CHAPTER 10

66 2 0
                                    

[ Daryll's POV ]

Bago ako umuwi sa condo ko nagpunta muna ako sa Mall. Wala lang. Gusto ko lang libangin ang sarili ko. Tumitingin lang ako ng mga damit na pwede kong mabili. Habang nagtitingin ako ng mga damit sa JAG. May isang babaeng nakapansin ng atensyon ko. Nakatalikod siya pero parang gusto kong makita yung hitsura niya. Hinihintay ko siyang humarap sa direksyon ko at pagkaharap niya... O.O Nagulat ako nung makita ko yung mukha niya. W-what is she doing here? Ang akala ko ba mag-stay na siya sa France for Good? Pero bakit nandito ulit siya? Bakit kelangan niyang bumalik pa? Bakit kelangan ko pa siyang makita pa ulit? Gusto ko sana siyang lapitan para makausap siya. TAMA! Lalapitan ko siya. Ihahakbang ko na sana yung paa ko pero natigilan ako nang biglang may lumapit sa kanyang isang lalaki. My hand turned into fist. Gusto kong sugurin yung lalaki. Pero hindi ko magawa. Nanigas lang ako nung makita kong hinalikan siya nung lalaki sa lips. Hanggang sa makalabas na sila ng shop ay hindi pa rin ako makagalaw. Bakit? Bakit kailangang makita ko pa ulit siya? Sana pala hindi ko na lang hinintay na humarap siya at makita yung mukha niya. Sana pala na lang ako nagka-interes na makita yung mukha niya dahil hindi ko din pala magugustuhan yung nakita ko kanina. Pero bakit kelangan niya pang bumalik? Matapos niya kong iwanan at ipagpalit sa iba. Babalik siya dito? Pero bakit ganun? Bakit nung nakita ko siya kanina nawala lahat ng galit ko sa kanya. Bakit biglang bumalik lahat nung pagmamahal ko sa kanya? Bakit kahit niloko mo ko. Ikaw pa rin yung mahal ko. Bakit ikaw pa rin Kiezl?

Dahil nabadtrip ako sa nakita ko kanina at nawalan ako ng gana na gumala sa Mall mag-isa. Lumabas na lang ako ng Mall at sumakay na sa kotse ko. Nag-drive na ko papunta sa condo ko pero naisip kong puntahan si Mommy sa bahay. Kaya nag U-turn ako at dun na lang muna ako matutulog sa bahay namin.

Pagdating ko sa bahay nag-doorbell agad ako. Agad naman akong pinagbuksan ng gate nung maid namin. Di ko siya kilala eh. At wala akong balak kilalanin siya. She's just a maid.

"Goodevening Sir Daryll." Bati sakin nung maid pero punasok na ko sa loob.

"Nandiyan ba si Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Opo sir. Actually po may bisita po siya."

"Ah. Sino daw?"

"Ahm.. di ko po kilala sir eh. Babae po."

"Ah.. okey."

Pumasok na lang ako sa loob para makita kung sino yung babaeng bisita ni Mommy. Pagpasok ko nakita ko si mommy na kausap si... O.O KEILA? Wait. Anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko lang siya at sabay nag-grin ako sa kanya. Then lumapit ako kay mommy and I kissed her cheeks.

"Bakit ka napadpad dito?" Yan agad yung tanong sakin ni mommy. Di man lang ako kimumusta. Si mommy talaga oh.

"Di mo man lang ako kinumusta mommy. Kelangan yan agad ang itanong?." Sabi ko kay mommy. Natawa naman siya sa sinagot ko sa kanya.

"Eh kasi naman two weeks ka kayang di dumadalaw dito." Sabi naman sakin ni mommy.

"Wait mom. What is she doing here?" Tanong ko bigla kay mommy at nakita kong napatingin sa min si Keila na halata mo sa mumha niyang gulat pa rin siya. Di siguro siya makapaniwala na dito ako nakatira. Haha!

"Ah. Oo nga pala. Dito na muna siya titira. Remember yung sinasabi ko sayong friend ko na pupuntang states? Yung parents niya yun. And by the. Keila, this is my son. Daryll. Daryll, this is Keila." Pagpapaliwanan ni mommy sakin. At pinakilala niya pa ko kay Keila. Kilala ko na yan.

"I know her mom. She's my classmate." Sabi ko naman sabay tingin kay Keila then I winked at her. I saw her smirked.

"Oh? Really? Good hear that." - Mommy.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon