Kimberly’s POV
Pag labas ko ng School kanina biglang tumawag sa akin si Enchong nag usap kami na magkita nalang sa isang park malapit sa school namin. Habang naglalakad ako iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Maja at Mel na pinag tanggol ako ni Xander kanina. Kim nahihibang ka na ba, concern lang siya sayo ok.
Dumating ako sa park at wala pa si Enchong ng bigla nalang tumulo ang luha ko, di ko alam kung bakit parang tanga lang… wala pang limang minuto ay dumating na rin si enchong. Sympre di ko pinahalata na umiiyak ako.
“Ok ka lang ba Kim, parang namumutla ka, giniginaw ka ba?” tanong niya sa akin habang hinahagod nya ang buhok na parati nyang ginagawa nong bata pa kami.
“hindi ok lang ako, medyo napagod lang siguro sa P.E kanina kaya ganito ang mukha ko” Pagsisinungaling ko sa kanya. Sinamahan nya ako doon at nag kwentuhan kami ng kung ano ano, hindi ko tuloy namalayan ang oras mag aalas sais na pala, inihatid nalang ako ni Enchong sa bahay di sana ako magpapahatid kaso nakakahiya namn sa kanya.
Xander’s POV
Nag tangka akong lumapit sa kanya dahil nakita ko siyang umiiyak ng biglang nakita ko nalng si Enchong napalapit sa kanya, badtrip talaga oh hindi ko gustong nakikita silang magkasama kaya naisipan ko nalng na umuwi at doon nalang siya hintayin, kaya binalikan ko ang kotsing iniwan ko kanina sa malapit sa school. Nang pauwi na ako nakita ko pa silang naguusap doon. Nang makarating ako sa bahay di ko alam kung anong gagawin ko. Kaya napagpasyahan kung pumasok na muna sa kwarto ko at mag aral.
30mins later….
Pag baba ko nakita ko nalng si Kim na nasa kusina at nagluluto..bumaba ako at nagtungo sa kusina kunwari kukuha ng maiinom..
“nandito ka na pala” sabi ko sa kanya para mapansin nya ang presence ko don.
“oh…kararating ko lang ito magluluto ako ng dinner natin, ano ba gusto mo?” tanong nya sa akin habang hawak hawak nya ang knife na nakaharap sa akin..
“ano ka ba kim, hindi ganyan ang paghawak ng knife masusugatan ka” binaba ko ang basong hawak ko at nagtungo ako sa likod nya at hinawakan ko ang kamay na may kutsilyo at tinuro kung paano hawakan at mag chop ng pino. Nang biglang tumibok ang puso ko, ayaw tumigil bigla kasing tumingin sa akin si Kim na para bang nagtatanong bakit ko ginagawa ito.. binitawan ko agad ang kamay nya at kinuha ulit ang basong may tubig at dali dali akong umakyat sa kwarto ko. Inhale exhale ano ba yung ginawa ko.
BINABASA MO ANG
MY LOVELY BRIDE
FanfictionKailangan ko ba talagang pakibagayan sya...pero parang Hindi namn fair sa akin.kasi kahit namn Hindi ko gawin ang gusto nila ipagpipilita pa rin nila..kahit Na anong gawin ko doon rin namn mapupunta ang Lahat..... ------ Hindi rin fair sa akin....al...