Chapter 9 Tibok ng Aking Puso

7.9K 165 24
                                    

            Kim POV

Naging maganda ang gising ko kinabuksan dahil medyo naging ok na ang pakiramdam ko. Pasalamat kayo sa nag alaga sa akin. Hindi siya tinupak ng gabing yun.

Pagbaba ko nakita ko si ate angel na nasa kusina nagluluto ng breakfast..

“goodmorning ate angel!” bati ko sa kanya habang ako ay kumuha ng milk sa fridge at sinalinan ang mga baso sa mesa..

“magandang umaga rin sayo kim, ok na ba ang pakiramdaman mo?”

“ok na ako ate angel, mabuti nga nanjan si Xander ehh..” mahina kung sabi

“huh anong sabi mo hindi ko marinig kasi itong piniprito kung hotdog maingay” hay buti nalang pala hindi narinig ni ate angel..

“ah sabi ko po umipekto po siguro yung gamot na ininom ko kagabi. Kaya hindi natuloy ang lagnat ko”

Wossh.. muntik na ako don ahh…

“mabuti namn kung ganon, sige na tawagin mo na si Xander para makakain na kayo para hindi kayo malate sa class nyo.”

Pagkatawag ko kay Xander ay nag agahan kaming lahat…naging masaya pa ang kwentuhan naming yun. 

“ate napagisip isip ko….kung dito nalng muna kayo sa bahay mag stay?”

HUH….@_@ Seryoso Xander….

“huh?” sabay na expression ng mag asawa…

“oo kisa namn mag hotel kayo diba, dito nalang kayo tsaka gusto kung makasama si Little angel diba baby?” habang nilalaro ni xander si Angelica na katabi nito

Processing….

Ibig nyang sabihin gusto nya akong sa kwarto nya matulog habang nandito sa pilipinas ang kapatid nya..aba aba namimihasa ang mokong ahh…

“sigurado ka ba Alexander” tanong ng ate nya na siya rin ay hindi makapaniwala

“oo namn ate ayaw mo ba non. Hindi na kayo mag babayad sa hotel. Basta ba ikaw magluluto ehh..kasi namn itong si kim kung magluto kung hindi sunog walang lasa..”

kinurot ko siya sa tagiliran niya….hahaha

“aray kim masakit yun ahh…” nagkatitigan kaming dalawa, na para bang super duper over close kami para gawin ang mga bagay na yun..

“ahh sige ate aalis na kami…Tara na kim?” biglang sabi nya at dali daling tumayo.

Nang kukunin ko na ang bag ko ay inunahan ako ni Xander, tuloy wala akong bit bit…

“sige ate angel kuya phil..bye little angelica see you later…”

Nagpaalam na kami sa kanila.. as usual gaya ng dati walang imikan sa loob ng kotse.. pagdating namin sa may gate bumaba na ako ayaw ko kasing Makita ng ibang mga studyante ehh…

“magkita nalng tayo mamaya dito” sabi namn agad ni Xander sa akin…

Hmp ganyan ka namn ehh masungit ka na nga ang pogi mo pa rin..

Naging busy na itong mga huling araw dahil may inoorganize ang mga President ng council. Isang School Festival sa susunod na buwan. Lahat ng antas ng skwelahan ay kailangang mag participation para sa naturang event. Ito na kasi ang huling festival nila dahil graduating na sila next year.

“kim….” Tawag sa akin ng mga kaibigan ko

“oh maj, mel kamusta?” tanong ko

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon