CHAPTER 50: Guess what

699 10 2
                                    

CHAPTER 50: Guess what

>>>

(Yelaena / Peneloppie's POV)

Hindi ko mawari kung anong iniisip nina Curstein, ng mama ni Justin at ng mama ni Merwin. Ngunit isang emosyon lang ang siguradong nakita ko sa mga mukha nila. Hindi maikakailang nabigla sila. Marahil ay hindi nila inaasahan ang totoong pagkatao ko. 

Halos nanginig naman ang tuhod ko nang makita siyang tinalikuran ako. Mabuti na lang at nasa tabi ko pa rin si Jinno para alalayan ako. Hindi ko maiwasang masaktan sa ginawa niya. Naisip ko tuloy, paano pa kaya kung malaman niyang ako si Peneloppie? Mas masakit iyon. But I can't blame him.

Muli kong binaling kina Yhannie at Yarzell ang aking paningin na tila humihingi ng saklolo. Panay naman ang iling ni Merwin samantalang sina Jake at Patrick ay sumunod agad sa umalis na si Justin. Gusto kong sumunod din sa kanya para magpaliwanag pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Panay ang click ng camera sa gawi namin kahit tapos na ang big surprises ni Lolo.

Yeah, I'm really surprised and I hated it.

Nang magkaroon ako ng chance para mapag-isa ay tinext ko agad siya at tinawagan. Pero hanggang sa natapos ang party at pauwi na kami ay hindi niya pa rin ako sinasagot. Ayaw niya akong kausapin. I bet he's mad and it's my fault. Nung biglang magbeep ang cellphone ko'y inakala kong siya na iyon. Ngunit hindi pala.

From Bebesh Yarzell:

Nandun sila sa bar nila Merwin. He's almost dead and mad and hurt. Sabi ko kay Patrick iuwi na niya.

Panay ang buntong hininga ko sa pagbasa ng text ni Yarzell. Gusto ko siyang makita. Gusto kong magpaliwanag. Agad ko siyang nireplayan.

To Bebesh Yarzell:

I wanna see him so badly. He rejected my texts and phone calls. Anong bar yun?

From Bebesh Yarzell:

You sure? Papayagan ka pa bang lumabas?

Mabilis niyang reply sa akin. Tumigil ako sandali sa pagpindot ng cellphone ko at tumingin kay Mommy na nakahilig na ang ulo sa may front seat. Umabot ang tingin ko sa kotseng nasa likod lang namin kung saan nakahilig na rin si Lola Yoly kay Lolo Henry. Muli kong pinagtuunan ng pansin ang pagtetext.

To Bebesh Yarzell:

I'll escape. Where exactly?

From Bebesh Yarzell:

We'll go with you. Just inform us kung nakauwi na kayo.

Nabuhayan ako ng loob dahil kahit papaano'y suportado pa rin talaga kami ng mga kaibigan ko. May parte rin sa isip ko na nagsasabing gamitin ko si Peneloppie. Kaya pagdating sa bahay tinext ko agad sina Yhannie at Yarzell. Nagbihis lang ako sandali at nagdala rin ako ng gamit ko para kung sakaling kailanganin ko si Peneloppie ay wala akong problema.

Sinabihan ko rin si Yarzell na i-inform niya si Patrick na pupunta kami doon pero wag niyang ipagsasabi. Baka kasi magpumilit ng umuwi si Justin pag nalaman niya iyon. Pinakiramdaman ko ang buong mansion. Dahan-dahan ako sa paglalakad at sinisiguradong walang magagawang ingay.

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon