Makinig

76 1 0
                                    

Sabi ko naman sa 'yo.
'Di ka nakinig.
Pero hindi na kita pagsasabihan pa.
Alam mo na ang mali mo.

At ngayon ano?
Babalik ka?
Babalikan mo ako?
Para ano?

Hindi ka muna nag-isip.
Pero ano namang magagawa ko?
Tapos na.
Niloko ka na.

'Wag ka na magpaawa,
Ayaw kong maawa.
Nakakainis lang.
Hindi ka kasi nakikinig.

Sa susunod makikinig ka,
Para hindi ka nasasaktan,
Para hindi ka umiiyak,
At para hindi ka nagsisisi.

Mga TulaWhere stories live. Discover now