Chapter 19 Who is Mateo?

4.5K 84 4
                                    

Chapter 19

Xander’s POV

              Habang pauwi na kami ng bahay nakita kung may sumusunod sa aming black car, kahinahinala ang kilos ng lalaki habang nasa likod ko siya, hindi ordinaryong sumusunod lang kasi kung iba yan mag oovertake siya dahil nag slow down na ako dahil malapit na rin kami sa bahay. Habang palapit na kami nag park ako sa labas, pag baba ko nakita ko rin ang paghinto ng sasakyan sa kabilang kanto, hindi ko na rin ito pinansin pa..

Narrator: habang papasok sila Xander at Kim sa kanilang bahay, bumalik ang black car sa tapat ng bahay ng mag asawa, lumabas ito sa kanyang kotse at kinuha ang camera nya at panay ang kuha nya ng litrato nito, dahil open ang bahay nila Xander dahil sa malaking Window kitang kita ang buong bahay nila. Pagkatapos nyang kumuha ng picture ay nilabas nya ang Phone at may tinawagan ito

“boss nakakuha na po ako ng picture”sabi nito sa kabilang linya ng telepuno.

“Good” at binaba rin ang phone nito.

Kim’s POV

                   So pagbalik namin sa bahay hindi na namin pinagusapan ang nangyari, tsaka ginala namin ang mga utak namin sa kung anong gagawin dito sa bahay. Dahil mag hahapon na nag handa ako ng makakain namin ni Xander, bago umalis si ate angel ay tinuruan namn akong magluto ng kahit na ano, kaya, ok na siguro ako. Nagluto ako ng spaghetti meatballs. Habang niluluto ko yun ay nakita ko si Xander nasa study room mukhang busy sa ginagawa nya. ‘iniisip pa rin kaya nya ang nangyari, sana hindi na, alam ko kasi kung gaano siya natatakot mawala ako.’

Habang hinahanda ko ang mesa namin ay nagtimpla pa ako ng kape nya, tsaka ko siya tinawag sa study room..

*knock knock*

“come in” narinig kung sabi nya, pag pasok ko hindi siya tumingin at nakatuon pa rin ang mata nya sa project na ginagawa nya…. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nito at pinagmasdan lang siya.

“nagwagwapuhan ka na namn ba sa asawa mo” narinig kung sabi nya at binaba nya ang lapis na hawak nya at tinitigan nya ako…

“ikaw ahh..lagi mo nalng binibuild up ang kagwapuhan mo sa akin, eh alam mo namn na ikaw lang ang gwapong nakilala ko diba” sabi ko namn sa kanya. “sympre namn para yung asawa ko hidni ako iwanan”

“naku halika na nga kumain na tayo baka lumamig yung niluto ko” sabi ko “masarap ba namn yang luto mo, baka magkasakit ako ako” napatingin ako sa kanya “ikaw ahh tikman mo muna kasi para malaman mo kung pwede na ba akong lumevel up.”

So paglabas namin ay pinatikim ko sa kanya ang Niluto ko at nakita ko namn sa kanyang mukha na ngumiti siya sa akin.

“Kim ang sarap, pwede ka na talgang mag asawa” biro sa akin ni Xander “bakit gusto mo bang mag asawa na ako” biro ko rin “tumayo siya at niyakap ako “at pag nangyari yung ako dapat ang unang lalaking mag haharap sayo sa altar, at hidni ako papayag na sino man ang humadlang” sabi nya

“alam mo Xander napagisip isip ko rin na malapit na rin namn tayong magtapos binabalak ko kasing mag try ng culinary ano sa tingin mo?” Tumingin ako kay Xander para tignan ang reaction nya. “great.. so you will cook a lot for me then, dapat sarapan mo pa..” sabi nya

“eh ikaw Xander after graduation, itutuloy mo pa ba ang balak mong mag aral?” bigla kung natanong sa kanya “Itutuloy ko pero hindi na sa America , kukunin ko nalng siguro ang business class dito sa pilipinas, total mas maganda namn ang pagtuturo nila dito ehh may magaganda eskwelahan jan, at hindi ko na rin makakain yung iluluto mo pag naging chief ka na. alam mo namn matagal ako mawawala diba.”

MY LOVELY BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon