CHAPTER THIRTEEN

806 18 5
                                    

BEA'S POV

Nasa dug out na kaming lahat at naghahanda para sa game ngayon. Malakas ang kalaban namin at hindi basta basta kaya may halong kaba sakin. Malakas ang Santiago-Sister. Literal na malalakas talaga silang lahat. 

Nabaling ang tingin ko kay Jho na nagkakabit ng knee pads at mukhang nahihirapan siya kaya lumapit ako.

"Tumataba ka ata." bulong ko at tinanggal niya ang kamay niya at ako na nagpatuloy sa pagkakabit ng knee pads niya.

"Hoy beatriz! Lumubay ka diyan." reklamo niya at ramdam kong nakataas kilay niya. Natawa lang ako. At tinapos ko yung pagkakabit at humarap sakanya.

" Done. Galingan mo mamaya love. I love you." bulong ko kay Jhoana at mabilis na hinalikan siya sa noo. Napangiti naman siya.

"Ehem! Love birds. Mamaya na pagpatuloy yan. Tinatawag na tayo para magwarm up." epal ni Jia sa likod at natawa naman kami parehas ni Jho.

"Epal mo Jia."  natatawang reklamo ni Jho. Natawa na lang din ako at pumunta na kami sa Arena.

Nagwarm up kami ng ilang minuto at pagkatapos non pinakilala na ang starting line up.

Ate aly,Ate Den,Jia, Maddie,Kat,Jho  ang unang pinasok. Dikitan lang ang laro at hindi lumalayo ng tatlo ang lamang namin sa Bulldogs. Mahigpit ang depensa nila at syempre kailangan pati ang amin.

Natapos ang First set at nakuha namin. Sa pagsisimula ng 2nd set ay pinasok ako ni coach tai.

"Happy happy! You can do it." ani coach tai sakin at ngumiti lang ako saka tumango.

Magkasabay kaming pumasok ni Jho sa loob at nagsigawan ang mga tao. Tumingin ako sa screen sa taas. Samin pala nakatutok ang camera. Natawa lang ako at iiling iling ganun lang din si jho.

"Be careful love. Yung injured mo." pagpapaalala niya at tumango lang ako at ngumiti.

Nagsimula na nga ang rally. Medyo lumayo ng konti ang lamang namin sakanila pero ang hirap pa din pumuntos dahil mahigpit ang bantay. Imagine yung dalawang magkapatid nasa harap mo at nakabantay.

"Bea de leon quick attack!" dinig kong sigaw ng announcer. Tinapos ko ang rally sa isang quick attack at bigla naman akong niyakap ni jho na nasa likod kona pala.

"Nice one!" masaya niyang sabi sakin at natuwa naman ako.

"Baka pwede din naming yakapin si bea no? Kung hindi ka naman magagalit jho." sabi ni ate den na nasa gilid ko at natawa ako. Napa pout si Jho at kumalas sa yakap.

"Na carried away lang. Sorry naman." usal niya at natawa kami.

Nagsimula na ulit ang laro hanggang sa makuha namin ang 2nd set.

"Last set guys. Last. Let's do it together. Okay?" sabi ni ate aly at tumango kaming lahat.

At sa 3rd set ay pinasok ulit ako ni coach. It's not bad naman kase I dont feel any pain in my knee.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Jho na nakathumbs up sakin.

Hindi pala siya nakapasok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe It's YouWhere stories live. Discover now