CHAPTER 39: I'm Yours

1K 13 6
                                    

CHAPTER 39: I'm Yours

>>>

(Yelaena's POV)

Hindi ko na alam kung saan nanggaling yung mga luhang parang gripong kumawala sa mata ko. Ito na ba yung hangganan? Hanggang dito na lang ba? Totoo bang suko na sya sa akin? Bakit...bakit ngayon pa kung kelan magtatapat na ako sa kanya?

Huli na ba ako?

Nagulat ako nang hawakan ako ni Jinno sa kamay at iginiya palabas sa mga matang kanina pa pala tumutuligsa sa akin. Masaya siguro sila dahil narinig mismo nila kung paano akong pinakawalan ni Justin. Ang mali ko lang ay ipinakita ko agad yung kahinaan ko.

"Stop crying Yena. Sumakay ka na bago pa lumakas ang ulan." tumalima naman ako sa sinabi niya. Sumakay ako sa pintuang ipinagbukas niya sa akin. Umaambon na nung mga oras na yun. Mukhang nakisabay sa akin ang langit.

"Iuwi mo na ako Jinno." wika ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

Gulong gulo ang isip ko ngayon. Hindi ko inaasahan yung sanabi niya, yung naging desisyon niya. Akala ko ba okay lang sa kanya na magkasama kami ni Jinno? Akala ko hindi na siya basta-basta magseselos dito? Bakit tila taliwas sa naging reaksyon niya ngayon? May nagawa ba akong nakapagpasama ng kalooban niya? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?

Bumalik ako sa kasalukuyan nang huminto ang sasakyan niya. Bakit sa lugar na ito? At anong ginagawa namin dito? Magtatanong na sana ako subalit sinagot na niya agad ang nasa isip ko.

"Gusto kong maging fair Yena. Sinabi mo sa aking friends lang ako pero ang nararamdaman mo para kay Justin ay hindi. I told you yesterday right? Let him know. Para walang regrets. Say it, do it." aniya.

Sinalubong ko siya ng mga matang puno ng mga tanong. Bakit niya ginagawa ito? Sinaktan ko siya not only once but twice. But he's so kind still. At heto ay tinutulungan pa ako.

"Alam kong dito siya pupunta so you have this chance for you to let him know. Don't waste it." inabot niya yung lock at binuksan ang pintuan sa gilid ko.

"T-thank you Jinno." maraming dahilan ang pagpapasalamat ko sa kanya. Nahihiya man ako pero alam ko malaking tulong ang ginawa niya ngayon.

"Don't mention it. C'mon bumaba ka na. Baka magbago pa isip ko though I'm sure your Devil Prince is waiting." aniya at saka mapaklang ngumiti. Tumango lang ako at saka bumaba.

Hindi ko na kailangang tanungin sa kanya kung bakit niya alam ang lugar na ito nina Justin at Curstein. Ang mahalaga ngayon ay masabi ko na kay Justin yung talagang nararamdaman ko. Ayokong masayang yung effort na ginawa ni Jinno para sa amin. It's now or never! Bahala na si Batman kung anong kalalabasan ng pagtatapat ko.

Naabutan ko siyang sumisigaw at pinagsisipa yung batong upuan doon. Medyo lumalakas na ang ulan. Maya-maya pa'y lumuhod siya at yumogyog ang mga balikat. Mula rito'y dinig ko ang mabining hikbi niya. Parang nahabag ang puso ko sa nakikita kong ginagawi niya.

The Third Party For HIRE [~Book 1 COMPLETED~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon