8th

5 0 0
                                    

James Joshua's POV

Nabalitaan ko na nga ang nangyari kay Maggie, sakanya ko na mismo narinig ang kabuoang estorya.. naawa ako sa kanya dahil nasabi nya rin naman saakin kung gaano nya kagustong maging valedictorian sa paaralang ito, hindi nya deserve ang mga nangyayari sakanya. Oo alam ko naman na masama ang ugali nya dahil masyado syang famous sa campus kahit nasa kabilang building kami ay umaabot doon ang kanyang pangalan, nakikita ko narin naman sya dati pa.. sa totoo nga sya ang una kung naging crush sa campus eh.

andito ako ngayon sa gym ng paaralan namin, ako ang pumalit kay Maggie sa pag manage ng graduation song namin para sa graduation na gaganapin sa susunod na linggo..

"Ahh Jessa siguro by batch ang pag labas nila para hindi masyado magulo"

sinunod naman agad ni Jessa ang sinabi ko.. si Jessa ang assistant ko kasi pati ang assistant ni Maggie ay nag back out na rin ..

"Hindi ba natin papalitan ang kanta? Marami kasing nagrereklamo eh"

"Wag na, yan na yung na.aprobahan ng principal eh at maganda naman yung pinili ni Maggie na kanta"

The Rest Of My Life by Ashley Tisdale yung kanta, masyado ngang maarte pero maganda naman yung mensahe eh.

~~*~~

5:30pm na natapos ang practice namin, umuwi naman ako agad para makapag handa na ako sa mga dadalhin ko sa tagaytay bukas.. nakapag paalam na ako kay Jessa na wala ako sa weekend at sa Tuesday pa ako makakabalik dahil kailangan kung dumalo sa napaka halagang araw ng napakagalagang babae sa buhay ko...

nang natapos ko ng maligpit ang bag ko ay kinuha ko ang aking laptop at nag log in sa facebook ko at nagbabakasakali na may good news..

Sophia Shen Era Ortega .... I'm stalking her again, I was expecting na may update sya sa FB nya coz she didn't texted me today pero I was wrong, hindi rin sya nakapag update sa FB nya siguro busy sya

Kaya nag log out nalang ako at pinatay na ang laptop ko..

bumaba ako at nagtungo sa kusina at kinain ang hinandang pagkain ng katulong namin, mag isa lang ako ngayon kasi nasa hongkong sila lahat maliban sakin at kay Niel..

Umiinom ako ng tubig ng tumunog ang phone ko...

"Hello babe"

"Oh babe, napatawag ka?"

"Nothing hehe I'm just excited kasi makikita na kita ulit bukas"

"Ako rin naman babe, excited ng makikita ko na namanh ang napakagandang babae sa buhay ko"

"Hahaha k, nakakalig hahaha.. what time ka makakarating dito bukas?"

"Maybe by afternoon babe anjan na ako"

"Isasama mo ba si Niel?"

"Maybe not baka kasi mangugulo lang, mapahiya pa ako sa parents mo"

"Don't be like that babe, dalhin mo nalang sya para na rin may kasama ka papunta dito"

"I'll ask him mamaya pag-uwi nya"

"Okay babe, bye na andito na yung photographer eh"

"I love..."

Hindi ko natuloy yung sinabi ko kasi bigla nyang pinatay yung call..

Pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para makakapagpahinga na kasi maaga ang alis ko bukas, hindi pala ako mag-iisa kasi kasama ko si Niel kasi yan yung request ng girlfriend ko.

Begin Again (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon