CHAPTER 49: Tinalikuran

720 12 2
                                    

CHAPTER 49: Tinalikuran

>>>

(Yelaena's POV)

Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing inihanda nila. Kahit na plinano nila yung pagpapatulog sa akin kanina ay ayos lang. Magkatabi sina Yarzell at Patrick na parang walang nangyari sa kanila. Nasa pagitan naman nina Merwin at Jake si Yhannie.

Nang mabusog kami ay saka sila nag-aya na pumunta sa tabing dagat at gumawa ng maliit na bonfire. Naglaro kami, nagkantahan, nagsayawan habang panay ang pasa ni Merwin ng kani-kaniya naming shots.

Kaya mabigat ang ulo ko nang magising kinabukasan. Hindi naman madami yung nainum ko pero ganito pa rin ang pakiramdam ko. Nag-almusal kami saka namin napagdesisyunang maglaro ng volleyball para magpapawis. Ilang sandali pa'y nag-aya si Patrick na mamangka patungong Bato Tabao. Na-excite naman kami sa kaisipang iyon.

Iniisip kong puro bato ang madadatnan namin sa Bato Tabao. Eto yung malaking batong nasa gitna ng dagat. Pero hindi bato ang bumungad sa amin kundi mga corals. Nagkalat ang mga starfish na kulay pula at asul, gayundin ang mga tubig-ahas na stripes ang balat at makulay. Nagpa-picture lang kami doon, kaunting tampisaw at ilang sandali pa'y umalis rin kami.

Naglibot pa kami sa ilang parte ng isla bago bumalik doon sa resort. Pagsayad pa lang ng bangka sa pampang ay binasa na kami ni Merwin. Wala na kaming magawa kaya naligo na kami ng tuluyan. Umahon lang kami nung mataas na ang sikat ng araw dahil masyado na itong masakit sa balat.

Ngayon lang ako naging sobrang saya sa bakasyon ko. Tuwing summer kasi ay umuuwi si Mama at si Lolo rito sa Pinas. O di kaya'y ako ang papapuntahin sa Paris at ililibot ako sa kung saan-saang bansa. But it's not a vacation still dahil business pa rin ang pakay nila roon. Mabuti na lang naiba ngayon.

"Nag-enjoy ka ba?" Justin asked me when we walk towards the cottage.

"Oo naman. Mas lalo kagabi na-surprise talaga ako."

"That was their plan anyway. Gutom ka na?" tumango ako at iginiya sa isang upuan.

Sinulit namin ang buong maghapon na masayang magkasama. Gayundin naman ang mga kaibigan namin. Alas singko ng hapon kami umalis roon. Dahil sa pagod ay natulog lang ako sa byahe namin. Pagkatapos ng mahabang oras ay nakarating na kami sa bahay. Hinatid lang ako nila Justin at saka sila umalis.

Bigla akong kinabahan pagpasok ko ng gate namin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakaramdam ng ganito. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babaeng hindi ko inaasahang dadalaw sa bahay ko.

"Good evening Miss Yelaena. Where have you been?" hindi ako tumugon sa tanong niya.

Tuesday pa lang ngayon ah? Mukhang advance naman ata ang pagdadala nila sa akin ng groceries ko? Ipinakibit-balikat ko lang ang kaisipang iyon at dederetso na sana sa hagdan pero napigilan ako sa sinabi niya.

"I already sent your things to the mansion, Miss Yelaena. Hinintay ko lang po kayo para sabay na tayong pumunta roon."

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon