CHAPTER 41: Possessive Boyfriend and Jealous Girlfriend

1.1K 19 6
                                    

CHAPTER 41: Possessive Boyfriend and Jealous Girlfriend

>>>

(Yarzell's POV)

Matapos niya akong hilahin palayo sa mga kaibigan ko at madala sa lugar na walang masyadong tao ay saka lang ako nagpumiglas. Sa klase ng tingin ni Yena kanina malamang ay nakakahalata na siya kung bakit hindi ako umangal na sumama sa lalaking ito. 

Haish. Hindi pa ako handang magpaliwanag sa kanila kung bakit at paanong nangyari ito.

"Ano ba? Nakakasakit na ha." tiningnan niya ko siya ng masama at ganun din siya sa akin. Kainis! Bakit ang gwapo niyang tingnan sa sando niyang suot at beach short. Hmp!

"Kung nagpapasalamat ka na lang sana eh di walang problema."

"Bakit mo ba kasi ako binigyan non? Eh hindi naman ako nagsusuot ng ganun!"

"Kelangan mong isuot yun."

"Kasama ba sa usapan natin yang sinasabi mo?"

"Oo. I'm your boss so follow me."

"Hindi ko gets ang logic, duh?"

"Just follow my rules okay? Humanda ka na mamaya pag kaharap na natin si Kate."

"Pwede bang wag tayong masyadong showy? Yung tipong walang physical contact? Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko so-"

"Paano siya maniniwala kung walang physical contact? Neither my friends knew about this set up between us."

"Psh. Bakit kasi sa dinami-dami ng babaeng mapeperwisyo mo eh ako pang napili mo?"

"Well, you should be thankful at nalalapitan mo ako. Nakakausap, may physical contact and in short instant boyfriend. Just so you know na mailap ako sa mga babae. Maswerte ka."

"Correction. Fake boyfriend at hindi instant. Duh? Malas kamo."

"Ahuh? At isa pa... Malayo ka sa ideal girl ko at impossibleng mainlove ako sa'yo kaya ikaw ang napili ko."

"Whatever!"

Naguluhan ba kayo sa eksena namin? Ako din eh! Sa sobrang bilis ng mga pangyayari umayon na lang din ako. At akalaing mong naging instant boyfriend ko kuno ang isang to? Psh lang ha! Psh lang talaga.

Kasi naman. Sa sobrang dami ng pwedeng makatuklas ng pagkahumaling ko kay Reid eh siya pa? Nasabayan pa ng pagkatalo ko sa pustahan namin nung friendly game sa basketball nina Justin at Jinno nung nakaraan. Haay, pag minamalas ka nga naman oh, sagad-sagad eh!

Kahit sina Yhannie at Yena ay walang alam tungkol sa pagkagusto ko kay Reid. Hindi ko rin kasi pinapaalam sa kanila. Kasi alam naman naming may girlfriend na yung tao. Kahit na ba hindi namin ka-schoolmate si Nadine eh kilala namin siya. Oo si Nadine Montealegre. Yung sikat na model ng Bench. Minsan na niyang naipakilala ito sa amin at sobrang nakaka-starstruck talaga! Wala akong sinabi :3

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon