BEATRIZ POV
Pagkaalis nila coach parley ay dumating naman sila mommy at halatang nag aalala.
"Bea? Anak!" sigaw ni mommy at mabilis na lumapit sakin at niyakap ako.
"Mom? Im okay." bungad ko dito at tinitignan naman niya ako at chineck buong katawan ko.
"Ano ba kase nangyare sayo?" tanong ni dad.
Aamin ba ako? Di pwede. Panigurado ay hindi ako paglalaruin neto.
"N-Na out of balance lang ako kanina dad. H-Hindi kona na sukat yung bigat ko." kinakabahan kong sagot dito.
"Next time mag iingat ka. Pinag alala mo kami ng sobra anak. Ano daw ba kailangan gawin?" tanong ni Mommy
"Pahinga lang daw po Mom. Hindi muna kailangan mag alala dahil hindi ko naman kailangan ng tungkod saka hindi naman kailangan lagyan ng brace yung tuhod ko. Okay? Makakalakad pa ako ng maayos." pagpapakalma ko dito at huminga naman siya ng malalim
"Gaano katagal ba na pahinga?" tanong ni daddy
"Mga 3 days lang daw po dad." sagot ko dito. Pero one week talaga yon. Gusto ko lang talagang maglaro sa game namin VS NU.
"Doon ka muna sa bahay. Walang mag aasikaso sayo sa condo mo." sabi ni Mommy at halata ang pag aalala sa mukha niya. Nginitian ko naman siya.
"Mom? Hindi naman ako kailangan alagaan. Nakakalakad ako ng maayos. Kaya ko sarili ko. Okay?" mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kaya hinawakan ko siya sa kamay. "I promise. Kaya ko. Tatawag ako sainyo ni Dad kapag di kona kaya." dugtong ko at wala naman na silang nagawa.
Pagkatapos ng ilang observation sakin ay sila mommy na naghatid sa condo ko at nakita ko naman mga team mates ko na nag aantay sa labas at mga kabado ang mukha kaya naman diko mapigilan matawa.
"Oh? Anong mga mukha yan?" natatawa kong tanong dito at sinamaan naman nila ako ng tingin. Si Jho naman ay hindi ko maipinta ang mukha.
"Oh? Ladies? Kayo na bahala sa makulit kong anak. Jho anak? Alam kong ikaw lang nakakapag patino dito. Ikaw na bahala sa baby namin ah?" sabi niya kay Jho at tumango naman to saka ngumiti. "Baby? Uuwi na kami. Text me or your dad if you need anything. Okay? Beatriz? Be careful." paalala ni mommy at hinalikan ako sa ulo saka tuluyan ng umalis.
YOU ARE READING
Maybe It's You
FanfictionIt's all about Jhobea. Dagdag ko lang yung iba at imagination ko lang yon.Kung ano man ang inyong mabasa na tungkol sa mga characters na nilagay ko dito? Ay tanging imahinasyon ko lamang. No hate. Just loveeeee. First storyy ko pooo hehe.