CHAPTER 25: Here Comes Peneloppie

1.2K 17 0
                                    

 CHAPTER 25: Here comes Peneloppie

>>>

(Justin's POV)

I don't care about the deal.

I just care about her. And her alone.

Andami na niyang injury sa game na ito. She had sprain too. Tss

So much for her dumbness!

Ayokong isipin na kaya niya gustong ipapanaalo ang laban na ito ay dahil sa pustahan nila ni Curstein.

Shit! Kung alam ko lang na mangyayari sa kanya ang mga ito, pumayag na lang sana akong makausap ni Curstein.

Hindi na sana nasaktan at nasugatan si Yena.

Sobrang nag-alala talaga ako nung nagdive sya sa home base plate para lang maka-score kaso nabangasan naman ang sarili.

Malala na 'tong Soda Girl na 'to! Tapos kinokonsensya pa ako. Naman oh!

Nung nalaman niyang hindi sila nanalo mas lalo lang niya akong hindi pinansin.

Muntik pa nga niyang hindi siputin yung awarding ceremony. Mabuti at nakumbinsi rin siya ng mga kaibigan niya na sayang yung Best Batter na award niya.

Nag-alok pa ako sa kanyang ihahatid ko na siya sa kanila dahil sa kalagayan niya kaso nagmatigas pa. Ang hirap pala suyuin nun?

Hindi pa ako halos nakatulog kagabi. Naiisip ko yung labi niya. Shit! Hindi lang naman siya yung nahalikan ko pero bakit--- argh! Ano ba tong nangyayari sa akin? Normal pa ba ako?

Dahil natutuliro ako pumunta akong mall. Gusto kong mapag-isa kaya hindi ko inaya ang Quadro Boys.

Naglalakad lakad lang ako kung saan saan hanggang sa makarating ako sa convenient store na una naming pinagkakitaan.

Luminga-linga ako bago ko tuluyang kunin yung soda sa ref. Hawak-hawak ko siya habang naghihintay sa mahabang pila.

Pagtingin ko sa harap inakala kong siya yung babaeng malapit sa counter. Nagulat pa nga siya nung hinawakan ko yung braso niya.

"Oops! Sorry miss."tumango siya at bahagyang ngumiti.

Hanep na yan! Siya na naman naiisip ko? Malala na ata talaga to!

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon