheett!! Tumayo na kami pareho at nagsipuntahan sa ka grupo namin. Nasa likod lang namin yung grupo nila.
"CJ, ikaw nalang yung magrereport after the experiment haa." sabi sa akin ng leader namin at saka umupo.
"Okay ^_^" tumingin naman si Dustin sa gawi ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Pagkatapos ng Experiment at taking down notes ay nagsibalikan na kami sa mga upuan namin. Pero ako yung nautusan ng leader namin na magsauli ng mga equipments sa laboratory.
Binagga namn ako ni Dustin kaya nahulog yung dala kong mga Test Tubes.
"Ugh! Ano ba, ayan tuloy nahulog."
"Ayy, akala ko kasi tae eh. HAHAHA!"
"Panghe mo, umuusok. Lumabas ka nga dito. Bwesiit ka patay ka kay sir nito."
"What's happening here ?"
"Sir, binangga po ako ni pa- ay Dustin kaya nahulog ang mga test tubes na dala ko."
"Tsk! Tsk! Tsk! It's okay, bumili nalang kayo sa Dept. Store." tapos umalis na si Sir dahil may gagawin pa siya.
"Ikaw na bumili panget. Ikaw may kasalanan eh."
"Anong ako ? Ikaw yung haharang-harang sa daanan noh."
"Ugh----"
"I SAID ENOUGH!" napatigil kami sa pagsasagutan ni Dustin dahil naga-alburoto na si Sir. Patay! Nakatingin na rin sa amin yung ibang kaklase namin.
"Bakit kailangan niyo pang pagtalunan kung sinong bibili, diba sabi ko KAYONG DALAWA ANG BIBILI ?"
"Pero sir---" hindi ako pinatapos ni sir magsalita nung nagsalita siya.
"kung wala kayong pera, sa akin kayo manghingi. Bayaran niyo nalng."
"HIndi na po sir," sabay naming sabi ni Dustin.
"Ako nalang po." ba't ba ginagaya niya yung sasabihin ko ?
"Aish. No more arugues, understood ?"
Napatango nalang ako. Tsaka kumuha ng walis at dustpan. Kakatakot pala si Sir pag nagagalit noh ?
Umupo ako at akmang kukunin yung mga malalaking bubog.
"Wag, baka masugatan ka."
*Lub-a-dub-dub* *Lub-a-dub-dub* Hala! Eto na naman yung puso ko.
Ang lapit ng mukha namin. Ano ba to, nagdadrum na naman yung puso ko.
"Che! Alam ko, malalaking bubog yung mga kinuha ko, ano ? Wag ka ngan umastang concern ka sa akin."
"Hindi ako concern, baka kung magkasugat ka. Mangamoy tae yung buong classroom." Pinagpapalo ko naman siya ng walis.
"Umalis ka na nga dito, baka mahawaan pa ako sa kapangetan mo eh."
Kukunin ko na sana yung mga bubog nang pigilan na naman niya ako.
"Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka, ano ?"
"Ang OA mo, ano ba ?"
"MR. TOMADA AND MS. MONTEVERDE, DI PA BA KAYO TAPOS JAN ?! PARA KAYONG MGA ASO'T PUSA."
"S-sorry sir," tsaka winalis ko na ang natitirang bubog."
"Ikaw kasi eh," mahina kong sabi.
Pagkatapos ng klase sa hapo ay dumiretso na kami sa sakayan. Buti nalang hindi kami nahirapan maghanap ng jeep.
Hanggang sa kalsada nga, nagbabangayan pa rin kami. Napapatingin na nga sa amin yung mga tao eh.
Nung papasok na ako ng jeep, may sinabi siya sa akin.
"Tabi tayo. Dito ka sa dulo."
*Lub-a-dub-dub* *Lub-a-dub-dub*
Kailangan ko na yatang ipakonsulta tong puso ko sa doktor ah.
Imbes na sumagot ako sa kanya sinunod ko nalang siya.
Nagsaksak nalang ako ng earphones sa tenga ko at pumili ng kanta.
[Jeepney- Yeng Constantino]
Nung napuno na yung jeep ay umandar na ito, mostly sa nakasakay mga Estudyante. Uwian na kasi.
May kumalabit naman sa akin.
"Ano ?"kinuha niya yung isang earphone sa left ear ko at bumulong.
"Share tayo, Baby." sabi niya na naka-smirk.
"H-huh ?" Ano daw, BABY ??!
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
Teen FictionShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?