Simula nung umalis ako sa dati kong school, nabalitaan ko nalang na lumipad na pa-Amerika si Dino. Oo ang lalaking minahal ko no'n at baka mahal ko pa rin ngayon.
Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala akong balak sagutin ang mga nanliligaw sa akin..
Siya ang dahil kung bakit ako nasasaktan. Hayy.. It's been 2 years 2 years akong hindi maka move-on? Siguro.. Ewan. Hayy.
'Kumusta na kaya siya?'
'Pa'no nalang kung buma—-'
"Aray !" inis kong sabi nang pinitik ng buwisit na Dustin ang noo ko.
"Ano bang problema mo, ba't ka namimitik?"
"Ikaw, anong problema mo kanina ka pa tulala jan eh."
"Wala akong problema. Buwisit!" tas tinalikuran siya.
"Ay, nagalit yung 'Babe' ko?" Ugh! At inemphasize pa talaga niya yung 'babe' ha. Nakatingin tuloy yung yung mga kaklase ko.
'Aish. Magchismisan nalang kayo jan. Kainis!'
"Huwah mo akong tawaging babe, dahil hindi ako baboy!!" tapos lumabas ako ng classroom.
Nung nakalabas na ako ng classroom, may humigit naman sa kamay ko at walang iba kundi ang asungot sa buhay ko.
"Ano ba, bitawan mo nga ako Dustin" nagpupumiglas ako pero ang lakas niya. T_T
"Okay naman yung babe, diba?"
"Che. Hindi ako baboy! Ang sexy ko kaya." Babe-in niya mukha niya, mukha ba akong baboy?! Ugh! "Tsaka ba't ang dami mong tawag sa'kin. Di naman talaga tayo ah?"
"Eh sa gusto ko.. Gusto kitang asarin,"
"Ahh, ganun?" sinipa ko yung tuhod niya at napaluhod siya. Hinihigit ko yung kamay ko pero ang lakas-lakas niya. Hawak hawak niya pa rin yung kamay ko.
"Dustin, bitawan mo ako. Tatamaan ka ulit sa akin.!"
"Ayaw." nakaluhod pa rin siya. Ayaw pala ha?!
Sinipa ko ulit yung tuhod niya, pero this time sa left na. Kanan kasi yung kanina..
"Aww.." mahina lang yung boses niya. Pero di niya pa rin ako binibitawan.
"Nakakadalawa ka na, ha?"
"Bitawan mo kasi—-"
"AYIEEE. ANG SWEET!" napatingin kami pareho sa nagsalita.
Like duh, nandito nga pala kami sa Corridor. Seriously, ang daming estudyante? Mga chismosa at chismoso talaga.
"Dustin, tumayo ka na nga jan" bulong ko sa kanya. Para nga kaming mga sira dito eh.
"Bagay sila, ano? Ayiiee. Dali picture.an natin." nagpanic na ako kaya pinipilit kong itayo si Dustin. Pero nagsalita naman siya.
"Sorry na bee. Patawarin mo na ako.."
O_O Buwisit ka talaga Dustin >,< Ngayon naman Bee, ano ako bubuyog?
Ayy, oo nga pala naglalaro pa pala kami. Ano?
"Tumayo ka nga jan Dustin. Nakakahiya!"pinandilatan ko siya ng mata.
"Sorry na bee, bati na tayo." Anakng. Pinapahiya niya talaga ako ha? Pwes..
"Ewan ko sa'yo Honey. Simple lang naman yung hiling ko diba, ang sumayaw ka ng dougie sa harap namin. Di mo pa magawa." Bwahahaha.. Ano ka ngayon, tomada?
"What?! Di—-"
"Bahala ka, di tayo bati." at umaaktong nagtatampo. Woaah. Pwede na akong maging artista.
Naramdaman ko naman na na naglosen na yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakatayo na rin sa harap ko.
Ngumiti siya tsaka nagsalita.
"Sige na nga, para sa 'Girlfriend' ko." Ugh! Nakakaloka talaga siya ahh..
[Teach me how to Dougie]
napakamot naman siya ng ulo niya. Haha. Gagawin niya talaga, haa?
Kasabay ng pagsimula ng kanta, nagsimula na rin siyang sumayaw.
Nakatitig lang ako sa kanya habang sumasayaw. Parang nagslowmo yung paligid habang nagsasayaw siya. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Parang kaming dalawa lang yung nandito. Tumingin ako sa ibang direksiyon, normal naman. Binalik ko ulit yung tingin ko sa kanya, nagslowmo talaga. Ang blis pa ng tibok ng puso ko. Ugh! What happened to me?
Ang gwapo niya. What? Did I just say gwapo? Oo na.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa.
Nagtitilian naman yung mga babaeng nanonood.
He wink at me. O///O
Naghiyawan naman yung nakatingin sa ginawa niya.
Di ko namalayan tapos na pala siyang sumayaw.
"Baka matunaw ako sa katititig mo niyan, bee." ang lapit niya sa'kin. Shet. I need oxygen.
Ano bang nangyayari sa akin? Umatras ako ng konti.
"Che!"
"Bati na tayo?" naghiyawan naman yung ibang estudyante. Nginitian ko siya.
"Oo na. Sige na. Bati na tayo, magaling ka naman sumayaw eh." kala ko pa naman mapapahiya ko siya.
Naghiyawan naman yung mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Natutuwa pa siyang parang bata. As if naman totoo yan. Amplastic. Tss.
Niyakap niya ako.
O///O kumalas siya sa pagkakayakap ko.
Pero teka, namumula siya. Tas nagkamot pa ng ulo. Tumingin siya sa akin.
"Ang galing ko sumayaw, ano?"
"Sa'n banda?" nagpout naman siya. Yuck. Di bagay. Haha. Joke.
"Ouch bee. Sabihin mo nalang kasing magaling ako."
"Di kaya.." pagtataray ko sa kanya. Nagpout naman ulit siya. SA HARAPAN KO PA! Iniwas ko yung tingin ko.
"Aish. Oo na. Magaling ka na, happy?"
Lumaki naman yung ngiti niya.
Gaahh! Para lang siyang si Jeydon sumayaw. Ang sexy niya. Dougie King!
Pero ang pinagtataka ko bakit nagslowmo kanina nung sumayaw siya at bumilis yung tibok ng puso ko? Ugh! Kelangan ko na talagang magpatingin sa doctor.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender ( On-Hold)
Teen FictionShe used to pretend. But then came a boy in his peaceful life. Will she stop being a pretender ?