CHAPTER 3: I Hate Surprises. (Period)

2.4K 38 7
                                    

CHAPTER 3: I hate surprises! (Period)

(Yhannie's POV)

Nakita ko si Yena na nagpapalit na naman ng sim card doon sa isang cellphone nya.

Ganyan yan kapag Mission Accomplished na.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba syang nagpalit ng sim.

Kung ilang misyon na din yung tinanggap nya.

At syempre, kung ilang libo na naman yung presyo nya.

Kahit hindi namin gusto yung ginawa nya sa sarili nya wala naman kaming magawa ni Yarzell.

Pero okay lang din naman yun kasi hindi naman sya nakikilala eversince dahil sa disguise nya.

Na sya si Peneloppie-The Best Third Party For Hire.

Hindi namin alam yung totoong nangyari sa kanila ni Dave 2 years ago.

Hinintay namin syang mag-open ng tungkol doon pero never nangyari.

Alam namin kung gaano sya nasaktan noon.

Ayaw pa nga sana nyang makipagkita sa amin.

After nung araw ng First Monthsary nila hindi na sya pumasok.

Nabalitaan na lang namin bumalik na sya sa mansyon nila.

Nakakapagtaka lang na bumalik sya doon nang hindi pinapaalam sa amin.

At dahil doon hinala namin na may kinalaman kay Dave yung pagbalik nya doon.

Ilang araw din kaming pabalik-balik ni Yarzell sa mansyon nila.

Pero ayaw daw muna kaming makita ni Yena.

Nagpalipas kami ng ilang linggo.

Pagbalik namin paalis na sya papuntang Paris.

Pinigilan namin syang umalis. Pero nagulat kami nung umiyak sya habang yakap-yakap kami.

Hinayaan namin sya sa ganoong sitwasyon.

Pumunta pa din sya ng Paris dahil gusto nya daw munang magbakasyon.

Akala namin hindi na sya babalik. Buti na lang napilit pa din namin sya.

Pero lumipat na kami ng school.

"Earth to Yhannie Hellooooo????"-sabi ni Yarzell with matching kaway ng kamay sa mukha ko.

"Lalim natin bebesh ah."-si Yena yan. Kanina pa sya nakapagpalit ng sim.

"Hindi naman. May naalala lang ako."-Alibi ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako ng hindi kapani-paniwalang look.

"Kamusta yung date mo kagabi?"-Pag-iiba ko.

"The usual. Nothing extraordinary. But I had fun. Haha kung nakita nyo lang yung istura ni Stephen at nung babae nya. Tsk stupid."

Yan palagi yung sinasabi ni Yena. Sa dinami dami ng naging misyon nya never pa syang nasatisfied.  Lagi daw may kulang.

"What about the price?"-tanong naman ni Yarzell.

Imbis na magsalita, iniharap nya yung kanang pisngi nya.

Pero mas nakakagulat nung hinarap nya pati yung kaliwang pisngi nya.

"Whoah, Ikaw na Yelaena Fortaleza! Ikaw na talaga!"-amaze na wika ko. Hindi ko akalaing dalawang pisngi yung ipapasampal nya. So meron syang 100K kagabi? Tsk. Tsk.

"At dahil dyan, treat ko kayo mamaya :)"-ngingiti-ngiting sabi ni Yena bago magring yung bell.

(Yelaena's POV)

That bitch!

Huh! Hindi porke nasampal nya ko ng kaliwa't kanan eh tagumpay na sya.

Tsk. Hindi nya alam yun pa lang ang umpisa ng laro.

I didn't expect it too, honestly. Nasurprise din ako sa ginawa nya ha.

Para kasing hindi sya palaban. Mali pala ako ng estimate sa kanya.

Pero thank you na rin sa kanya dahil may 100K ako.

Yun nga lang hindi ko sya matitreat. Like duh? Hindi ko sya friend. Pinaghiwalay ko nga sila diba?

Poor Marielle. Nawalan na nga ng boyfriend, nalagasan pa ng 100K.

Ooopps, wala sa usapan yung papabalikin ko sa kanya yung bf nya.

Kasi choice na yun ni Stephen noh.

Ang usapan lang paghihiwalayin ko yung dalawa.

Napaghiwalay ko naman ah.

Hindi nga lang bumalik. hahahaha!

And worst, mukhang nag-enjoy yung Stephen na yun.

Feeling gwapo eh. Mabuti na lang daw inagaw ko sya. tsk tsk.

Well, it ended last night.

Pagpasok ko sa room, agad kong tiningnan si Marielle na nakatingin mismo sa akin.

Nagulat ako nung papunta sya sa direksyon ko.

"Hey, nerdy girl! Masaya ka na ba ha? Siguro pinagtatawanan mo na ko ngayon noh? Pero tandaan mo ito, magkakaboyfriend uli ako. HAHA Ikaw kelan?"-minamata na naman ako ni Marielle na to.

Tiningnan ko lang sya sa mata.

Nagsukatan kami ng tingin actually.

Aalis na sana sya pero. . .

"Oh, Really?? Wow! Goodluck Marielle..." Nakangiting sabi ko. "And Condolence as well"-Laglag ang panga niya at inunahan kona syang magwalk-out...

Una-unahan lang yan pag may time. Nasa akin pa din ang huling halakhak HAHAHAHA :)

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon