CHAPTER 11

45 2 3
                                    

[ Keila's POV ]

"T-t-teka..b-bakit?" Sabi ko ng nauutal pa. Pero di siya sumagot at mas nilapit niya pa yung mukha niya hanggang sa..... O.O

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!" Dahil sa ginawa niya napasigaw ako at bigla ko siyang natulak. Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto ko and nakita ko si tita Meryll na nakatingin sa min. Halatang nagulat din siya nung makita niya si Daryll sa kwarto ko.

"Daryll. What are you doing here? Keila. Bakit ka sumigaw? May ginawa ba sayo si Daryll?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Meryll sakin at kay Daryll. Di naman ako makasagot kaya biglang nagsalita si Daryll.

"I just get this." Bigla niyang tinaas yung hawak niyang picture frame? Teka? Picture ng babae? Sino kaya yun? Hm.

"What's that?" Tanong ni Tita kay Daryll.

"A picture frame?" Sagot niya. Then iniharap niya kay tita yung picture nung babae.

"I thought you've already moved on to that stupid girl. Huh Daryll?" Sabi ni Tita na nag-iba yung aura niya. Sa boses na pagtatanong ni Tita. Halata mong ayaw niya sa girl para kay Daryll. Bakit kaya?

"Mom. Di siya ganun kadaling kalimutan." Inis na sabi ni Daryll. Habang nagsasagutan silang dalawa. Ako pabalik-balik lang ng tingin sa kanila. Titingin kay Daryll then kay Tita then kay Daryll ulit.

"Forget about her. I don't like that girl. You know me Daryll. Alam mo ang mangyayare kapag di mo ko sinunod" Sabi ni Tita then bigla na lang siyang lumabas ng kwarto at naiwa  kami ni Daryll sa loob. Walang umiimik sa ming dalawa. Napatingin na lang ako sa kanya nung magsalita siya.

"Psh! Bakit kasi kelangang sumigaw =____=" Waaahhh. Nakakatakot yung tingin niya. Feeling ko masusunog ako sa titig niya sakin. Di nalang ako nagsalita at napatungo na lang ako. Naramdaman kong naglakad siya palabas ng kwarto ko. And nagulat ako nung bigla niya padabog na isinara yung pinto. Luh? Anong problema nun? -___-

===

Nandito na ko sa school ngayon at kasalukuyang naglalakad papunta sa room namin. Nag-commute ako papunta dito. Eh kasi diba nga galit pa rin sakin si Sky dahil napagalitan siya ni Tita Meryll. At ako lang naman ang sinisi niya dahil sa pagsigaw ko kagabi. Tapos nung tinanong ko kanina sa maid nila kung nasan siya. Ang sagot nung maid nila sakin nakaalis na daw siya. Ts! Kasalanan ko ba kung napasigaw ako at natulak ko siya kagabe? Eh ang akala ko kasi hahalikan niya ko eh. SAYANG -___- Wait, what? ERASE. ERASE! Kadiri >.<

Habang naglalakad ako biglang may bumunggo sakin. Di ko napansin kung sino kasi nakatingo ako eh. Kaya nung mapatingin ako sa kanya at magsasalita na sana. Bigla akong natakot.

"Oh? Look who's here!" Sabi ni Rissa De Vera. Ang leader ng grupong 'Bad Girl Society'. Naku naman!! Bakit nagyon pa kung kailang wala si Chiara or si Jenn, or si Bessy! Bahala na nga.

"A-a-nong kailangan niyo?" Sabi ko sa kanila na nakangisi sakin at naka-cross arms pa.

"Wala naman Commoner! I just want to ask you something." Sabi niya sakin habang naglakad at inikutan ako. Yung parang tinitignan niya ko mula ulo hanggang paa na umiikot. Ano ba toh. Talo ko pa yung inaapi sa telenovela. Wait? Api agad? Wala pa naman silang ginagawa sakin. Ahm or yung parang ako yung bida tapos siya yung masamang kontrabida? TAMA.

"A-ano yun?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko ng maglahong parang bula. NGAYON NA! T^T WAAAAAHHHH. Chiara? Nasaan ka na ba?

"Totoo ba yung bali-balita dito sa campus na kasabay mo daw si Daryll kahapon?" Yung tingin niya. Nakakatakot. Haysss! Ang bilis talagang kumalat ng balita. AT ang daming chismoso at chismosa sa school.

Ms. Commoner Meets Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon