9th

4 0 0
                                    

Maggie's POV

"we're here!" Cheer ni Daddy dahil sa masyadong awkward na sitwasyon namin ngayon,

bumyahe kami papuntang tagaytay na walang nag sasalita. naiinis ako sakanila kung bakit sa daming lugar na pwedi nila akong ikulong dito pa! Na puro bad memories lang naman ang meron ako dito.

"Okay, pwedi na kayong bumalik ng manila, ok na ako dito" walang gana kung sabi

"Your mom and I are too tired to go home Ayei, maybe we're living tomorrow morning instead"

Ayei ang tawag sakin ng daddy ko pag naglalambing sya sakin or echecheer up nya ako at sya lang ang tumawag sakin ng ganun

Kinuha ni daddy ang mga bagahi ko at dahil na una si Mommy na pumasok sa bahay ng lola ko hindi ako sumunod.. pinuntahan ko si daddy sa likod ng sasakyan at tinulungan sya sa pag kuha ng mga gamit ko, medyo madami to dahil matagaltagal rin ang pananatili ko dito.

"Magpakabait ka dito Ayei ha"

pinahid ko agad ang luha ko na bigla nalang pumatak

"Hindi na ba mababago ang desisyon nyo dad?"

hinarap ako ni daddy

"Ayei, anak  you will stay here just for a few months at balik manila kana para doon na mag college"

"4 months is too long dad for a vacation"

"I know anak, pero para rin naman to sayo eh"

"Hindi pa ba sapat ang sorry ko at isa pa pinagsisihan ko na naman lahat eh"

Hindi na naka sagot si daddy nang dumating si Lola at mommy

"Maggie apo, look at you.. ang laki muna.. kamukang-kamuka mo ang iyong mommy nung kapanahonan nya"

Then lola hugged me

"I missed you la"

"I miss you too apo ko"

Namiss ko din naman ang lola ko kahit na nung bata ako hindi nya ako pinapayagang mag laro sa labas ng bahay. Medyo strict din ang lola ko, most of the time dapat sya nasusunod like her daughter.

"Let's go inside, malamig dito. nag handa si Kuring ng mainit na chocolate, yung paborito mo apo"

"Nanay Kuring is still here la?"

"Oo apo, excited na nga yun na makita ka"

Si Nanay Kuring ang naging takbohan ko dati when everything goes wrong.

~~*~~

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko habang nakahiga, namiss ko rin naman ito dahil ito lang ang naging mundo ko dati.. umupo ako at inikot ko ang aking mata sa silid habang nakangiti.. wala masyadong nabago, nandun parin ang mga larawan ko..

Tumayo ako at nilapitan ang isang picture frame, dalawang batang babae na parehong-pareho ng suot at parehong naka hawak ng malaking lollipop.. napangiti ako nang maalala ko ang panahon na yun, sya ang naging bestfriend ko nung elementary..

Napalingon ako sa pintuan ng nakarinig ako ng katok sa pinto

"Pasok."

"Maggie anak may dala akong gatas para sayo"

"Ay tuloy po kayo nay, naku nag abala pa po kayo"

Pero namiss ko to kasi dati lagi nya akong dinadalhan ng gatas sa silid ko at babantayan ako hanggang sa maka tulog ako.

lumapit sakin si Nanay Kuring...

"Naalala mo pa ba yang batang iyan Maggie?"

"Ay oo naman po, sinong bang makakalimot kay Shen.. eh sya lang naman yung naging kaibigan ko dito"

"Eh alam mo ba anak na naka uwi na sya galing america? Matagal-tagal na rin sya dito sa tagaytay at kasalukuyang dito sya nag aaral"

"Ahh ganun po ba"

FLASH BACK

Papunta ako ngayon sa bahay ni Shen, dala ko ang aking barbie.. mabuti nga at pinayagan ako ni lola na lumabas

napahinto ako sa pag lalakad ng nakita ko na may nilalabas na mga bagahi galing sa luob ng bahay nila Shen... nang nakita ko si Shen ay bigla akong tumakbo

"Sheng? Bakit.. bakit naka bihis ka ng magandang damit? Mag-mamall ba kayo?"

medyo nagulat sya nung nakita nya ako..

"Shang..."

Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko

"Shang, sabi ni mommy na pupunta daw kami kay daddy"

Binitawan ko ang kamay nya

"Sheng diba nasa malayong lugar ang daddy mo?"

"Oo.."

"Diba promise mo di tayo maghihiwalay..."

"Pero Shang madali lang naman kami doon"

"Sinungaling ka! ... promise mo eh! I hate you!"

Nabitiwan ko ang hawak kung barbie at tumakbo palayo kay Shen,

tumakbo ako habang umiiyak, tumakbo ako pauuwi ng bahay, tumakbo ako palayo kay Shen na may galit sakanya...

END OF FLASH BACK

I felt betrayed that time... feeling ko no one like me kasi si Daddy at Mommy ay iniwan ako for business purposes at ang nag iisa kung bestfriend ay iniwan din ako..

"Ahh hindi ka ba invited sa debut nya?"

"Hindi nay eh, hindi na kami nag kausap mula nung pag alis nya nay"

"Bakit di mo sya puntahan?"

"Ayy wag na nay baka nakalimutan na ako nun"

"Ikaw bahala anak, oh sige inumin muna yan habang mainit pa at para makapag pahinga kana"

Begin Again (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon