CHAPTER NINE

388 11 0
                                    

JHOANA'S POV

Pagpunta namin ng BEG ay agad tinawag si bea nila coach kaya humiwalay muna sakin. Duniretso ako kila Mads na nagre ready sa bleachers.

"Huy Jho! Saan ka galing kahapon? Nakipag date kana naman no?" salubong sakin ni Mads habang naglalagay ng knee pads sa tuhod niya

"Kanino naman ako makikipag date?" tanong ko dito at binaba yung gym bag ko

"Kasama mo daw kahapon si Marci ba yon?"

"Oo. May pinag usapan lang kami. OA lang talaga si  bea minsan." natatawa kong sagot dito

"Ganon siguro talaga kapag pinagseselosan mo ang tao kung ano ano na pumapasok sa utak mo. Nagiging OA kana mag isip." sagot naman ni Ponggay sa likod namin.

"Hoy deanna! Alagaan mo nga tong si Pongs mukhang naghahanap ng aruga mo e hahahaha." sigaw ni Gizelle at natawa naman ako.

Lahat na lang talaga napag initan neto

"Alam mo? Sobrang in denial ng bestfriend mo." ani mads at inayos gamit niya.

"Saan naman in denial?" tanong ko dito

"Edi sa pagseselos niya kahapon. Hindi ka siguro nagpaalam kaya ganon yon. Bigla biglang napapadpad sa condo ko."

Napaisip naman ako sa kahapon. Hindi kona nga natecx si Bea kahapon dahil madaling madali ako kase may ibang lakad pa si Marci.

"Hindi nga ako nakapag paalam. Madaling madali kase kami." sagot ko at napakamot sa batok ko

"Kaya siguro nagkakaganon bestfriend mo. Pumunsiguronga kahapon sa Ateneo yon para masundo ka." ani naman ni Jia habang tatalon talon.

Nagulat naman ako sa sinabi nila

Seryoso? Hindi man lang kase marunong magtanong si Bea.

"Hindi ko alam na nagpunta pa siya kahapon." sagot ko at tinignan si bea na kausap pa din ng mga coaching staff

"Gusto ka daw niyang sunduin e." sagot ulit ni Jia. Napailing na lang ako at inayos na mga gamit ko.

"Patay na patay sayo Jho. Ano ba pinakain mo don?"  tanong ni Kim na nasa gilid ko

Maybe It's YouWhere stories live. Discover now