Kainis naman 'tong puso ko oh ? Ano ba talagang nararamdaman ko, Oo galit nga ako sa mga lalaki, pero bakit pag dating kay Dustin parang gusto kung maniwala ?
Hayy. Grabe talaga ang epekto ng panget na yun sa akin.Ewan ko pero kapag nakikita ko siyang nakangiti may nagdadrums sa puso ko. Wahhh!
"Gusto kita.." bigla-bigla nalang pumasok sa isip ko yung linyang iyon.
Ayokong mag-assume pero feeling ko he mean it while singing those lines while looking sincerely to my eyes.
Hayy, nakakainis. The last time I check, sa isang tao ko lang to naramdaman. Pero bakit ngayon ?
Imposibleng magkagusto ako dun sa Panget na yun noh, eh para nga kaming mga Aso't pusa eh.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Ginawa ko ang daily routine ko. Chineck ko lahat kung sarado na saka nilock ang pinto at pumunta na sa Shool.
Magjejeep ako ngayon, tinatamad akong maglakad eh. Ang dami kong iniisip.
Pagdating ko sa school ay dumiretso ako sa garden. Maaga pa naman eh, tatambay muna ako.
Umupo ako dun atsaka pinikit yung mata ko. Bigla namang nagflashback yung nangyari sa jeep.
"I Love you, Baby." napamulat naman ako nung naalala ko yun.
Hayy -_-
Simula nung araw na nasaktan ako, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako maiinlove. Pero bakit lahat ng ginagawa ni Dustin ang lakas ng impact sa akin ? Parang gusto ko tuloy magpahulog.. Baka naman isa yun sa mga pain ng mga lalaki.
Ang lakas ng tibok ng puso ko pag magkalapit kami, parang may nagdadrums sa loob. Parang may nagkakarera sa loob nito.. Siguro ng gusto ko na siya, di ko lang maamin. Psh. Ayokong sabihin sa panget na yun baka pagtripan ako eh.
Iwasan ko kaya siya ?
Bumalik ako ng classroom, marami-rami na rin yung kaklase kong nandun.
"Goodmorning, CJ!" bati sa akin ni Kevin. Kahit kelan talaga ang FC nito.
"Tss. Goodmorning." cold kong sabi sa kanya.
"Wow. Yelo ka ata ngayon, anong meron, LQ kayo ni Dustin noh ?"
"Tumahimik ka nga. Anong LQ yang pinagsasasabi mo ?"
"Wee. Diba kayo na ?"
Narinig ko namang nagbubulung-bulungan yung mga kaklase ko.
"So totoo nga, sila na."
"Akala ko ba hindi nagpapaligaw si CJ ?"
"Wew. Ang suwerte nila pareho. Ang cute ng couple nila."
Psh. Oo nga pala, naglalaro pala kami ni Panget.
"Tigilan mo nga muna ako Kevin, wala ako sa mood para makipagbara sa iyo."
Siguro mas makakabuti kong iwasan ko muna siya. Baka di ako makapagpigil sa sarili ko eh, baka anong masabi ko dun sa panget na yun.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
Teen FictionShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?