CHAPTER 3- Another Surprise Party

87 4 1
                                    

[ Jenn's POV ]

* RINGGGGGGGGGGGGGGGGG!!! RINGGGGGGGGGGGG!!! RIIIINNGGGGGGG *

Napamulat ako sa tunog ng cellphone ko. Sino ba naman yung tumatawag na yun! Kitang nagpapahinga pa ko eh. Pinikit ko ulit yung mga mata ko...

Wait lang, parang may gagawin ata ako? Ano nga ba yun? O.O Biglang nanlaki ang mata ko at dali-dali akong tumingin sa wrist watch ko.

"KYAAAAAAHHHHHHH!!!! 4:30 NA!!!!" Sigaw ko sa sarili ko. Malamang, wala naman akong ibang kasama dito kundi sarili ko. Paspasan akong tumayo at paslasan din ang pagligo ko. Ang Half hour kong pagligo sa araw-araw, ngayon 15 minutes nalang dahil sa pagmamadali ko. Naalala kong may tumawag nga pala sakin kanina kaya paglabas ko ng bathroom tiningnan ko agad yung cp ko kung sino yung nagmissed call sakin and there is it Unknown Number. Pero kung sino man siya. Super thank you ako sa kanya dahil nagising ako sa pagkakahimlay ko. Hahahahaha! Bwiset kasi yung dalawang bruhang yun eh. Iniwan ako sa Resort kanina. Edi sana maaga akong nakauwi at di sana ako male-late ngayon.

After kong mag-ayos bumaba na ko at nagpahatid ako sa driver ko papunta sa salon ko. Pagkadating ko dun ay pinagmadali ko silang ayusan ako. At pinahanda ko na rin sa kanila yung dress na isusuot ko.

After 1 hour.

Natapos na kong ayusan kaya pumunta nako agad sa cr para isuot na yung gown. Nagpatulong na lang ako sa staff ko na isuot yung dress ko kasi sa likod yung zipper niya.

After kong mag-ayos sa lahat-lahat. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa isang full-mirror. What a gorgeous girl!! Hahahahaha. I'm wearing a simple but elegant tube dress from F21. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin ay lumabas na ako sa salon at sumakay sa na sa kotse ko. Nagpahatid nako sa papunta sa Viewfort Resort.

* F A S T F O R W A R D *

Nakarating na ko sa Venue na paggaganapan ng party ni Keila. Hayyyy, buti nalang hindi ganun ka-traffic. Bumaba na ko sa Kotse ko and dumiretso na sa loob. Hinahanap ko yung dalawa kong bruhang bestfriends pero di ko sila makita kaya hinanap ko nalang sila ng hinanap.

Halos mahilo na ko sa kakahanap sa dalawang bruhang yun pero wala talaga sila kaya lumabas muna ko, baka kasi di pa sila dumarating. Papunta na ko sa Parking lot ng biglang may bumusina...

* BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP *

[ Keila's POV ]

"Mama, san ba talaga kasi tayo pupunta ha? Bakit kelangang ganito yung outfit ko? Tsk. Ano ba naman yan mama eh!" Reklamo ko sa nanay ko. Kanina pa kasi akong tanong ng tanong kung sa ba kami pupunta pero ayaw niyang sabihin. Laging sagot niya lang sakin ay 'Basta, wag ka nang matanong diyan'. Sino ba namang di maiinis sa ganun diba? Aish!

"Ang dami mong tanong Janine ha. Wag ka nang matanong diyan. Dalian mo na lang." - Mama

"Okey.... =____=" Walang gana kong sagot sa kanya. Tsktsk. Bakit ba kasi kailangang naka-dress pa ko eh. Wala namang pupuntahang party. Tapos ang ikli-ikli pa. Nakakainis naman oh! =_____= Sorry naman, di lang talaga ko sanay magsuot ng mga above the knee na outfit eh. Wala lang akong magawa kasi sabi ni Mama eh. Iba pa naman magalit yun! Parang Godzilla! Hahahaha. Joke ^___^V

Sinuot ko na yung high heels na binigay sakin ni Mama. Yun daw ang dapat kong isuot kasi kailangan daw. Sumasakit na ng ulo ko sa kakaisip kung saang lupalop ako ng earth dadalhin ng nanay ko eh. Di kasi ako magaling sa hulaan eh. Pagkasuot ko ng heels pumunta ko sa full-mirror namin at tiningnan ko yung hitsura ko. Baka kasi magmukha akong tanga sa suot ko eh. Pero nung nakita ko yung reflection ko. Napa'Wow nalang ako. Hahahaha! Maganda pala ko kapag nadamitan ng ganito? Hahaha. Umikot ako sa harapan ng salamin sabay ngiti sa reflection ko.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon