After class, I immediately went back to my condo to change before going to our mansion. I was already notified by Dad's secretary that our family driver will be outside my condo later. I fixed some school papers because I barely listened to my professors and I barely started organizing my thought for our next fashion week project. I need to get a hold of myself I can't disappoint myself, especially other people.
Ang supposed dinner naming magkakaibigan ay hindi ko sisiputin. Sobrang thankful ako sa mga kaibigan ko na kahit alam ko na gusting gusto na nila akong sabunutan dahil wala nanaman ako sa dinner date naming ay pinili pa rin nila akong intindihin. I badly want to go because every dinner date lang kami nakukumplento. I miss Tianna.
Sa labas pa lamang ng bahay ay damang dama ko na ang hindi ko matukoy na aura. Napapikit na lamang ako ng mata hangang sa tumigil ang sasakyan sa bungad ng main double door namin. Napatingala na lang ako at napatingin sa pattern ng pinto. Pagkapasok ko ay parang akong mabibingi sa katahimikan.
Ganon pa rin ang loob ng bahay. Tahimik at malinis. Walang bakas ng kahit anong mantsa ang makikita sa makakapal na kurtina.
I used to hide in our curtains before pag naglalaro kami ng tagutaguan. Halos ayoko ko ihakbang ang mga paa ko sa grand staircase namin. Parang bawat hakbang ko ay mababalik ako sa nakaraan. Parang sa bawat hagod ng mga mata ko sa mga sulok ng bahay naming ay parang nakikita at nadadama ko lahat ng masasayang alaala. Hindi ko mapigilan pangiti, ngiti na may kasamang pangungulila.
But just like what everybody says we need to move, even a small progress is still a progress. Sinadya kong huwag madako ang mga mata ko sa family room kung saan lahat na ata ng masasayang alaala ko noon ay doon nabuo.
Ang napakalaking office door ni dad ay isa sa mga kinakatakutan ko simula noon hangang ngayon. Ewan ko ba pero pakiramdam ko pag pumasok ako sa loob ay magbabalik lahat ng katotohanan at nakaraang pilit kong tinatabunan. Naabutan ko ang nakatalikod na isang lalaking tuwid na tuwid ang postura at nakasuot pa ng itim na tuxedo. Hindi mo mahahalata mula sa likod na may edad na ang daddy ko dahil napanatili nito ang kakisigan taglay. Ang mga buhok nito'y ay may bahid na ng kulay puti ngunit kahit nakatalikod at alam na may edad na ay ramdam na ramdam mo pa rin ang prisensya niyang hindi mo mapangalanan.
"Dad.."
Hindi niya tinigil ang ginagawa niyang paghahanap ng kung ano sa bookshelf niya. Sa likuran ng office table ni dad ay mga libro. Sinadya ni dad na ang buong dingding na iyon ay gawing bookshelf dahil mailig siyang magbasa.. Nakapalibot sa isang pabilog na lamesa ang apat na kulay brown na single couch habang kitang kita sa malaking bintana ang garden
Kanina pa ang mahabang katahimikan at hindi ko na sinubukang magsalita muli. Tanging ang tunog lang ng aircon ang naririnig at hindi ko alam kung makakaya ko bang ang kabang bumabalot sa buong pagkatao ko. I thought I was immune with this kind of presence but I am wrong.
"You've been making me embarrassed for quite some time, huh, Cheska Eunice?" he knows the news. He knows. I heard him chuckled and when he stopped he threw a newspaper to my direction. Napatingin na lang ako sa round table at nakita ko ang isang walang kakwenta kwentang balita
"Dad, news on tabloids are over exaggerated. You don't need to worry"
Pinanatili ko ang postura ko kahit na halos mapatili ako sa gulat nang malakas na hinampas ni Dad ang kanyang office table. Kitang kita ko ang bagsik sa kanyang mga mata at kahit na sanay na ako sa mga nakakatakot niyang titig ay hindi ko pa rin magawang tignan siya ng diretso kaya naman sa sahig lang nakafocus ang mata ko. The way he looks at me is very different compared to how he used to look at me. The care and love in his eyes are nowhere to be found.
5 years ago he was not like this. He wanted me to take a business related course. Since I'm his only child and I'll be the one to take over our hotels, I was expected to take a course that would help our business. He thinks I betrayed him.
But no, I pursue what I love. I pursue my passion. I pursue fashion designing and modeling.
"You don't know what kind of embarrassment you've put me! You didn't take a damn course that is beneficial for our business and now you're making the headlines?! Because of what?! Getting drunk?! Tell me, what do you really want? You want to become your mom? Damn!"
Mom
Parang push button na nagflashback sa utak ko lahat ng alaala na pilit ko namang kinakalimutan. Napahigpit ang hawak ko sa aking mga kamay at pinilit na huwag tumulo ang mga luha ko. The moment mom left I know this family wouldn't be the same. I know that a big part of my life is gone.
"Stop that stupid fashion and take a business related course. Para naman kahit sa ganoong paraan man lang ay may maiambag ka. Walang maidudulot sayo ang modeling at designing. Huwag mong tularan ang mama mo."
And just like that he left the room at parang automatic na bumagsak ang mga luhang nilabanan kong pigilan.
'
Stop doing what I love? Dad, it's telling me not to breathe.
BINABASA MO ANG
Love, Cheska
ChickLitCheska enjoys every bit of her youth with her friends. At the same time, she works her ass off to impress her meticulous parents. In conclusion, her life is pretty balance. She enjoys but at the same time she endures pains of rejection. Zion the dr...