Ang hindi ko maintindihan, bakit ginagawa namin ni Dustin to? I mean yung pagiging sweet sa isa't-isa sa harap ng ibang tao, nagpapanggap na nagmamahalan kami. Like duh, kapag kaming dalawa lang para kaming mga aso't pusa sa pagbabangayan.
Aish. Kainis naman oh, may pabee-bee pa siyang nalalaman. Hindi ko rin alam ba't sinasakyan ko yung mga trip niya. Abnormal din ako noh ? XD
"Hoy panget, mag-usap nga tayo." "Nag-uusap na tayo." nakatanggap naman siya ng batok sa'kin.
Napa 'ouch' naman siya.
"Magtino ka nga, kahit ngayon lang." "Eto naman binibiro lang eh. Ano ba pag-uusapan natin?" umupo siya sa upuan na kaharap ko.
Ano ba pag-uusapan namin?
"Ba't kailangan natin gawin to, I mean magpanggap sa harap ng tao?" kumunot naman yung noo niya.
Aish. Ang slow minsan nito oh.
"I mean bakit tayo naglalaro?" "Bakit naiinlove ka na ba sa akin?"
O_O
"H-hoy, hindi ah. Kapal mo. Ako, maiinlove sa isang panget? Yuck!" tumawa naman siya. Baliw talaga. "Di, seriously. Hindi ko din alam eh. Una, gusto lang naman kitang pagtripan.. Pero ngayon, ewan."
Ano daw, Ewan?
"So, trip mo lang?"
"Ba't nalungkot ka, nainlove ka na ba sa'kin?"
"Ang kapal mo talaga. Yuck! Never akong maiinlove sa isang panget na katulad mo."
Nakangiti lang siya ng nakakaloko..
"Hoy, ang kapal talaga ng mukha mong pagtripan rin ako noh. Anong akala mo sa'ming mga babae laruan? Wow ha, wow lang.. Para sabihin ko sa'yo hindi ako natutuwa." pinaghahampas ko siya ng libro ko.
"Aray, ouch bee!"
"Wag mo akong matawag-tawag na bee kasi hindi kita Boyfriend. Ugh, kainis ka! Yan!"
"Ano ba, ouch CJ!"
"Pareho kayong lahat na mga lalaki, nantitrip ng babae! Yan ang bagay sa'yo. Tapos ano, kapag nainlove talaga ako sa'yo. Iiwan mo ako sa ere. Paaasahin mo ako?" pilit niya pa ring sinasangga yung paghampas ko.
"Ugh. Bwisit!" pinaghahampas ko pa rin siya ng libro.
"Mga paasa kayo, mga manlo---" Nahawakan niya yung kamay kong may hawak na libro.
"Bee.." hindi ko namalayan tumulo na pala yung luha ko.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit yung paasahin at lokohin ka. Bumabalik lahat ng sakit eh..." Nabitawan ko yung libro at umupo. Tinakip ko yung dalawa kong kamay sa mukha ko.
"Kainis.." Wala na baliw na talaga ako nito. Bumabalik na naman lahat ng sakit. Shete lang.
Tahimik lang siyang nanonood sa akin. Pagkatapos kong umiyak, tiningnan ko siya. Nakaupo na din pala siya sa harap ko. Magulo ang buhok, hawak-hawak niya rin yung mukha niyang nahampas ko.
Naguilty tuloy ako.
"S-sorry, may naalala lang ako." "Ang sakit nun ahh, pero okay lang. Amazona ka rin pala. Tsk!" napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Bee, ba't ka nga pala umiiyak?" lumungkot bigla yung mukha niya.
Aish. Halata talagang concern siya. Eh siya nga yung may kasalanan.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
Teen FictionShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?