CHAPTER 4- MEETING THEM

85 3 1
                                    

[ Keila's POV ]

Nakauwi na kami sa bahay. Nakahiga na ko sa kwarto ko dahil kailangan ko ng magpahinga dahil sobra-sobra ang pagod ko sa party mula kaninang umaga hanggang kanina. Pero di pa rin talaga ako makatulog dahil sa nakita ko kanina. Di ko maisip kung guni-guni ko lang yung nakita ko o kung siya ba talaga yun! Aish. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng makikita ko sa Resort na yun, bakit siya pa?

* F L A S H B A C K *

"Janine, Halika na dito. Kailangan nating pumunta sa dressing room. Dun daw muna tayo habang nagseset-up pa dun sa venue." Sabi ni mama. Magsasalita pa sana ko pero nagsimula na siyang maglakad. Hayyy. Si mama talaga.

Sinundan ko nalang si mama hanggang sa makarating kami sa..... O.O

"B-bryce?" Na-uutal kong tinawag ang pangalan niya. Nilingon niya ako at nakita kong nagulat din siya. Halos bumalik lahat ng sakit sa dibdib ko ng makita ko ulit ang mukha niya.

"Janine? A-anong ginagawa mo... dito?" Tanong niya sakin. Diba dapat ako ang magtanong sakanya nun?

"Diba dapat ako ang magtanong sayo niyan? Anong. ginagawa. mo dito?" Pagbabalik ko sakanya ng tanong.

"Nandito ako dahil sa amin tong Hotel&Resort na to." Sabi niya

"Sa.... sa inyo to?" Ulit kong tanong. Malay ko kung nagsasabi siya ng totoo.

"Oo. Teka Janine. Kamusta ka na pala?" -Siya. At ang kapal din pala naman ng mukha niya para tanungin niya ko kung kamusta na ko. Matapos niyang kong iwan tatanungin niya kung ayos lang ako? Ngumiti ako sa kanya pero di ko pinakita yung inis ko sakanya.

"Ayos lang naman ako. Mula nung nawala ka." Sabi ko sakanya. Di ko mapigilang maluha pero pinigilan ko yun hanggang kaya ko. Ayokong ipakita sakanya na mahina ako.

"Look Janine, I-im sorry.. Di ko sinasadya na iniwan kita. May reason ako kaya nagawa ko yun. Pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko sayo. Patawarin mo lang ako." Sabi niya. Nakita ko sa mga mata niya na sincere siya at parang naluluha siya. Pero di ako nagpatalo sa emosyon ko.

"Hindi. Wag kang mag-sorry Bryce. Wala kang kasalanan." After kong sabihin yun naglakad na ko at saktong paghakbang ko tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Pero di pa man ako nakakalayo ay tinawag niya ulit ako.

"Janine..." Sabi niya. Huminto ako pero di ako lumingon dahil di ko kayang ipakita sa kanya ang mga luhang kanina ko pang tinatago.

"Patawarin mo ko Janine. Di ko gustong saktan ka. May sakit si Mama kaya nagawa kitang iwan. Ginawa ko yun dahil pinapili niya ko kung ikaw ba o siya. Di ako makapagdesisyon ng araw na sinabi niya yun. Kaya bigla nalang akong nawala dahil mas pinili kong wag magpaalam sayo dahil mas masasaktan lang ako kapag ginawa ko yun. At masasaktan lang kita. P-pero pinag... pinagsisisihan k-ko na lahat n-ng ginawa ko sa...sayo. I-m really really so... s-sorry." Habang sinasabi niya yun napansin kong nauutal siya. At humihikbi. Umiiyak siya? Kaya di ko na rin napigilan ang sarili ko at mas lalo lang akong naiyak. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para di niya marinig ang pag-iyak ko.

"P-please Janine... G-give me another chance.. Para patunayan k-ko sayo na m-mahal na mahal ki...kita" Nung sinabi niya yun mas lalo akong naiyak pero di ko na siya pinansin at tuluyan na kong umalis.

* E N D O F F L A S H B A C K *

"Keila, gising na. Anong oras na." Narinig kong sabi ng boses ng babae. Instead na pansinin ko kung sinong istorbo ang gumambala sa aking pagtulog ay nagtakip ako ng unan sa mukha at natulog ulit. Pero may nag-alis ng unan sa mukha ko kaya naman nagtaklob ako ng kumot. At may humila naman. Anu ba naman yan! Inaantok pa nga kasi ako eh.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon