CHAPTER 12- Sky Monster's Bestfriend

60 2 0
                                    

[ Daryll's POV ]

Last subject na namin pero walang teacher. Kaya lumabas na lang ako para hanapin yung babaeng yun. Kanina ko pa siyang hinahanap para kausapin dahil sa nangyari kagabi. Gusto ko lang mag-sorry sa kanya dahil sa kanya ko nalabas yung galit ko sa Ex ko. Yung kwarto kasi na yun. Kwarto yun ni Kiezl. Pero ayaw ni Mommy sa kanya dahil sa ugali niya. May pagka-maldita kasi masyado si Kiezl. Pero di niya kayang sungitan si Mommy. At kaya ako bumili ng sarili kong condo para dun kami ni Kiezl. Pero wag kayong mag-isip ng kung ano. Dahil di ko gagawin sa kanya yung iniisip niyo.

Pero ayun nga. Iniwan niya ko sa ere ng walang pasabi. Umalis siya ng di nagpapaalam sakin. Umalis siya ng di ko alam kung kami pa ba. Tapos nung nakita ko siya sa mall. May kasama na siyang iba.

Ano ba yan bakit ko ba iniisip yung Kiezl na yun! Hahanapin ko pa si Keila. Nakasalubong ko yung kaibigan niya. Nakalimutan ki yungbpangalan eh pero pamilyar sakin yung mukha niya. Kaya tinawag ko siya.

"Hey."

Lumingon naman siya sakin..ng nagtataka? Whatever.
"Yes?"
"Did you see your friend?"
"Sino?"
"Si..Keila."
"Diba classmates kayo?"
"We have no class. Kanina pa yung wala eh. I just thought na alam mo kung nasaan siya?"
"Hindi ko din alam eh. Maybe she's with Glicelle."
"Okey. Thanks."

Aalis na sana siya pero tinawag ko ulit siya.
"Hey. Wait! What's your name again?"
"Chiara."
"Ok. Thanks Chiara. I'm Daryll." Then i offer my hand to her. Inabot naman niya for shakehands.
"I already know you. Okey. Gotta go. Bye!"

After that umalis na siya.

Bumaba na lang ako papunta sa parking lot para umuwi. Medyo masama rin kasi yung pakiramdam ko kanina pa. At baka nauna na siyang umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto niya pero wala siya dun. Kaya pumunta na muna ako sa kwarto ko para magbihis at humiga muna ko sa kama ko.

Maya-maya biglang may kumatok sa kwarto ko. Di ko yun pinansin dahil kanina pa kong nahihilo.

"Sir Daryll, ready na po yung dinner." Sabi nung maid pero di ako sumagot. "Nga po pala sir. Sabi po ni Mam Meryll baka daw po gabihin siya ng uwi kaya daw po wag niyo na siyang hintayin." Pagtutuloy nung maid.

Maya-maya narinig kong bumaba na siya. Kaya lumabas na ko sa kwarto ko.

Papunta na sana ako sa dining area nung biglang may napansin akong sasakyang tumigil sa tapat ng bahay ko. Imposible namang si Mommy yun. Kasi sabi nung maid mamaya pa siya uuwi. Kaya pumunta ko sa may gate para tignan kung sino yun peronarinig ko yung boses ni Keila.

"Salamat talaga Step--" Naputol yung sasabihin ni Keila nung magsalita yung kasama niya.
"Jacob. Call me Jacob" Sabi nung kasama niya. Sumilip ako sa mau gate para tingnan kung sinong kasama niya. Pagsilip ko nakita ko si Stephen. Teka? Bakit Jacob ang sinabi niya kay Keila?

Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Jacob. Except for Merely. Si Merely lang ang pwedeng tumawag nun kay Stephen.

Wag niyang sabihin sakin na may gusto na siya kay Keila?

Narinig kong nagsalita ulit si Keila.

"Ha? O-okey. Jacob. Salamat ulit. See you bukas."
"Thankyou din sa time. See you tomorrow, Janine."

Nakita kong nag-wave pa si Keila sa kanya.

Maya-maya bumukas yung gate at nakita kong nagulat siya nung makita akong nakatingin sa kanya ng masama.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon