CHAPTER 9

67 3 0
                                    

[ Keila's POV ]

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama yung tatlong bruha (Haha! Sorry medyo hard. Masanay na kayo saken XD). Sila kumakaen pero ako nakatulala. Iniisip ko kasi kung pupunta ba ko sa gym after class or hindi. Napansin ko namang napatigil sila sa pagkaen kaya naman napatingin ako sa kanila na nakatitig sakin.

"B-bakit kayo ganyan makatingin?" Tanong ko sa tatlo. They all shrugged and kumaen ulit. Ts! Anong problema nila? Nagulat naman ako nung bigla akong tinawag ni Glicelle.

"Bessy!"

"Oh?"

"Bakit di ka pa kumakaen? Mamaya magt-time na."

"Di ako naguhutom bessy." Sabi ko sabay hinga ng malalim. Napansin naman nila Jenn and Chiara kaya napatingin na naman sila

"Hoy, girl! Anong problem mo?" Chiara asked.

"Ha? W-wala. B-bakit?" Tanong ko naman. Di kasi nila alam yung about kay Bryce. Even Glicelle. Ayoko lang na ikinukwento yung past ko. Alam kong kapag ginawa ko yun aasarin lang nila ako.

Maya-maya nag-bell na kaya tumayo na kami and nagpunta na sa room namin. Nung makarating kami sa room nakita ko si Daryll. Nalatingin ako sa kanya pero nag-smirk siya. Luh? Ano naman kayang problema nun? Magkaibigan nga sila. Pero nagtataka naman ako bakit wala si-- Naputol yung pag-iisip ko ng bigla bumukas yung pinto kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Bakit ganun yung mukha niya? Para siyang lasing? Or whatever . Hay. Bakit ko ba siya iniisip! Umupo na lang ako sa upuan ko(malamang naman. haha) and saktong biglang dating ni Mr. Chumacera. Math teacher namin.

"Okey lang. Let's start ou lesson." Nag-start na siyang magturo. Pero ako nakatingin lang sa kanya para kunware nakikinig pero ang totoo lutang yung isip ko. Di ko pa rin kasi alam kung pupunta ba ko sa gym mamayang uwian.

Sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan na second subject na pala. Di ko manlang narinig tumunog yung bell. Iba na kasi yung katabi ko eh. Nag-sitting arrangement kame. So lalake yung katabi ko. Di ko naman close kaya di ko makausap. Mukhang busy rin siya sa pagbabasa eh. Kaya eto ako. Nakatanga. Hanggang sa natapos yung next subjext namin ng wala akong naintindihan kahit ano.

"Bessy!" Hayyy. Ano bang gagawin ko? Pupunta ba ko mamaya or hindi? Naman oh!

"Keila.. Bessy!" Lord! Please, give me a sign. Di ko alam kung kaya ko ba siyang kausap--

"KEILA EURIKA JANINE MENDOZA!!"

"Ay nanay!" Naputol yung pag-iisip ko ng bigla akong sigawan ni Glice. At sa tenga pa talaga ah!

"Ano bang problema mo? Bakit kelangan manigaw?" Inis kong sabi sa kanya.

"Haleeerrr! Kanina pa po kitang tinatawag pero di mo ko naririnig eh! Kaloka bessy! Kelan ka hulingnnaglinis ng tenga mo?" Pang-aasar niya sakin.

"Sorry naman.. May iniisip lang." Palusot ko

"At ano na naman yan ha? Suuus! Sino? Si Step--" Tinakpan ko yung bibig niya. Aish! Bakit naman siya nadamay dito? Ay naku Glice. Kung alam mo lang.

"Ano ba! Baka mamaya may makarinig sayo eh. Ma-bully pa ko. Sshhh! Tsaka bakit naman siya napasama sa usapan eh hindi naman siya yung iniisip ko."

"Eh ano nga ba kasing iniisip mo?"

"WALA. OKEY?"

"Wala okey ka diyan! Kakasabi mo lang na may iniisip ka. Ay ewan ko sa KEJ MENDOZA!" Yan yung tawag niya sakin kapag gusto niyang sabihin yung buong pangalan ko kapag naiinis siya! Haha. Sa sobrang haba yan na lang yung sinasabi niya.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon