CHAPTER 13: WUAAP

1.4K 17 5
                                    

Chapter 13: WUAAP

(Patrick's POV)

"Hey dude! Mukhang ganado ka ata ngayon magpraktis ah?"

Tanong ko kay Justin nung makapahinga kami.

Kanina ko pa kasi napapansing nakangisi sya at ganadong ganadong maglaro ng basketball.

Parang championship na ang labanan kung makapagrelease ng mga moves. Anu kayang nakain nito?

"Nothing. Namiss ko lang maglaro. It's been a while."

"Nah, tell me. What happened?"

Ako pang lolokohin nito eh nung kailan lang masama yung mood nya dahil sa text ni Curst---

Basta nung time na yun hindi sya okay. Tapos ngayon ganadong ganado?

"Pffft.. hahahahahahahhaha."

Halah, bakit bigla namang tumawa to? Weird. =__=

"Sige lang Dude. Tuloy mo lang yan aalis mu-- Aray naman Justin!"-Loko talaga tumatawa lang kanina tapos ngayon biglang naging angry bird? May pagbatok pa. Tsk.

"Loko ka ah, Bakit mo ko iiwanan dito? Tsk.."

"Eh, panu tinanong kita kung anong nangyari bigla ka na lang tumawa dyan?"

"Pffttt. Hahahhaha Nakakatawa lang kasi dude. Ahahaha"

=___= sige Go justn. Magchecheer pa ako sa'yo. Karirin mo yan huh. Tsk.

"Hahaha Ganito kasi yun dude. Pfft."

***Flashback***

(Justin's POV)

After ko magwalk out sa kanila umalis ako.

Pumunta ako sa lugar na kung saan mailalabas ko yung bitterness ko. Gay. Tsk.

Nung ma-release ko na yung galit ko nakaramdam ako ng pagkauhaw.

Naisip kong pumunta ng mall para magpalamig.

At baka sakaling makita ko din dun si Soda Girl. She's amazing. Tsk. Yeah. Whatever.

Hindi nga ako nagkamali nakita ko sila. Naghehesitate pa syang pumasok sa convenient store nung una.

Siguro naalala nya din yung ginawa nya sa soda ko.

Shock ako at first. Pero sobrang natatawa ako nung naulian ako. Pinigilan ko lang.

Nung umalis sya, humingi ng dispensa sa akin yung mga kaibigan niya.

And by this time na nakita ko uli sya, babawian ko naman sya ngayon.

Gusto ko uli makita yung epic niyang itsura ahaha. Mean.

"Sabi sa'yo Bebesh eh. Imposibleng magkita uli kayo dito."

Narinig kong sabi nung nakasagutan ni Patrick sa Ladies' Shoes Section nung araw din na yun.

"Maliban na lang Bebesh kung gusto mo talaga syang makita tutulingan ka namin sa paghahanap sa kanya.Tara, sugudin natin sya!"Haha sugudin daw eh andito na nga ako eh. Tsk. Ang cute naman nito.

Ngumiti lang yung babaeng nakabungguan ko. Nung palabas na sila ng store sinadya ko syang bungguin.

Mabuti na lang at hindi sila nakatingin nun kaya hindi hallatang sadya ko yun.

Natatawa ako sa itsura niya. Gulat. Takot. Hiya. Asar. Ahahaha Epic talaga. Amazing Girl.

Kinuha ko yung soda niya. Ginawa ko yung ginawa niya sa akin last time.

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon