CHAPTER 5

66 2 0
                                    

[ Jenn' POV ]

Nakakainis! Sa dinami-dami ng taong pwedeng maging kaibigan ni Jake. Bakit siya pa? Nakakabwiset. Di ko talaga makalimutan yung nangyare kagabe bago magstart yung party for Keila's birthday.

* F L A S H B A C K *

Nakarating na ko sa Venue na paggaganapan ng party ni Keila. Hayyyy, buti nalang hindi ganun ka-traffic. Bumaba na ko sa Kotse ko and dumiretso na sa loob. Hinahanap ko yung dalawa kong bruhang bestfriends pero di ko sila makita kaya hinanap ko nalang sila ng hinanap.

Halos mahilo na ko sa kakahanap sa dalawang bruhang yun pero wala talaga sila kaya lumabas muna ko, baka kasi di pa sila dumarating. Papunta na ko sa Parking lot ng biglang may bumusina...

* BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP *

Halos atakihin ako sa puso dahil sa malakas na businang narinig ko. Muntik na kong mabunggo. As in! I think mga isang dipa na lang at mabubunggo na ko. Bwiset to ah? Mukhang masisira yung araw ko sa epal na toh. Hinihintay ko siyang bumaba sa kotse niyang bulok pero wala akong nakitang bumukas ni isang pinto ng kotse.

* BEEEEEPPPPP!!! BEEEEPPPPP!!!!! *

Ay kabayo. Bwiset talaga tong driver na to ah? Lumapit ako sa may pinto ng kotse niya at pinagkakatok ko yung window. Pero di niya pa rin binababa. Di ko makita yung mukha niya at kung anung ginagawa niya sa loob dahil tinted ang bintana nito. Pinapainit niya talaga yung ulo ko!!!

"HOY!!! KUNG SINO KA MANG NASA LOOB NG BULOK NA KOTSENG YAN! WILL YOU PLEASE GET OUT? TANGA KA BA HA? BULAG KA BA? HOYYY! LUMABAS KA DIYAN!" Sabi ko habang patuloy na pinagkakatok yung bintana ng kotse niya at malakas na sumigaw. Muntik na kong matumba nung bigla niyang buksan ang pintuan ng kotse niya.

"Hey! What's your problem?" Sabi niya na halatang inis din dahil sa boses niya.

"Anong what's your problem ka diyan? Are you blind? Nakita mo ng may tao tapos di ka tumitingin sa daan mo! Muntik mo na kong mabunggo diba? Psh." Sabi ko habang nakatingala sa kanya. Haleer! Ang tangkad niya kaya.

"So kasalanan ko pa ba kung di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Nakita mo ng may sasakyan humarang ka pa! Tanga ka?" Sabi nung bwiset na lalake.

"Ang kapal din naman pala ng mukha mo noh? Ikaw na nga tong muntik nang makabangga. Ikaw pa yung galit?" Sabi ko sakanya sabay inirapan siya. Ang kapal ng mukha. Akala mo sinong gwapo. Bulok naman yung kotse niya. Tss.

"Pwede ba miss, sa susunod. Kung gusto mong magpakamatay. Wag mo na kong idamay! Psh!" Sabi niya at iniwan akong nakatayo sa kalsada.

* BEEEEEEEEEEEEEEEP! BEEEEEEEEP! *

@#$%&*-+!!! Sa sobrang gulat ko napamura na lang ako. Bwiset talaga siya. May balak talaga siyang basagin ang eardrums ko ha. Wala na. Nasira niya na ang araw ko. Nakabwiset.

* E N D O F F L A S H B A C K *

So diyan nagtatapos ang pagtatalo namin ng bwiset na lalaking yun. Tss. At sobrang bwiset ko. Di na ko nakapagpakilala. Kahit sa unang POV ko di pa ko nakakapagpakilala. Haha! Sorry naman sa mga readers. Nabwiset lang talaga. Eto na magpapakilala na talaga ko.

I'm Jenny Lyn Imperio. 16 years old. Senior Higschool. Maganda. Mayaman. I'm the Smart Babe. Nag-aaral sa Ridgewood Academy. Yung family ko? Ayun. Nandun sa states. Iniwan ako kasama yung bunso kong kapatid. Dun siya pinag-aral ni Mom and Dad. Kaya sila nandun dahil nandun yung business namin. Once in a pink moon lang sila umuwi dito kaya naman sanay na kong walang kasama sa bahay kundi ang mga kasambahay at driver. Okey lang naman. Sanay na ko dahil nandyan naman ang mga bestfriends ko. Kaya kahit wala sila tuwing birthday ko. Masaya ako kasi nandiyan sila Chiara, Keila and Glicelle. Ang mga baliw kong bestfriends for life!! Hahaha.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon