A/N: May pagkamusical po yung story ko. Atsaka, idedicate ko to sa Bestbhud kong si Author Noemi (Giveme_yourlove) connected po ang chapter na ito sa story nya ng konti lang. Hihihi.
Pagkatapos nung nangyari kahapon ay maayos na kami, sweet na siya, malambing.. De joke lang, yun? Magkakaayos kami? ASAness.. Normal na sa amin na nagbabangayan, nagsisigawan, nag-aasaran! Balik kami sa pagiging aso't pusa.
Ayy di, kailan pala kami hindi nagbabangayan? Tsk! Kinacareer nga niya yung laro namin eh, nagiging sweet siya pag sa harap ng maraming tao. Pero kapag kaming dalawa nalang, ayun mas grabe pa kami ng Aso't pusa. Ugh! Nakakinis talaga siya.
Pagkatapos ng last subject sa umaga ay dumiretso na ako tambayan ko. Makakalayo muna ako sa panget na 'yun n 2hrs. Yipee!
Habang naglalakad na ako papunta doon ay nakasalubong ko naman ang teacher na pogi! Waaahh Si Sir Drubham, yung fresh graduate na adviser ngayon sa Grade 9 section Daisy. '
Pero, teka. Pumupunta rin pala siya dito?'
"Hii, Sir." bati ko sa kanya. Nginitian niya ako.
"Hello, dear." tas ginulo niya yung buhok ko. Waahhhh heaven!! Ang gwapo nga talaga niya lalo na sa malapitan.
Mayroon din akong nakasalubong na magandang babae, ngayon ko lang siya nakita. Mukhang grade 9 siya. Nginitian ko lang siya at ganun din ang ginawa niya.
Nung papalapit na ako sa pwesto ko, may napansin akong lalaking nakasandal sa puno at may dalang gitara.
'hala, may nakahanap sa pwesto ko?' nilapitan ko yung puno at sinilip kung sino yung lalaki.
O.O
"D-dustin?!" Eh?
"Oh, CJ. Anong ginagawa mo dito ?" at siya pa may ganang magtanong gayong siya ang nang-agaw ng place.
"Ikaw kamo, anong ginagawa mo dito?" kainis! Kala ko pa naman makakalayo ako sa kanya.
"Ba't napadpad ka dito sa tambayan ko, haa?"
"Kaya pala amoy TAE. HAHAHAHA!" Aba't?? Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong sabi mo? For your information panget ka, tambayan ko yan. At hindi ako tae!!"
"Tambayan mo pala to? What a coincidence. Tambayan ko na rin to simula ngayon baby, haa?" Ugh!
"Ikaw, umalis ka nga diyan. Baka hawaan mo pa ng kapangetan tong FP ko eh." pagsisigaw ko sa kanya.
"Ayoko. Nawili na ako dito eh!"
"Che! Isaksak mo yan sa baga mo. Makaalis na nga dito, baka hawaan mo ako sa KAPANGETAN MO, PANGETTT!!!"
Tapos tinalikuran ko siya, maglalakad na sana ako para maghanap ng ibang lugar nang higitin niya ang braso ko.
"Eto naman. Nagbibiro lang eh, arte mo naman. Dito ka nalang."
"No thanks. Maghahanap nalang ako, nang WALANG BAHID NG KAPANGETAN MO!!! Tsaka fave place mo na 'yan dibah?!"
"Pwede namang share tayo eh, usual place mo to diba? Halika na. " tapos hinila niya ako.
"Aish! Oo na, bitawan mo na ako. Kakadiri ka." umupo na ako. Wala na rin naman akong magagawa eh.
"Paano mo nga pala nahanap 'tong lugar na to? Sinusundan mo ba ako?"
"Hindi ahh.. Nagkataon lang na sinundan ko si Si Drubham,"
"huh? Bakit?"
"May iniutos kasi siya sa akin eh."
"Ahh, ganun ba?" tinignan ko yung yung gitara niya.
"Mahilig palang maggitara ang mga panget?"
"Oo, tinuruan kami ng Daddy ko nung buhay pa siya."
"S-sorry.." naguilty tuloy ako nung sinabi niya about sa Daddy niya.
"Okay lang tae."
"May kapatid ka pala?"
"Yep. Tugtugan kita haa,"
Inistrum niya yung guitar niya.
[Sana'y Ako nalang]
"Heto na naman, sulyap ng 'yung mata
na nagsasabing ika'y nag-iisa.." tinititigan ko lang siya hang tumutugtog.
Ang ganda ng boses niya.
"Pinilit kong sabihi,
ngunit di ko magawa na magsabing," tumingin siya sa akin nang nakangiti.
Nginitian ko din siya.
"Gusto kita..."
*Lub-a-dub-dub* *Lub-a-dub-dub*
Waaahh! Bakit ganun ? parang tumigil yung mundo ko pagkakanta niya nun nang nakatingin sa akin ?
"Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan," di ko napigilan ang sarili ko at sinabayan siya sa pagkanta.
"May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang.."
Pagkatapos kantahin yun ay magkatitig pa rin kami.
"Baka matunaw ako niyan baby, haa ? HAHAHA!" iniwas ko agad yung tingin ko.
"PANGET MO KAYA!"
His eyes remind me of someone... Hindi naman siguro, pareho lang siguro sila ng mata.
"K-kain na tayo.." pag-iiba ko ng topic.
"Sige.."
"Sige, kunin ko lang yung baon ko."
O_O patay!
"Nilingon ko si Dustin, kumakain na siya.
*Brrrgg*
"Ah, Dustin. Mukhang masarap yan ahh."
"Ahh, Oo. Gawa ng mommy ko. Gusto---" bago pa siya makapagsalita, hinablot ko na ang baon niya. Bwahahaha :D Eh sa nagugutom ako eh.
"Oy, ano ba ? Ba't ka nang-aagaw ?"
"Share nalang tayo, nakalimutan ko yung lunch ko panget eh. Masarap naman eh."
"ANG TAKAW MO TALAGA!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.
'Ang sharap'
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
Novela JuvenilShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?