Chapter 2

60 4 0
                                    


Weekend's over. At gaya ng isang normal na studyante ay ayoko ng lunes. Ang ibig sabihin lang naman ng lunes ay umpisa nanaman ng isang nakakamatay na linggo. And guess what? I'm, again, on the way to another person's house.



Maaga akong nagising kahit mamayang bandang before lunch pa ang first class ko. Nagpapatawag kasi ng 'morning meeting' ang mga kabigan ko. And by what I meant morning meeting, it means will be having the whole breakfast exchanging chikas! I missed them! Last na kita ko sakanila nung birthday ni Heather. Gosh, that kid!



"I woke up early kaya inaasahan kong maeenjoy ko ang 'morning meeting' na ito" umagang umaga pa lang naabutan ko na ang nagmamalditang si Megan. As usual she's in her beast mode every morning. Marahas kong tinulak si Megan siya sa gilid ng couch at prenteng umupo habang nag-scroll sa phone



"Wow, look who's here. Matapos ang pagiging MIA niya ay bigla siyang magpapakita" tinignan ko siya ng masama ngunit nakangising pang demonyita pa siya. Magsasabunutan na sana kaming dalawa nang lumabas sa kusina si Heather, ang may ari ng condo unit.



"Omg Cheska! I missed you" ibinaba niya ang hawak hawak niyang palayok na may pancake at tumalon sa'kin at ako'y binigyan ng isang bear hug.



"Gaga, Megan, hindi missing in action 'yang si Cheska. Wala ata talaga yang balak matulog sa condo niyan eh, ano teh sa daan ka na lang?" Inirapan ko silang lahat ng tumawa sila, mga hater talaga. Ayaw ko sa condo, ang laki pero ang tahimik feeling ko may multo. Hindi ko maiwasang mapangisi sa suot ni Keith na kaparehong design ng apron ni Heather. It's pink and it has glitters. Definitely not Keith's style.



"Let's eat! Food is reaaady!" Ales or Alessandra excitedly removed her apron and prepare the table.



Naunang nagpunta sa kitchen si Megan at prenteng umupo sa pwesto niya. Yakap yakap pa rin ako ni Heather kahit na naglalakad na kami papunta sa kitchen. Heather is the clingiest, maybe because she's the youngest. The clingiest but also the most wild!



Nakaupo na kaming lahat sa mesa, bakante pa rin ang upuan ni Tianna. That girl is absent—as always. Nagkatinginan kaming apat at napakibit balikat na lamang. We all know na hindi talaga morning person si Tianna kaya naman parang normal na sa'min na absent ito tuwing may 'morning meeting' kaya need talaga naming mag-chat sa gc para aware siya sa mga chika.



"So what's up Ms. Model? Ikaw na lang wala pang nakwekwento" napatigil ako sa pag-nguya ng pancake. I slowly wiped my mouth with the table napkin before sipping my tea. Okay, Cheska's time na! I fished my phone and scroll my gallery finding that picture before sliding it on the table. Keith immediately picked it up and the others quickly got off their sit to peeked at my phone.



"Omayghad?! Ales, isn't that..." Napatigil ako sa pagsubo ko ng pancake when Heather recognized who's in the picture. Napakunot naman noo ko ng mapansin nakanganga lang si Ales. Why aren't they saying anything?!

Love, CheskaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon